Mabilis na lumipas ang mga araw. Nasabi na nila ang tungkol sa set up nila sa kanilang pamilya and partner, Vice made sure na dalawa sila ni Karylle ang humarap sa parents nito, katakot-takot na pagseseryoso nina Ms. Zsazsa lalo na ni Dr.M ang hinarap nila. Sa pamilya Viceral naman ay naging magaan lamang, tuwang-tuwa pa nga ang mga ito sa binalita nila. Kay Direk Bobet naman ay hindi masyadong naging madali, tho he's also happy for Vice, pero syempre hindi maiiwasan ang concerns niya towards Karylle's Career- tulad nalang ng Managers nilang Dalawa, katakot-takot na sermon ang natanggap nila, but at the end, they also congratulate them. Sa Bench naman ay napakiusapan nilang dalawa na babayaran nalang ni Vice ang hindi na makukunang photoshoots ni Karylle sa dadaang mga buwan.
Hindi naging madali ang unang buwan nila, yet they never let theirselves stress. Ngayon naman ay magaan na, dahil tapos na sa mga paliwanagan and sa other concerns sa loob ng set up nila.
2nd month of Karylle's pregnancy. Ganon parin naman ang katawan niya, wala pang nagbabago, she's still in her curves kaya nakakapag-photoshoot pa siya for Bench. Tulad ngayon, kakatapos niya lang sa photoshoot where Vice was with her all the time, kinakatuwa naman niya ito, ang pagiging tarsier ni Vice sa kanya, he told her that he just want to make sure she's always fine, and she appreciates it.
"Tapos na kayo?"
Tila inaantok na tanong ni Vice sa kanya when she approach him.
"Yes. So tara na? You look so tired, though wala ka namang ginawa? Hahaha Ikaw naman kasi eh, I told you I can manage myself with this"
Vice brought her bag habang palabas ng studio.
"Okay lang. Hindi ako pagod, inantok lang ako, nakakaloka hahaha"
Rinig niyang sagot nito.
"It's sunday nga pala, himala wala kayong date ni Romeo"
Pagsisimula niya ng topic.
"Actually meron, but I cancelled due to your photoshoot"
Napa-laki naman ang mata niya sa narinig. She appreciate Vice's effort for her, she quiet likes it, pero ayaw naman niyang maging daot sa relasyon ng dalawa o maging dahilan ng away nito.
"What?! Why did you do that Vice? Baka naman magalit or magselos na sakin si Romeo niyan"
"Baliw, hindi yon. Naiintindihan naman niya yung sitwasyon, nauunawan naman niyang kailangan mo 'ko"
Paliwanag nito sa kanya.
"But still. Bumawi ka nalang sa boyfriend mo ha? Tigilan mo muna pagbuntot sakin, mahirap narin, baka...masanay ako"
May sa mahinang tonong pananalita niya sa huling salita. Natatakot din kasi siya sa mga pinapakitang care ni Vice sa kanya, he's much sweeter this time, at natatakot siya na baka mahulog siya sa kaibigan. Hindi imposible, ika nga niya.
"Diretso ka ba sa unit mo? It's 7:30 na pala. Gusto mo Dinner muna tayo sa bahay?
Tanong ni Vice kay Karylle.
"Ahm, okay lang ba if sa Unit nalang tayo mag-dinner? I'll cook!"
Tila hyper naman na sagot nito sa kanya.
"O sige ba, miss ko narin luto mo eh"
Ngiti niyang sagot dito as they already drive their way to her Condo Building.
"Alam mo sana makuha ni Baby yung galing mo sa pagluluto"
Sambit ni Vice na naka-ilang balik na sa rice cooker.
"Yeah, sana nga. Para paglaki niya malutuan ka niya, kayo ni Romeo"
Sagot naman ni Karylle. He was about to answer her nang mag-ring ang phone niya, he got it out off his pocket.
BINABASA MO ANG
Un|Expected Family
FanfictionThey Expected the Baby, but they did not expect that they'll live as a Happy Family. Well, Expect the Unexpected.