Zylanne Cher's Point of View:
The yacht had docked in back to the port and I felt the commotions from the marina. Nandito si daddy, alam ko. Ako ang unang bumaba sa yate at sinalubong ako ni Kuya Vince. Lutang 'yong isip ko. Ngunit nang sabay na bumaba sina Xantara at Damon, hindi ko mapigilang huwag umiyak dahil naaalala ko lahat ng sinabi niya kagabi... naaalala ko ang katotohanang hindi niya kapayang panindigan ang pagmamahal niya sa'kin at hindi niya ako kayang ipaglaban.
"I'm sorry kuya. Hindi ko alam na aandar 'yong yate kagabi."bulong ko kay kuya Vince na nakahawak sa magkabilang siko ko.
"It's okay. Wala na tayong magagawa. Nangyari na eh."mahinang sambit niya.
"Akala ko ba malinaw na ang lahat." anang daddy sa duwag nang salubungin niya ito kasama ang haliparot na si Xantara. "Don't make me forget history, Jed. Stay away from my daughter."
"I'm sorry. I'm sorry dad. Hinding-hindi na mauulit pa."narinig kong sagot niya at saka umalis na nakahawak pa sa kamay ng babae niya.
Pinapamukha niya talaga sa'kin na hindi ako karapatdapat na ipaglaban niya. Fine. Ba't ko ba pinipilit ang sarili ko sa kanya? Sinasaktan ko lang ang sarili ko.
"Stop crying over that guy, Cher!"biglang sigaw ni dad na nagpagulat ng sobra sa'kin. "Get in the car!"
"Tara na, Cher."bulong ni Kuya Vince at iginiya ako sa loob ng kotse.
Pagdating ng bahay, pinalabas ni daddy lahat ng nasa sala para pagalitan ako.
"Nakita mo na Cher? Nakita mo na kung ano ang kinalabasan ng katigasan ng ulo mo?"panimula niya. "Now you're crying! That, Cher! That's the reason why I told him to keep off from you! At your age, you can't love a guy like that! I know he'll just hurt you!"
"Tama na dad! Kasi kung hindi rin naman dahil sa'yo, hindi niya naman ako sasaktan eh! Kaya ako nasasaktan ngayon dahil sa inyo! Bakit ang unfair niyo dad? Mahal na mahal ko kayo. Ayoko kayong masaktan. Tapos ang dali lang sa inyo na saktan ako. Ang dali lang sa inyo na nakikita akong umiiyak! Paano niyo po ako natitiis!"matapang na sumbat ko sa kanya.
I immediately turned my back on him and ran upstairs. Sinalubong ako ng yakap nina Miah at Ember na nakaabang sa'kin sa kwarto. Ibinuhos ko na lahat ng sakit na nararamdaman ko mula pa kagabi.
"Miah... Ember... Ang tanga ko na. Nagmakaawa ako sa kanya na ipaglaban niya ako... Pero 'yong sagot niya..."umiling ako saka humagulhol. "Hindi niya magagawa. Hindi niya ako kayang ipaglaban... Ang sakit-sakit. Bakit ganito? Bakit nagmahal ako sa maling tao? Ngayon ko pa nga lang piniling magmahal... pero ang saklap na. Nabibiyak 'yong puso ko. Dinudurog... Ang sakit..."
I didn't hear anything from them. They just hugged me. And it was all that I wanted from them.
---
Miah's Point of View:
Nagmamadali akong pumunta sa paaralan ni Cher para makita siya. Halos libutin ko na ang buong campus pero hindi ko siya nakita.
"Aray! Ba't ba ang tanga mo!"asik ko sa lalaking bumangga sa'kin. "Shit! Ikaw na naman!"
Nginisian lang ako ng gago at tinitigan pa ako na para ba'ng wala siyang kasalanan sa'kin.
"Have we met before?"tanong niyang lalong nagpausok ng ilong ko.
Nang-aasar ang buwiset! Sinuntok-suntok ko siya sa dibdib. Ang kapal ng mukha! Gago! Aaarrgggghhh!
"Hey. Chill, love. Wag ka ng magalit. Naaalala naman talaga kita eh. How can I forget such beautiful face—"hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil hinampas ko na siya ng bag at saka naglakad palayo.
BINABASA MO ANG
The MISCHIEVOUS Virgin (The Virgin Series 1) °[KathNiel] ✓COMPLETE
Novela JuvenilMeet Zylanne Cher Emerson, the only daughter of the CHIEF JUSTICE OF THE SUPREME COURT who is a "sweet little criminal". YOU READ IT RIGHT. She's a badass and a black sheep. And yes, yes! She is a virgin... THE MISCHIEVOUS VIRGIN.