Chapter 19.

294 9 0
                                    

Date Published: June 15, 2017
Date Re-Published: February 22, 2020.

CHAPTER 19.

THIRD PERSON'S POV

Naipanganak na ni Phyrrus ang sanggol ngunit hindi ito naiyak. Nagkatinginan sila Ephera at Gelo dahil doon.

"Hindi humihinga ang bata kaya kinalulungkot kong sabihin na patay na siya." Saad ng doktor. Napahawak naman si Ephera sa bandang dibdib niya at napatingin sa sanggol.

"Dahil po ba sa pakikipaglaban ng ina niya?" Tanong ni Gelo. Tumango ang doktor sa kaniya. "Lagi siyang nakikipaglaban hanggang sa hindi na siya nakakapagpahinga." Paliwanag nito.

"Hindi kinaya ng bata. At dahil sa nakikipaglaban ang ina niya ay nasisiguro akong nasasaktan din ito at nasusugatan ng mga kalaban." Komento ni Ephera.

"Ililibing na po ba namin ang sanggol?" Tumango ang doktor. Pinulupot ng doktor ang kumot sa buong katawan ng sanggol at binigay kay Ephera.

"Ako na ang bahala sa kaniyang maglibing." Saad ni Ephera at naglakad na siya paalis. Sinundan naman siya ni Gelo hanggang sa makalabas na sila mula sa kaharian.

"Samahan na kita." Saad niya kay Ephera. "Hindi na kailangan, Gelo. Kaya ko na ang sarili ko." Sagot ni Ephera na halatang nalulungkot.

Nakalabas na sila mula sa teritoryo ng Frost napunta sila sa isang lugar na punong-puno ng mga puting bulaklak. Huminto si Ephera sa isang tabi at lumuhod doon.

"Dito natin siya ililibing para naman napapaligiran siya ng mga bulaklak." Saad ni Ephera. "Anong klaseng bulaklak ang mga nandito?" Tanong ni Gelo.

"Puting rosas. Sinisimbolo din nila ang kapayapaan. Kaya naman sana makakuha siya ng kapayapaan sa kakailanganin niya mula sa paglalakabay." Sagot ni Ephera.

Bigla namang humangin ng malakas at nilipad nito ang mga talulot ng rosas. Nakita ni Gelo na maraming lapida sa sahig. Dito niya na lang napansin na maraming nakalibing sa lugar na 'to.

"Sementeryo?" Saad niya. "Oo. Ako lagi ang tinatanong nila kung saan nila pwedeng ilibing ang mga mahal nila sa buhay na namayapa na nang dahil sa digmaan." Sagot ni Ephera.

"Diyan nakalibing ang diyos ng tubig na minahal ng hari ng Agua." Nilapitan ni Gelo ang sinabing lapida ni Ephera at tinignan ito.

"Erich..." Pagbasa ni Gelo. "Nilapitan ako ng hari ng mga warlock at tinanong kung saan niya pwedeng ilibing ng maayos ang katawan ng diyos at sinabi ko dito." Pagkwento niya.

"Siya na ang maglilibing sa katawan ng minamahal ng kaniyang anak dahil alam niyang hindi pa nito kayang bitawan ang minamahal niya." Dugtong pa ni Ephera.

"Alam niya ba ang tungkol dito?" Umiling si Ephera. "Dahil ang sugat na nanggaling sa pagmamahal ay matagal maghilom. Kailangan niya munang maghanda bago ko sabihin sa kaniya ang tungkol dito." Sagot niya.

"Maghihilom pa ba ang sugat 'pag nawala na sa'yo ang taong una mong minahal?" Wala sa sariling tanong ni Gelo.

Inilibing na ni Ephera ang sanggol at nilagyan ng lapida at sinulatan ito. Tumayo na siya at dinala niya si Gelo sa isang hardin na punong-puno ng puting rosas.

Umupo sila sa isang malaking duyan na pinaliligiran din ng mga puting rosas. Sumandal si Ephera sa duyan at napangiti ng onti.

"Oo naman. Maghihilom siya kasi lahat ng sugat ay nanghihilom. Matagal, mabagal pero sigurado." Napatingin si Ephera kay Gelo.

"Kasi kahit na ilang beses na tayong masaktan o iwan ay magmanahal pa rin tayo. Hindi naman nating maiiwasan 'yon." Dugtong niya pa.

"Meron din namang mabilis dahil sa may tumutulong sa'tin para lang maghilom 'yon."

