Zylanne Cher's Point of View:
Lumabas sina Miah at Ember somewhere I didn't know. How would I? Nakaalis na sila bago pa ako magising. Ang dalawang 'yon, napapadalas na ang pang-iwan sa'kin. -_-
"Damon? Aalis ka?"bungad ko sa kanya nang magkasabay kaming lumabas ng mga kwarto namin. Pormang-porma kasi siya.
"I have a meeting today."
"Mag-isa na naman ako ngayon. Kaasar. Alam mo ba kung sa'n nagpunta sina Miah at Ember?"
Ngumisi siya saka sumagot. "Nasa gym. Parang may binabalikang lalaki ang kaibigan mo do'n."
"Ugh. Disgusting."
He looked at his watch and faced me.
"I still have twenty minutes. Get changed. You can come with me."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Is he crazy? Ba't naman niya ako isasama sa business meeting niya? No way. Kahit anong reason pa ang sabihin niya, hindi ako sasama. Eww. Business meeting? I will surely get bored.
"I knew that look."
"I'll just get bored there. Dito nalang ako sa bahay."
"Are you sure?"
Tumango ako. Sabay kaming bumaba. Ginutom narin kasi ako. Haha.
"Cher?"
"Yep."
"Are you sure you'll be fine on your own here?"tanong niyang may pag-aalala sa mga mata niya.
"Oo nga. Ang kulit nito."
"Aalis na ako."paalam niya.
"Okay—wait Damon. Sandali ka lang ba do'n?"
"Why? Did you change your mind?"
"No. Umuwi ka nalang ng maaga. Hindi naman ako kasing talented mo na may nagagawa kapag nabo-bored. Haha."
"Ikaw talaga. Susubukan kong makauwi agad even though I doubt its possibility."
"Thanks. Ingat ka sa pagdadrive."
Kakatapos ko lang kumain at paakyat na ako pabalik sa kwarto. Narinig kong may tumatawag sa phone ko kaya nagmamadali ako. I was on the last step of the staircase when I accidentally twisted my ankle.
"Shit. Aww."
Kaasar. Ba't kapag nagmamadali ka saka nangyayari ang mga ganitong bagay? Nananadya ang oras. Ang galing lang tumiming. Hindi naman siya masyadong masakit kaya naabutan ko pa ang tumutunog kong phone.
"BFF! I missed you! I'm glad you called. I'm so bored."umpisa ko.
"Haha. Nasa labas ako ng bahay."
Oh my! You're just on time Fear.
"Wait. Spare my five minutes. Kagigising ko lang eh."
"Haha. Take your time babyface."
Nagmamadali akong naligo at nag-ayos. Simpleng loose shirt at shorts lang isinuot ko. I want to wear something comfortable. Nang mamalayan kong lagpas ten minutes na mula nang tumawag ako sa kanya, hindi nalang ako nagsuklay at kumuha nalang ng cap. Patakbo akong lumabas ng bahay.
"Cher. Where are you going?"sabay na tanong nina Ember at Miah nang makasalubong ko sila. Papasok narin sila ng bahay.
"There's an unfamiliar car outside. Who's that? Dyll? Damon?"
"None of the ones being mentioned. We'll talk later. I really have to go."
Malapit na ako sa gate nang marinig ko silang sumigaw.
BINABASA MO ANG
The MISCHIEVOUS Virgin (The Virgin Series 1) °[KathNiel] ✓COMPLETE
Novela JuvenilMeet Zylanne Cher Emerson, the only daughter of the CHIEF JUSTICE OF THE SUPREME COURT who is a "sweet little criminal". YOU READ IT RIGHT. She's a badass and a black sheep. And yes, yes! She is a virgin... THE MISCHIEVOUS VIRGIN.