UnExpected Special Chapter

3.6K 84 5
                                    

Ano pa bang ibang nangyari sa loob ng Pitong Taon? Naging sila ba agad talaga? Um-oo ba si Karylle sa tanong ni BAEkla na "Will you BAE my Girlfriend and soon-to-be Wife?" Paano ba sila nauwi sa kasalan?

Masyadong UNEXPECTED ang Ending kaya gawin natin to👌🏻






















//lets go back 7 years ago//















It's already 9 in the morning pero nagluluto parin si Karylle ng breakfast. Tinanghali siya ng gising dahil sa kaharutan ni Vice buong araw kahapon, at wala namang problema sa kanya 'yon dahil maging siya ay masaya sa mga nalaman niya. Mahal siya ni Vice.

"Hmm, bango naman niyan Bae"

Rinig niyang kumento ng kagigising lang na Boyfriend.

"Pero mas mabango ka misis ko"

Hirit ni Vice habang papalapit kay Karylle.

"Misis ka dyan"

"O bakit? Misis naman na talaga kita diba? May junakis na nga tayo eh"

Paglalambing parin ni Vice na ngayon ay naka-yakap na mula sa likuran ni Karylle.

"Kahit na, we're not yet married Vice"

"O edi tara pakasal na tayo"

Sa pagkakataong ito ay hinarap ni Karylle ang kausap.

"Vice, sigurado ka ba? Gusto mo 'kong pakasalan?"

"Oo. Tinanong nga kita kahapon diba"

Mabilis na sagot naman ni Vice.

"Just to make sure, parang ang bilis kasi, kahapon bigla mo nalang sinabi that you chose me over Romeo, na ako na yung mahal mo... Baka naman naooverwhelmed ka lang dahil kay Avrie. And to what I confessed the last time"

Kitang-kita ni Vice ang pangamba sa mga magagandang mata ng kaharap niya.

"K, listen, hindi madali magdesisyon, hindi naging madali yung pag-pili ko. Minahal ko si Terrence for 8 years. Pero wala eh, ikaw na yung mahal ko ngayon, kayo na ni Avrie ngayon yung buhay ko... Ang dami kong inisip, ang dami kong binalikang mga ala-ala bago ako tuluyang makapag-desisyon. Kaya dont ever doubt my Love for you, okay? Mahal kita K, at minahal kita bilang yung Kurba na kaibigan ko, na ka-loveteam ko, hindi lang dahil sa nanay ka ng anak ko"

Napapa-ngiti naman si Karylle sa naririnig.

"Pero kung hindi ka pa ready to be with me, i'll give you time, i'll wait, okay? Ang mahalaga mahal natin ang isa't-isa. Okay ba 'yun sa ngayon?"

Tumango ng may kasamang matamis na ngiti si Karylle kaya't ginawaran siya ng halik ni Vice sa labi.

"Just tell me whenever you're ready to be my Wife. Karakaraka aayusin natin agad ang kasal. I love you so much, Bae"

"I love you too, Vice. Pero sisirain ko muna yung moment natin, kasi yung niluluto ko"

At doon ay nagtawanan naman sila.













---

Habang nalipas ang araw, linggo at buwan, ay mas tumatatag ang samahan nila. Halos lahat ng bagay ay napapagkasunduan nila, lalo na't tungkol kay Avrie.

---












Walang pag-lagyan ang kasiyahan nila bilang magkasintahan, ngunit sa relasyon, hindi nawawalan ng pagsubok.

Un|Expected FamilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon