AN
Lemme just clear something first (saveh) yung mga susunod na kaganapan o sitwasyon ay pinagtagpi tagpi ko lang base sa mga tagpi-tagping research lang din😂 wag na kayo chumika kung may mali man dahil nobody's perpek. Maging google di naibigay sakin ang kasagutan kaya ganyan. Pagtyagaan niyo nalang since Fanfic lang naman itu mga bish. Yun lang naman po, eexit na me :-)...
"K? Alam kong araw-araw kong sinasabi 'to, pero kung naririnig mo nga ako... Sana, sana mapatawad mo 'ko at hindi ka galit sakin. Alam kong imposible dahil ako naglagay sayo sa sitwasyon na yan. Pero sana maintindihan mo 'ko kung bakit kita pilit na iniwasan. Miss na miss na miss na kita"
Napa-kagat labi naman siya upang pigilan ang kanyang emosyon dahil may gusto pa siyang sabihin sa dalaga.
"At mahal na mahal kita. Mahal na mahal, Karylle"
At hindi na niya napigilan ang maluha ng tuluyan. Kasabay ng tila sunod-sunod na pag-tunog ng kanyang cellphone.
Dahilan ng sunod-sunod na messages sa kanya ng "Happy Birthday"
Napa-ngiting mapait naman siya. Ang bilis talaga ng araw. Kaarawan na niya.
"Happy Birthday to me🎶 Happy Birthday to me, Happy Birthday, Happy Birthday, Happy Birthday to me🎶"
Naluha ngunit may ngiting maliit na pag-kanta niya habang hawak-hawak ng mahigpit ang kamay ni Karylle na hanggang ngayon ay wala paring malay. It's been almost 2 weeks simula ng mawalan ito ng malay at hanggang ngayon ay hindi parin nagigising dahilan ng naging komplikasyon noong gabi.
"Alam ko kung gising ka at kausap kita ngayon, sigurado ako tatanungin mo 'ko kung anong wish ko"
Napa-hingang malalim muna siya bago nagpatuloy.
"Ang tanging wish ko lang ngayon Kurba is magising ka na. Maging okay na kayo ng anak natin"
Napa-subsob naman siya ng mukha sa may gilid ni Karylle.
"Miss na miss na miss na kita"
Sambit niya habang nahagulgol.
"I really really want you to be with me again, Bae. Hindi ko talaga sinasadya na mapagsalitaan ka. Im so sorry. I love you, I really do. Kaya gising ka na, baka ikaw nalang rin hinihintay ni Baby"
-
Habang nakatitig lamang kay Karylle ay nagulat naman si Vice ng bumukas ang pintuan ng nasabing Kwarto ng dalaga at bumungad sa kanya ang mga kaibigang beks.
"Jusko Meme! Nandito ka lang pala! Alam mo bang saktong alas-dose para kaming tanga na nabati sa bahay mo?! Wala ka naman pala doon, Bruha ka! Ayan tuloy mag-aala una na!"
Mga naka-busangot na bungad ng mga ito na kinatawa naman niya.
"Wow. Salamat sa pagpunta dito para manumbat ha?"
Natatawa niyang tugon kaya ngitiang ipis naman siya ng mga ito.
"Syempre char lang! Everybody in 1! 2! 3!"
At sabay-sabay itong nagsikantahan ng Happy Birthday.
"Yieee blow your candle na kanina pa lusawww"
Napa-iling nalang naman siya at humarap sa Cake na bitbit ng mga kaibigan.
"Alam kong nasabi ko na wish 'ko kanina kay Karylle... Pero hindi ako mapapagod na magpa-ulit-ulit"
Saad niya bago pumikit at i-blow ang candle. Nagsitilian naman ang lahat at sarilihan siyang ginreet.
(Pangit pag binati kilala ko pa naman mga utak niyo!)

BINABASA MO ANG
Un|Expected Family
FanfictionThey Expected the Baby, but they did not expect that they'll live as a Happy Family. Well, Expect the Unexpected.