Zylanne Cher's Point of View:I've learned that Fear is Dyll's cousin and bestfriend. However, just like Symonn and Hans, huli narin nang malaman niyang may sakit ang kaibigan niya. May butas sa puso si Dyll mula pa pagkabata. Hindi rin agad ito nadaluhan ng mommy niya dahil sa depression nito. His mother suffered from paranoia too. Walang araw na hindi ito sinasaktan ng daddy niya. He hurt her not only with words but physically as well. Dahil wala namang pakialam ang daddy niya sa kanya, lumala ang defect niya na pwede pa sanang maagapan.
Dyll has a large Ventricular Septal Defect which complicated into heart failure and Arrhythmias. His heart is currently enlarged.
"Dyll can survive, Cher. I know he will."bulong ni Fear habang hinahagod niya ang likuran ko.
Wala siyang natamong malalim na sugat mula sa aksidente pero hanggang ngayon ay hindi pa siya nagigising. Hans' mother advised us to keep on talking to him. His mind is working. We have to keep encouraging him to fight dahil isa sa posibleng dahilan kung bakit hindi parin siya gumigising ay dahil kagustuhan niyang huwag gumising.
"Dyll. Ako 'to. Ayaw kitang nakikitang ganito. Nami-miss ko na 'yong matigas ang ulo na si Dyll... 'yong malambing na Dyll. Gumising ka na diyan oh."sambit ko sa kanya habang pinipisil ko 'yong kamay niya.
"Cher... kumain ka na muna. Binilhan ka namin ni Hans ng makakain."
"Thanks Symonn pero hindi pa ako gutom."
"Babyface... kumain ka na muna. Gusto mo sabayan nalang kita?"Fear insisted.
Umiling lang ako. Gulong-gulo na 'yong isip ko sa mga nangyayari. Kunti nalang talaga, mababaliw na ako.
"Oo nga pala, Cher. Dyll's parents are on their way. I don't know who informed them about what happened."Fear said after a while.
Then, I have to go. Hindi pwedeng makita ko ang buwiset na babaeng 'yon. Kapag nalaman niya ring nandito ako, tiyak na magsusumbong siya kay daddy. I asked for their assistance. Tinulungan nila akong makapagtago bago pa dumating ang mga magulang niya.
"Ayaw mo ba talagang kumain?"pangungulit ni Fear habang nasa loob kami ng kotse niya.
Napairap ako sa kakulitan niya. Ayaw din paawat no? Ang tigas ng ulo. Dinala niya ako sa pinakamalapit na fast food dahil narin sa kagustuhan ko. Wala talaga akong ganang kumain kaya nakailang sandok pa lang ako ay tumigil na ako sa pagkain.
"Fear. Can I borrow your phone again? I have to make a call."
"Sure."he replied and handed me directly his phone.
Nakailang dial ako saka nila sinagot 'yong tawag ko.
"Cher? Tulog na si Miah."
Napangiti ako sa ibinungad ni Ember.
"Si daddy, Ab? Okay na ba? O nagwawala parin hanggang ngayon?"
"I don't know. Biglang natahimik ang bahay kanina pa eh. At Cher... hindi umuwi si Damon. Miah checked his room earlier... his things are all gone."
Bigla akong nanlumo sa narinig ko. Umalis siya. Umalis si Damon. Hindi man lang siya nagpaalam sa'kin. Napakuyom ako ng palad dahil sa isiping 'yon. Kung wala lang si Fear sa harap ko ngayon, malamang nag-iiyak na ako.
"Thank you. Just kiss Miah for me."
"There's more Cher. Narinig kong usapan kanina ng mga katulong niyo... ire-report ng daddy mo sa pulis na nawawala ka kapag hindi ka uuwi ng bahay after 24 hours. I think it's serious. Can't you just go home?"malungkot na tanong niya.
"I will. Pero kailangan pa ako ni Dyll. Kailangan ko siyang tulungang gumising. He's safe from the accident... but not from his own heart. I'll tell you everything tomorrow. You have to rest. It's very late already."I bid and hang up.
BINABASA MO ANG
The MISCHIEVOUS Virgin (The Virgin Series 1) °[KathNiel] ✓COMPLETE
Teen FictionMeet Zylanne Cher Emerson, the only daughter of the CHIEF JUSTICE OF THE SUPREME COURT who is a "sweet little criminal". YOU READ IT RIGHT. She's a badass and a black sheep. And yes, yes! She is a virgin... THE MISCHIEVOUS VIRGIN.