Date Published: June 12, 2017
Date Re-Published: February 22, 2020.CHAPTER 13.
THIRD PERSON'S POV
Tumabi si Abrevar kay Evra na kasalukuyang binabantayan ng alaga niyang ardilya. Humiga siya sa kama at niyakap ang anak niya. Lumapit naman sa kaniya ang alaga niyang ardilya at humiga sa braso niya.
(Note. Ardilya ay squirrel po sa English.)
"Hindi ko inaasahan na gano'n pala ang kapangyarihan ni mama. Nakakatakot siya." Bulong ni Abrevar kahit na alam niyang hindi naman sasagot sa kaniya si Evra.
"'Yon ba 'yong naramdaman ko kanina, amo?" Tanong naman ng ardilya. "Ardys, naramdaman mo rin pala ang nakakatakot na kapangyarihang 'yon." Saad ni Abrevar.
"Sa totoo lang po amo ay umiyak ang anak niyo dahil doon kaya naman ginawa ko ng paraan para tumahan siya." Pagkwento ni Ardys.
"Salamat sa ginawa mo." Bumangon na si Abrevar at umalis naman agad si Ardys mula sa braso ni Abrevar. Kinarga niya ang anak niya na kasalukuyang gising at nakatingin ng diretsyo sa kaniya.
"Nakita ko ang mama mo anak. Pero alam kong ligtas na siya ngayon." Saad ni Abrevar at niyakap niya ang anak niya.
~~
Dumating sila Kera sa kaharian ng Tierra pero hindi sila makapasok sa loob dahil sa nilagyan 'yon ng kalasag ni Almira.
Ang kalasag na 'yon ay ang pipigil sa mga kalaban na pumasok sa loob kahit na anong mangyari. Nilagyan din ng basbas ni Almira 'yon na kung saan ay si Dana lang ang makakasira.
"Hindi tayo makapasok sa loob." Galit na saad ni Kera. "Ang hukbo na pinamumunuan nila Aira at Phyrrus ay susugod na sa kaharian ng Frost." Utos ni Kera.
"'Yong iba naman ay maiiwan dito hahanap ng tyempo para sakupin ang kaharian ng Tierra. Babalik na ako sa kaharian ng Puissant at kasama ng iba pang matitira." Saad ni Kera at umalis na siya.
Ginawa naman ng iba pa ang mga inutos sa kanila at naiwan ang hukbo ni Rallen sa kaharian ng Tierra para magbantay. Sumunod naman kay Kera sila Gallen para bantayan ang kaharian ng Puissant.
~~
Nandito sila Almira at nakatingin mula sa bintana. Pinahanda niya ang mga taga pana nila at nagpa-ulan na ng mga palaso para maubos ang lahat ng mga nakabantay.
Agad namang tumakbo si Rallen paalis para magtago kahit na may tama na siya ng palaso mula sa balikat nito.
"May nakatas po, mahal na prinsesa." Saad ng isang kawal. "Anak, hindi na natin siya kailangang habulin pa." Saad naman ng Terra.
"Naiintindihan ko po, papa." Sagot ni Almira. "Nakatanggap ako ng ulat na nawawala daw si Assilirré." Saad ni Oxylus.
"Ano? Kailan pa siya nawawala?" Nag-aalalang tanong ni Almira. "No'ng dumating sila Fira sa kaharian ng Ligero ay doon lang nila napansin na wala na si Assilirré." Sagot naman niya.
"Hanapin niyo si Assilirré at 'wag niyong hayaan na may mangyari sa kaniya." Utos ni Almira at agad namang sinunod ng mga kawal nila 'yon.
~~
Nandito si Assilirré sa gubat kung saan niya unang nakita si Roséia. Simula kasi nang nakita niya si Roséia ay hindi na niya nakalimutan ang mukha nito.
"Nasan na kaya siya? Saan kaya siya nakatira?" Tanong ni Assiliré sa sarili. Aalis na sana siya nang biglang may dumating na mga kalaban. Kukunin na sana niya ang wand niya nang biglang may umatake mula sa likod niya.
BINABASA MO ANG
Frost Kingdom (Kingdom Series #2)
FantasyThis kingdom lies a very strong power within it. Aqua is a princess of the Agua Kingdom and also a warlock princess. When she resurrects the warlock of war - Julius, she punished herself because it is against the rules. She locked herself inside the...