"K wag na tayo pumasok"
Bakat sa mukha ni Vice ang pag-aalala, simula kasi ng magising si Karylle ay masama na ang pakiramdam nito.
"Vice we need to, may prod tayong hosts, diba? We need to be there"
"Tsk, K naman eh. Natatakot ako sayo eh! Tignan mo medyo namumutla ka tapos nanlalamig pa yang kamay at paa mo, ano ba yan!"
"Wala 'to! Malamig kasi dito sa kwarto. Let's go na. Didiretso din tayo sa Check up diba?"
"Ehhhh. Wag na tayo pumasok, Kurba"
Pamimilit parin ni Vice habang mahigpit ang hawak sa mga kamay ng dalaga.
"Vicey naman eh. Tara na bilis, anong oras na ohhh"
"Okay sige, dahil hindi ka naman magpapatalo, makinig ka Ana Karylle Tatlonghari ha, after ng opening, stay at your dressing room na and rest. Kukurutin talaga kita sa singit kapag hindi ka sumunod!"
Natawa naman si Karylle and gave him a slap on his chest.
"Opo na, opo na. Hindi ka rin naman papatalo"
She then cling her arms on his arm.
"Tara na Vice Gandaaa!"
Hindi naman na siya umalma at nagpatianod na sa dalaga. Kailan kaya niya matututunan ang tanggihan ito? He left a sighed sabay tingin sa mukha ni Karylle, na tila iniiksamin niya ang kabuuan nito.
Mahal ko nga talaga ang Bruha. Mas minamahal pa kita, Kurba. Pabebe puso ni Bakla eh. Wala daw makaka-pigil sa kanya.
Napa-ngiting mapait na lamang siya dahil sa natakbo sa kanyang utak.
Dalawang Buwan na ang nakakalipas mula ng bitawan niya ang mga salitang hindi siya sigurado kung mapapanindigan niya ba, o kung ninais niya ba talagang sabihin iyon, o talagang nadala lamang siya sa pressured, takot, kaba, sa halo-halong emosyon nila ni Terrence noon.
Sa mga unang araw matapos ng kaganapang iyon, ay sinubukan niyang bumawi sa nobyo sa mapapagitan ng pagfu-fulltime jowa niya dito. Halos hindi na niya madalaw noon si Karylle para lamang hindi na mag-isip pa ng kung ano ang binata.
Sinikap niyang hatiin ang kanyang katawan at atensyon sa unang buwan. At laking tulong sa kanya ang muling pagsabak ng nobyo sa isa na namang laro.
-
Hindi mapakali si Vice sa kaka-check sa kalagayan ni Karylle bago sila magsimula sa show. Kaya matapos ang kanilang prod ay hindi na niya ito binitawan pa, magkasama nilang kinanta ang naka-atas na linya nila sa Themesong ng It's Showtime. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa bewang nito na tila anytime ay may aagaw sa dalaga.
But he needs to let go off her upang umikot ito with Anne and Tyang Amy for the finale of their themesong.
Karylle should be standing between Jhong and Vhong, ngunit agad na hinapit ni Vice ang kanyang bewang.
"Nanlalamig ka na naman"
Bulong ni Vice sa dalaga ng bigla itong yumakap sa kanya mula sa harap.
"Vice... I feel so dizzy"
Agad naman niya itong sinilip. At halos umakyat lahat ng dugo niya sa kanyang ulo ng makita ang sobrang pamumutla nito at ang tila nambibigat na katawan nitong nakatuon sa kanya.
"Tangina"
Bulong niya habang inaalalayan ang katawan ng dalaga. Hindi naman niya alam ang gagawin dahil ayaw naman niyang magpahalata sa mga kasamahan lalo na sa mga manonood upang maiwasan ang hindi maayos na takbo ng show kung sakali.
BINABASA MO ANG
Un|Expected Family
FanfictionThey Expected the Baby, but they did not expect that they'll live as a Happy Family. Well, Expect the Unexpected.