Chapter 21.

319 9 0
                                    

Date Published: June 17, 2017
Date Re-Published: February 22, 2020.

CHAPTER 21.

AQUA'S POV

Nagising ako sa dahil sa naramdaman kong may nakahawak sa kamay ko at nakita ko si Cerrulean na nakatulog na. Kaming dalawa lang ni Cerulean ang nandito ngayon.

Nasaan kaya siya? Tanong ko sa isip ko. Dahan-dahan akong umupo at binuhat si Cerulean. Inihiga ko siya at tumayo na ako mula sa kama. Naglagay ako ng proteksyon sa kaniya.

Naglakad na ako palabas mula sa kwarto at pumunta sa trono pero wala naman siya doon. Nasaan ang mga tao dito ngayon?

Nang naalala ko 'yong kwarto kung saan ko nakita si Julius na umiiyak noon ay doon ako pumunta. Pagkapunta ko doon ay tama nga ang hinala ko dahil nandoon siya at nainom.

Pumasok ako sa loob at napatingin siya sa'kin. Agad siyang tumayo at lumapit, inalalayan niya akong umupo sa kama at tumabi siya sa'kin.

"Bumalik ako, ibig sabihin no'n ay tayo talaga." Nakangiting saad ko. "Naalala mo na lahat?" Tumango ako.

"Bakit ginawa mo pa rin 'yon kahit na nasasaktan ka na?" Tanong ko. "Kasi prayoridad ko ang kasiyahan mo, mahal kong prinsesa." Sagot niya.

"Hindi ko kaya panatiliin ka dito kung dahil sa responsibilidad mo lang naman ang dahilan mo. Hindi kita pwedeng ikulong dito." Dugtong niya pa.

"Hindi kita pwedeng ikulong dito kasi hindi naman kita bihag dito sa kaharian na 'to. Mahal kita kaya gusto kong maging malaya ka."

"Gusto kong malaman mo na hindi kasalanan ang ginawa mo para harapin ang responsibilidad na nasa isip mo - responsibilidad na alam mo."

"Kaya mo ginawa 'yon? Hindi mo man lang tinanong kung magiging masaya ba ako sa desisyon mo? Sa gusto mong mangyari?" Tanong ko.

"Julius, mahal kita. Hindi pa ba sapat 'yong mga pinagsamahan natin noon? Kulang pa ba? Nagkulang ba ako?" Umiling siya at napayuko.

"Ako 'yong may kulang." Sagot niya. "Nagkulang ako na panindigan ang lahat at tiwala sa'yo. Natakot ako na baka gawin mo rin ang ginawa ni Kera noon." Dugtong niya.

"Pero hindi ako si Kera." Sagot ko. "Iba ako kay Kera, Julius." Hinawakan ko siya sa pisnge. Nakita kong may tumulong luha din sa mga mata niya.

"Kung gano'n lang din pala ay dapat hindi mo na lang akong inangkin, dapat hindi mo na lang sinabi na mahal mo ko at dapat hindi mo ko hinayaang mahulog sa'yo." Dugtong ko sa kaniya.

"Kaya baka lagi tayong tinatanong ni Cerulean kung nag-away ba tayo kasi baka may nag-iba sa'tin, kasi baka ramdam niya 'yong distansya sa pagitan nating dalawa." Saad ko pa.

"Patawad. Hindi ko sinasadiya." Sagot niya. "No'ng nawala ka, doon ko lang napagtanto na hindi ko kayang mamuhay nang wala ka. Gusto ko dito ka lang, akin ka lang." Dugtong niya.

"Mahal kita. Sa pagkakataon na 'to, paninindigan ko na. Sa pagkakataon na to, hindi ko na hahayaang umalis ka ulit - paalisin ka ulit." Hinalikan niya ako.

THIRD PERSON'S POV

Pagkabalik nila Gelo at Ephera sa kaharian ng Frost ay nagtaka sila kung bakit walang tao ngayon. Nagkatinginan silang dalawa at nagtaka.

"Madalas bang ganito dito, Gelo?" Tanong ni Ephera. "Hindi. May mga bantay dapat dito. Mga kawal na tao pero nakakapagtaka, nasaan sila?" Sagot ni Gelo.

Frost Kingdom (Kingdom Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon