Chapter 16

5.6K 174 96
                                        

"He asked another chance for our marriage"

Napa-lingon naman siya agad sa dalaga right after she told about it.

"Vice! Oh my god! Focus on the road!"

At doon ay napa-tingin muli siya sa kanyang harapan.

"Ha---ha? He asked for ano?"

Nabingi lang ba 'ko? Sana na-bingi lang ako

"Wala. Just focus on the road"

Pag-iwas naman ni Karylle, ngunit knowing her friend, hindi siya nito titigilan.

"Anong wala? May sinabi ka! He asked for? Sabihin mo na, K"

Alam niyang pag tinawag siya nitong "K" o di kaya'y "Karylle" ay seryoso ito.

"Wala ngaaa"

"K? Go tell me. Mamaya he asked for money, edi mapapahiram pa kita if ever"

Pilit kina-kalma ni Vice ang sarili, maging ang kanyang boses. Kaya't he pushed that joke kahit alam niyang walang kwenta.

"Money? Why would he asked for money naman, Vice? Sira ka talaga"

"Malay ko ba. Sabihin mo na kasi yung sinabi mo kanina. I wont stop till you say it again"

Naringgan naman niya ng pag-buntong hininga ang dalaga.

"He asked for another chance to our marriage. If we could give our marriage a second chance daw"

Pina-ulit mo pa kasi

"Pa--pano? Why did he decide to asked for another chance? Diba nagka-usap na kayo noon?"

Bakit parang hindi ka masaya para sa kaibigan mo, Viceral?

"He's already taking check ups na daw. And now, he's taking up some medicines and vitamins. Maybe in a few months daw, he could conceive na. Hopefully"

"Hopefully? So still not sure about it?"

"Yeah? But he's trying. And Im happy about it. Im happy for him"

Nakita naman niya ang sinasabi nitong kasiyahan sa mukha ng kaibigan.

"Tsaka kung hindi namam daw gagana yung treatment na binigay sa kanya, he could conceive parin naman daw through artificial methods"

Pahabol pa nito.

"Katulad nung atin?"

Nakitaan naman niya ng ngisi ang kaibigan.

"As if we really did an artificial insemination, Vice"

"Owww. Sabi ko nga... So paano? I mean... anong sabi mo? Pumayag ka?"

Natagalan naman bago sumagot si Karylle. Bakit parang natatakot siya ngayon sa kaibigan?

"I... I told him..."

It feels like bumalik siya sa panahong magsasabi siya na may (First) Boyfriend na siya sa kanyang Mama at Papa noon.

"Go on, K. Kahit ano pa 'yang naging desisyon mo... I'll support you. Sabi ko naman sayo diba? All I want for you, is happiness. Go, chika na"

Pagpapa-gaan ni Vice sa namumuong tensyon sa kanilang usapan. Kahit na maging siya ay nakaka-ramdam ng kaba.

Bakit ka ba kinakabahan, Bakla? Ikaw ba yung humingi ng Second Chance? Hinayupak ka

"Yes"

Nahinto naman ang pag-lipad ng utak niya.

"Yes? Anong Yes?"

Un|Expected FamilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon