Chapter 17

6.9K 208 61
                                    

[ Paunang salita lang shibs, I dont know if may problem ba watty, or sakin lang 'to, medyo more on phonecall kasi itong chapter na ito, and the sentence spacing (idk how'd you call it) pero parang nagloloko tho. Kasi nilalagyan ko ng spacing yung phonecall convo nila para hindi nakakaduling and hindi kayo maguluhan kaso sakin waepek. Wit ko lang knows sa inyo. So ayun, pag-pasensyahan nalang, naka-italized naman ang lines ng kausap sa phone if ever na hindi nga nagana yung spacing ehe😄 Lezzzz start]











"Wag na kaya ako tumuloy?"

"Vice! Baliw ka ba, aalis ka nalang magba-back out ka pa"

"Hindi kita kayang iwan, Kurba eh"

Napa-hinto naman si Karylle. Aalis kasi pansamantala si Vice para sa Pilipinas Got Talent audition na magaganap sa Cebu, at ngayon na ang alis nito papunta doon.

"Pero Vice, hindi naman pwedeng wag siputin yon, mapapagalitan ka ng management"

"Magpapaliwanag nalang ako. Tingin ko kasi talaga hindi ko kakayanin yung Apat na araw na wala ako sa tabi mo, na wala ka sa tabi ko Bae eh"

"Vice, 4 days lang naman yun, kaya mo yun"

"Lang? Karylle yung ilang oras nga na hindi kita makasama dahil sa may ibang commitment ako, halos hindi na 'ko matahimik kakaisip sayo, sa kalagayan mo, Apat na araw pa? Tapos ang layo-layo ko pa sayo... Baka mabaliw na 'ko"

Tila maiiyak nang sambit ni Vice while keep on squeezing her hands.

"Grabe namannn! Wala ka bang tiwala sa mga naka-paligid sakin?"

"Wala"

Sing-bilis ng kidlat na sagot naman niya kaya't napa-laki naman ng mata si Karylle.

Wala, kasi isa si Yael sa naka-paligid sayo ngayon

"Seriously, Vicey? Akala ko ba you wanted me to stay here para mapanatag ka that im with your Family's company"

"Yeah, yeah. Oo nga. What I mean is, syempre papasok-pasok ka parin sa showtime. Babyahe ka, tapos sa studio, walang magbabantay sayo"

"Vice dyan lang yung studio o? Diba nga sabi mo, ilang kembot lang ang layo dito. Ni-hindi nga kami dadaan ng main road"

"..."

"Okay sige, if you want, magsasama nalang ako ng isa sa angels mo"

"..."

"Look, may phone naman tayo Vice eh. We can exchange Texts, or calls... even on facetime. I will be fine, I will always update you, I promise"

Napa-buntong hininga naman si Vice sabay titig sa mata ng kaibigan.

"Sige ganito... Tutuloy ako. Pero I want to ask a favor from you, para kahit papano mapanatag ako"

He saw determination in her eyes.

"What is it? Tell me, tell me"

"... Dont go out with Yael while im away"

Napalitan naman ng kaguluhan at gulat ang ekspresyon sa mata ng dalaga.

"Vice..."

"Kasi K, hindi ko naman alam kung saan ka dinadala ni Yael. Mamaya natatagtag ka sa mga lakad niyo, sa byahe. Mamaya gabihin kayo, mahamugan ka. Mamaya makalimutan mo inumin vitamins mo kasi masyado ka ng nag-eenjoy kasama siya. Karylle ang hirap"

Hindi naman siya naka-tanggap ng sagot mula sa dalaga, kaya't napa-ngiting mapait naman siya.

"Ano pa nga ba. Syempre hindi ka papayag"

Un|Expected FamilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon