Frost Kingdom (Kingdom Series #2).

1.7K 31 1
                                    

Date Published: May 29, 2017
Date Re-Published: 
February 22, 2020.

Ps. Please read first Puissant Kingdom before reading this story. :)

PROLOGUE.

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa balat ko at napatingin sa katabi ko. Nakita ko siyang natutulog pa rin at dahan-dahan akong umupo sa kama.

Bumangon na ako sa kama at lumabas na mula sa kwarto at pumunta sa kitchen para magluto ng almusal. Nagulat ako nang nakita ko si Abrevar na naka-upo sa upuan.

"Anong ginagawa mo dito, lalaki?" Tanong ko sa kaniya. "Magluto ka na lang, nagugutom din ako." Napa-iling na lang ako at inihanda na ang mga lulutuin ko.

~~~~

Maya-maya lang ay nagising na si Cyan at tuwang-tuwang lumapit sa'kin at nakita kong gulo-gulo pa ang buhok niya.

"Mommy, magkwento ka po ulit please." Nakangiting saad niya. Kinarga naman siya ni Abrevar at pinaupo sa kandungan niya.

"Tito good morning po." Bati ni Cyan. "Good morning." Rinig kong bati rin ni Abrevar. "Ako na magku-kwento sa'yo at tungkol 'to sa isa pang kaharian na hindi kalayuan mula sa Puissant Kingdom."

Napatigil ako sa sinabi ni Abrevar. Iku-kwento niya 'yong tungkol doon? Seryoso ba siya ngayon? Ang daming nangyari doon ah.

"At ang isang kaharian na 'yon ay ang tinatawag nating Frost kingdom." Dugtong niya. "Ang Frost Kingdom ay isang kaharian na matagal nang nawala sa mapa ng Magique."

"Dahil sa isang makulit na prinsesa ay naibalik ito sa mapa at nabuo muli. Sinabihan na kasi siya ng tatay niyang hari na 'wag lumabas pero lumabas pa rin ang makulit na prinsesa." Gusto ko na talagang saktan ang kapatid ko ngayon.

"Makinig ka ah. Malalaman mo na ngayon kung ano ang nangyari nang muling naibalik ang Frost Kingdom." Saad ni Abrevar at nagsimula na siyang magkwento.

•••• END OF PROLOGUE. ••••

Frost Kingdom (Kingdom Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon