Date Published: June 17, 2017
Date Re-Published: February 22, 2020.CHAPTER 23.
THIRD PERSON'S POV
Naibalik na ni Ardys si Evra at binantayan niya ito. Nag-anyo bata si Ardys para lang maibalik si Evra sa kaharian ng Agua at umupo ito sa kama.
"Sana naman ay makabalik agad si amo dito para naman mapanatag ka na." Saad ni Ardys at pinisil-pisil niya ang pisnge ni Evra at natuwa naman siya.
~~
Habang hinahanap nila Abrevar at Hail si Kera sa loob ng kaharian ng Frost ay nakita nila sila Gelo at Ephera. Napatigil silang apat mula sa pagtakbo.
"Nasaan ang mahal na hari at ang prinsesa?" Tanong ni Gelo. "'Yon din ang gusto namin malaman, nasaan sila?" Sagot naman ni Hail.
"Si Cerulean din, nasaan?" Tanong naman ni Abrevar. "Si Kera, nasaan? Hindi ako naniniwala na umalis na siya dito." Saad naman ni Ephera.
"Pumunta tayo sa kwarto at hanapin natin sila buong kaharian." Suhestyon ni Gelo at umiling si Abrevar. "Hindi. Pinaglalaruan lang tayo ni Kera." Saad niya.
"Kanina pa tayo paiko-ikot dito. Hindi niyo ba napapansin 'yon? Hanggang ngayon ay nandito pa rin tayo sa pasukan ng kaharian at hindi man lang lumayo." Dugtong niya pa.
"Ginagamit ni Kera ang kapangyarihan ng hiyas laban sa'tin. Mas mahina tayo kesa sa gumawa ng hiyas kaya niya tayo napaglalaruan." Saad naman ni Ephera.
"Paano na?" Tanong ni Hail. "Sana ligtas lang sila." Saad naman ni Gelo.
~~
Nandito si Kera sa kwarto ni Cerulean at nakita niyang natutulog ito ng mahimbing. Napangisi siya nang nakakita na siya ng oportunidad para patayin ang anak nila Julius.
"Kuwawa ka namang bata ka, nadamay ka pa dito dahil ikaw ang anak ng masamang warlock na 'yon." Saad niya.
Napatingin si Kera sa buong katawan niya at nakita niyang nasusunog na ang balat niya dahil sa sumpa ni Dana sa kaniya.
"Kahit na dalawang hiyas na ang gamit ko ay hindi pa rin nila kayang pigilan ang sumpa ng reyna na 'yon." Galit niyang sambit.
"Mas malakas ba ang reyna kesa sa kaniyang ama na gumawa ng mga hiyas na 'to?" Tanong niya pa.
Nagalakad na siya palapit kay Cerulean at papatayin na niya sana siya nang nagising si Cerulean at inatake siya nito gamit ang niyebe.
Prinotektahan ni Kera ang sarili niya at sinamaan niya ng tingin si Cerulean. Tumayo na si Cerulean mula sa kama niya.
"Anong ginagawa mo dito?! Gusto mo ba talagang patayin kita?!" Galit na tanong ni Cerulean. Tinawanan lang siya ni Kera.
"Ang isang paslit na katulad mo ay hindi ako kayang talunin. Mas lalo na kung na sa'kin ang dalawang hiyas." Sagot naman ni Kera.
"Kaya kitang tanggalan ng hangin at kaya kitang tustahin." Dugtong niya pa. Nagsimula nang mag-iba ang klima at mas lalo nang lumamig ang hangin dahil sa lakas ng niyebe.
"Hindi ako matatalo ng mga bato na 'yan! Sisirain ko pa sila sa mismong harap mo!" Sinugod na ni Cerulean si Kera.
Sinuntok niya si Kera sa sikmura sabay suntok sa baba nito. Dahil sa pandak si Cerulean ay tumalon siya para lang matamaan ang baba ni Kera.
Pagkasuntok niya sa baba ni Kera ay sinipa na niya ng malakas si Kera. Lumipad palabas ng kwarto ni Kera dahil sa pagkakasipa sa kaniya.
"Flèches gelées!" Saad ni Cerulean at may lumabas na mga palaso na gawa sa yelo at tumama ito kay Kera. Napasigaw si Kera dahil sa atake ni Cerulean.
BINABASA MO ANG
Frost Kingdom (Kingdom Series #2)
FantasyThis kingdom lies a very strong power within it. Aqua is a princess of the Agua Kingdom and also a warlock princess. When she resurrects the warlock of war - Julius, she punished herself because it is against the rules. She locked herself inside the...