"Kahit na sobrang sakit na?" Tumango si Ephera. "Hindi ka pa ba nagmamahal? O kaya hindi ka pa ba nasasaktan?" Tanong ni Ephera.

"Naramdaman ko na. Minahal ko kasi 'yong prinsesa eh. Ayon, minahal siya ng hari kaya hinayaan ko na lang." Sagot ni Gelo.

"Mahal nga ba talaga?" Napakunot ng noo si Gelo dahil sa tanong na 'yon. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong niya.

"Kasi kung mahal mo siya talaga ay ipaglalaban mo siya kahit na sino pa ang magkagusto sa kaniya o magustuhan niya." Paliwanag ni Ephera.

"Kasi kung mahal mo talaga siya, paglalaban mo siya." Dugtong niya pa. "Sinabi niya bang mahal niya rin ang hari? Kasi kung oo tama ngang sumuko ka pero kung hindi, bakit?" Tanong niya pa.

Hindi nakasagot si Gelo dahil doon.  Napaisip siya sa sinabi ni Ephera at napatawa naman siya Ephera ng konti dahil sa reaksyon ni Gelo.

"Diba? Ngayon mo lang napagtanto kung tama nga ba tinatawag mo sa nararamdaman mo o hindi." Natawang saad niya.

"Iba kasi ang gusto sa mahal eh. Baka nagkakagusto ka lang kasi baka nauusisa ka lang sa kaniya. Baka may nakita ka lang sa kaniya na gusto mong malaman." Paliwanag ni Ephera.

"Paano mo malalaman kung mahal mo talaga siya?" Tanong ni Gelo. Tumingin si Ephera kay Gelo ng direkta sa nga mata niya.

"Malalaman mo lang 'yan 'pag nakita mo na ang minamahal mo na nahihirapan. Kung tanggap mo ba siya kahit na masaya siya o hindi." Sagot ni Ephera.

"Masaya man siya o hindi. May problema man o wala, kung gusto mong manatili sa piling niya, gano'n 'yon. Kung kaya magsakripisyo para sa kaniya, 'yon." Dugtong niya pa.

"Nagmahal ka na ba?" Umiling si Ephera. "Natatakot ako kasi baka walang tumanggap sa'kin sa kung sino o ano ako." Sagot niya.

"Akala ko matapang ka, hindi pala." Tumatawang saad ni Gelo. "Walang hiya ka, Gelo. Akala ko may sasabihin kang maganda eh." Sagot naman ni Ephera.

"Alam mo na ba kung talagang mahal mo siya o hindi?" Tumango si Gelo. "Alam ko na. Mahal ko siya sadiyang gusto ko lang siyang maging masaya kahit na hindi ako ang dahilan ng mga ngiti niyang 'yon." Sagot niya.

"Sigurado ka ba kung 'yan talaga ang nararamdaman mo o sadiyang hinahayaan mo na talaga siya sa hari?" Tanong pa ni Ephera.

"Wala. Pinipili ko lang 'yong kasiyahan niya kasi ayoko siyang nakikitang malungkot." Sagot ni Gelo.

"Balik na tayo sa Frost. Baka hinahanap na tayo doon." Pag-aaya ni Ephera at bumalik na silang dalawa sa Frost.

AQUA'S POV

Nandito ako sa labas ng kaharian ng Frost at pinapanood ang sarili ko. Parang nandito ako sa nakaraan at pinapanood lahat ng mga nangyayari mula sa nakaraan.

Nilapitan ng nakaraang ako ang lapida na nasa harap niya at alam kong doon nakalibing si Julius bago ko siya binuhay.

Binuhay niya si Julius at biglang napaluhod dahil sa lamig ng klima. Nilapitan siya ni Julius at may sinabi sa kaniya.

Nawala na siya ng malay at sinalo naman siya ni Julius. Nakita kong napangiti si Julius at binuhat niya siya. Naglakad na si Julius papsok ng kaharian at sumunod sila Gelo sa kaniya.

Maya-maya lang ay napunta na ako sa kwarto ko mula sa kaharian ng Frost. Nakita kong inihiga ako ni Julius sa kama at hinawi ang buhok ko.

"Salamat at nakagawa kayo ng paraan para buhayin ako, Gelo, Hail at Blizzara." Bati ni Julius. Ngumiti naman ang tatlo sa kaniya.

"Masaya rin po kami mahal na hari." Sagot ni Hail. "Dito na muna siya mananatili hangga't tulog pa siya." Saad ni Julius at naglakad na siya paalis.

•••• END OF CHAPTER 19. ••••

Frost Kingdom (Kingdom Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon