The Continuation of flashback...
"Naka-ayos ka na Bae?! Pagtapos ko aalis na tayo!"
Sigaw ni Vice mula sa Walk-in Closet.
"Wait I cant see my passport!"
Sigaw naman pabalik ni Karylle, na siyang nag-aayos ng bag, at napansin niyang wala ang kanyang passport.
Nahinto naman si Vice sa pagbibihis.
"Baka ano-- nasa ibang bag mo! Hayaan mo na muna yun Bae! Hindi naman tayo mangingibang bansa. Mag-ayos ka na!"
"Pero Vice--"
"Sige na!"
"Fine!"
---
"Where are we going ba kasi? Madaling-madali ka, hindi ko manlang nakita si Avrie"
Naka-pout na saad ni Karylle sa kalagitnaan ng byahe.
"Surprise nga, pag sinabi ko paano pa naging surprise yun? Tsk"
"Mukha mo surprise mo. Pag yang surprise mo hindi ko nagustuhan..."
"Anong gagawin mo? Hihiwalayan mo ko?"
Mapang-hamon na dugtong ni Vice.
"Iwan ka namin ni Avrie"
Matapang din naman na tugon ni Karylle.
"Paano kapag nagustuhan mo? Bigyan mo ko ng isa pang Avrie ha! Deal?"
"What?! Gago ka ba? O sige i-clone natin si Avrie"
"Isa pang anak kasi yon!"
"I know! Pero parang ganon lang kadali hinihingi mo ha. Gosh"
"Bakit? Hindi ba madali? Sus, tara mamaya, 3 hours, tamo kinabukasan meron na yan---ARAY!"
---
"Wait.... Airport? Teka Vice saan tayo pupunta?... Huy si Avrie! Iiwan natin?"
"Bae kalma, kumalma ka muna pwede? Wag mo muna isipin si Avrie, kasama nun ang buong Vicerals"
"Tell me muna saan tayo pupunta. Hindi palang mag-iibang bansa ha"
Pagmamatigas ni Karylle.
"Napakakulit! Surprise nga eh"
"Sasabihin mo o iiwan kita dito?"
---
"Sooo Valentine's Day na Valentine's Day, makakakita ako ng mga Oppa!"
Napapa-siring na lamang si Vice habang pinapanood ang Girlfriend na nag-iinstagram story. Malamang ayaw niyang maiwan, kaya't bumigay din siya at sinabi ang kanilang destinasyon.
"Ofcourse thank you to Vicey, love ya"
Nagulat naman siya sa biglang paghalik ng dalaga sa kanyang pisngi.
---
"You sleepy?"
Malambing na tanong ni Vice ng mapansin na nananahimik na lamang na nakatingin sa bintana ang Girlfriend.
"Nah, naalala ko lang yung First trip natin together pa-Korea. It was just memorable and unforgettable... Kahit na magka-away tayo sa plane kasi may topak tayo parehas"
Napa-ngiti siya sa narinig. Ito naman talaga ang purpose niya, ang ipaalala ang kanilang memories sa Korea.
"Naalala mo pa pala" Tugon niya.
BINABASA MO ANG
Un|Expected Family
FanficThey Expected the Baby, but they did not expect that they'll live as a Happy Family. Well, Expect the Unexpected.