From: BAEkla
What do you want for later, Bae? Ofcourse aside from Ikaw ang Buhay ko.From: BAEkla
Este aside from Buko. Ano pa?From: BAEkla
Call tayo? I miss your voiceee!!!From: BAEkla
I miss you 💋Napa-kunot naman ang noo ni Karylle matapos makita ang Messages from Vice pagka-galing niya sa CR. Itinuon naman nya ang atensyon niya sa TV kung saan may nakantang Contestant sa Tawag Ng Tanghalan.
To: BAEkla
Aside from my Daily Dose of Buko Juice from you. I also want Pizza, Daddy Vice. Thank you!!! P.S. On air kaya kayo, paano tayo makakapag-call? HahahaSent
Hindi pa mandin naibaba ang kanyang cellphone, ay tumunog ito, sensyales na may natawag sa kanya.
BAEkla Calling
Tinitigan naman nya muna ang caller id ni Vice sabay tingin sa TV. At nang makitang patapos na ang contestant sa pag-kanta, ay hindi niya sinagot ang tawag. Sa pagkakaalam na mag-hohost na ang Binakla with Anne.
From: BAEkla
Bakit hindi mo sinagot? Sagutin mo. Magagalit ako.To: BAEkla
Eh maghohost ka na---"Grabe ang boses ni Nanay!"
"Oo nga! Tinalo yung taas ng boses mo Annie"
Napa-hinto naman siya sa pag-type ng makitang si Vhong at Anne ang sumalang sa entablado.
BAEkla Calling
At dahil ayaw kagalitan ng kaibigan, ay sinagot na niya ang tawag nito.
"Hello, Vice?"
"Bakit hindi mo sinagot kanina? Bruha ka"
"Eh on air kasi kayo"
"Ha?"
"On Air kasi kayo"
"Wait Bae, hindi kita marinig ng maayos, ang ingay ng bunganga ni Anne Curtis! Punta lang akong backstage"
---
Sa kabilang banda naman ay natayo na si Vice habang kinakausap nga ang dalaga informing her na pupunta muna siya sa Backstage. Ngunit ng pa-liko na siya ay narinig niya ang kanyang pangalan na binanggit ng kanyang Sisterette.
---
"Teka lang, Vhong"
Rinig ni Karylle na pag-pigil ni Anne sa pagka-usap ni Vhong sa Contestant.
"Bakit?"
Pati naman siya ay na-curious ng lapitan ni Anne ang Camera at ipinihit ito papunta sa may Hurado's Shot, and there she saw Vice na naka-talikod at paliko na papasok sa Backstage. Napa-facepalm naman siya dahil nahuli ang makulit na kaibigan.
BINABASA MO ANG
Un|Expected Family
FanficThey Expected the Baby, but they did not expect that they'll live as a Happy Family. Well, Expect the Unexpected.