Chapter 28

2.1K 70 95
                                    

Zylanne Cher's Point of View:

Buong araw kong iniiwasan si Damon. 'Yong pag-uusap namin kagabi... ayaw kong maalala. Hindi ko alam pero nagagalit ako, nalulungkot at nasasaktan sa tuwing naiisip ko 'yon.

Nagi-guilty naman ako't naiinis sa sarili ko nang mapahiling ako ng tahimik kaninang umaga na sana hindi pupunta sa bahay ngayon si Dyll. Hindi nga siya pumunta! At hindi na naman siya nagparamdam. Bakit sa tuwing kailangan ko siya saka siya nawawala? Kailangan ko siyang makasama't makita para hindi ko maalala ang mga sinabi ni Damon. At least, nandito siya para asarin ako. Pero wala eh, kahit saan ako, naalala ko lahat.

---

"You're so precious to me, Cher. I will not allow anyone to hurt you."bulong niyang tuluyang nagpaiyak ng palihim sa'kin. Naramdaman ko ring humigpit ang pagyakap niya.

"Damon..."

"You will always be my babygirl."

When he said that line. Hindi ko alam kung bakit nalulungkot ako. Para kasi siyang nagpapaalam. Ewan. Hindi ko alam. Hindi naman niya kailangan sabihin 'yon eh.

"Cher?"sambit niya habang sinubukan niyang kumawala sa pagyakap sa'kin.

He was late. I was already hugging him even tighter than his embrace lately. Ayokong makita niya na umiyak ako at baka kung ano pa ang sasabihin niya.

"Baby?"tawag niyang lalong nagpahigpit ng kapit ko sa kanya.

"I'm sorry."I muttered and wiped my tears with my hand. "I shouldn't have told you about my issue with you and Miah. Susuportahan na kita. Basta 'wag mo lang siyang sasaktan."

Pinilit niyang kalasin ang mga kamay kong nakapulupot sa batok niya. Nakatitig siya sa'kin ngayon. His eyes are trying to tell me something... something that sent cold and shiver over my veins.

"R--right. I promise, I won't."

That statement of his made me want to sob. Dapat masaya akong nasisigurado kong hindi na ulit masasaktan ang bestfriend ko. Kaya lang...

"Baby... promise me. Walang magbabago. I will still be here whenever you need me. I'll always be around to protect you. And you will still call me idiot, moron and those... sweet words you used to call me."he said sarcastically. He smiled weakly and continued. "Cher, I'm still your Demon."

As a reply, I immediately wrapped my arms around him again.

---

Walang dapat na nagbago di ba?
Pero hindi ko maiwasan. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Ang lungkot-lungkot ko. Sumisikip nga 'yong dibdib ko eh.

"Cher?"tawag niyang nagpagulat sa'kin. "Hey!"he smiled widely at me, showing his perfect set of pearly teeth. "Are you okay? You're spacing out."

"H--ha? Wala."I replied, shaking my head.

"Is it because of him---"

"No! No."

"Why then? You look really sad and you know it's making me mad seeing you like this."

"I'm not sad."

"Really?"tanong niya sabay lapit ng mukha niya sa'kin. "Ngumiti ka nga."

"Damon!"awat ko sa kanya.

"Halika nga!"sambit niya at diretsong niyakap ako. "Wag ka ng malungkot please."

"Hindi nga kasi ako malungkot."I answered, pouting.

The MISCHIEVOUS Virgin (The Virgin Series 1) °[KathNiel] ✓COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon