Chapter 10

6.2K 198 40
                                    

"Im going to miss you"

May lungkot na bulong ni Karylle while roaming her eyes sa loob ng unit niya, na ngayon ay kakaunti na lamang ang gamit.

"Jusko Karylle! Ang sabi ko kumuha ka lang ng kaunting gamit, eh halos itaob mo na 'tong unit mo sa mga dalahin natin eh. Nakakaloka ka, gagawin mo pa 'kong gargador"

Reklamo ni Vice habang tinitignan ang mga Maleta at Travel Bag niya na nasa bukana ng unit.

"Vicey, hirap na hirap na nga ako sa pag-pili ng mga iiwan eh"

Naka-pout naman niyang tugon.

"Nahirapan?! Saan banda?! Eh halos wala ka naring itira! Baka nga kung malaki katawan ko baka pati mga furniture mo dito ipabitbit mong bruha ka"

Hindi naman na maipinta ang mukha ngayon ni Vice.

"Ehhh vicey naman eh"

Pagmamaktol ni Karylle who even move closer to Vice to give him a hug from beside.

"Nako Ana Karylle wag mo 'kong daanin sa pagpapa-cute at yakap mo. Sabi na dapat hindi kita hinayaan na mag-impake mag-isa eh. Napaka-pasaway mo talaga"

Tanging tugon naman ni Vice. Pagkarating kasi nila sa condo unit ni Karylle, ay agad din siyang pinapa-alis nito. Knowing him na puro pangdadaot lamang sa mga dadalhin niya ang gagawin. At first he refused, hanggang sa umabot na halos magtalo na sila, kaya wala ng nagawa pa si Vice at hinayaan na nga lamang si Karylle mag-isa dahil baka magalit pa ito ng tuluyan at ma-stress.

"Sorry naaa. Hayaan mo na. Tutulungan naman kita sa pagbaba ng mga gamit eh"

Malungkot na sambit ni Karylle dahil alam niyang seryoso na ang kaibigan.

"Tutulungan? Sa tingin mo hahayaan kitang tulungan ako? Gaga ka ba? Buntis ka! Di bale na, papapuntahin ko nalang mga bakla dito, mauna na tayo sa bahay. Give me atleast 1 bag na alam mong naglalaman ng pangunahing kailangan mo"

Napa-ngiti naman siya, huminahon na kasi muli si Vice, and ofcourse- hindi siya natiis nito.

"Here"

Abot niya ng isang travel bag.

"Sure ka? O tara na"

Hindi naman na siya umagal pa at nagpatianod na lamang kay Vice.

-

"Tawagan mo si Buern, o kaya si Budi or Kitty"

Sabi ni Vice matapos niyang i-abot ang cellphone kay Karylle, nagda-drive kasi siya kaya ayaw naman niyang mag-take ng risk just for a call.

Agad namang sumunod si Karylle, she dialed Buern first.

"Hello? Meme?"

Bahagya naman niyang nilayo ang cellphone at tinakpan ang mouth piece.

"Vice, anong sasabihin ko?"

Baling niya sa kaibigang focus sa pagmamaneho.

"I-loudspeaker mo"

Tugon nito na agad naman niyang sinunod.

"Helah Buern?"

"Yes meme?"

"San ka?"

"Unit, whychi?"

"Pumunta kayo nila Teptep at Budi sa bahay"

"Ay, anmeron mamshie?"

"Basta, pumunta kayo now na"

"O sige sige meme. Teka lang, mag-ayos lang ako ng konti"

Un|Expected FamilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon