Chapter 1 My first job

182 3 0
                                    

Chapter 1

"Hoooy! ibalik mo sakin ang pitaka kooo! Magnanakaaaaw!"  sigaw ng ale.

Oo hinahabol ako ng ale. Ninakawan ko kasi siya. Sinungkit ko yung pitaka niya na bahagyang nakalabas sa kanyang bulsa habang namimili ng mga gulay. Pero konti lang naman ang kinuha ko. Itinapon ko rin sa kanya pabalik. Pero hinabol niya parin ako. hahaha. Tingnan lang natin kung makahabol pa siya. hahaha. Runner kaya 'to no! At isa pa ang taba pa niya. (Evil laugh)

Btw, ako nga pala si Princess Samuelle Alcantara. Ang bading ng pangalan ko no? Ba't naman kasi yan pa ang naisip na ipangalan ng tatay ko. Okay na sana kung Samuelle nalang kaso may princess pa eh. Nakaka badtrip tuloy. Kaya Sam nalang ang itawag nyo sakin o Elle. Hindi ko kayo papansinin pag tinawag nyo ako sa first name ko.

Hindi ko na nakita ang ale. Siguro napagod na yon. hahaha. Sorry ale bayaran nalang kita next time pag mayaman na ako.

Pumara na ako ng jeep at sumakay. Grabe, pinagpawisan ako dun ah. Ba't naman kasi ang init sa Pilipinas? Haaay.

Inabot ko na ang bayad ko. Buti naman at naka sideline ako. La kasi akong pera ni isang kusing kanina. Wala akong pambayad sa jeep.

Sa bahay...

"Uy Princess, saan ka galing?"    kapatid ko si kuya Bojo. At sila lang ang tumatawag sakin ng princess.  Kainis tuloy! Nasanay na daw kaya ganun.

"Naghanap ng trabaho kuya kaso bokya. " nagsasandok ako ng kanin at ulam sa kaldero. Gutom na mga alaga ko eh.

"Princess naman. Hindi ka naman namin pinapatrabaho ah. Kaya kana namin buhayin. Kami pa."

"Pero kuya matanda na ako. Kaya ko na magtrabaho." 'yan pamilya ko. Palagi nila akong binibaby. Kahit minsan d nila ako pinagtrabaho. Ako daw ang prinsesa nila at sila ang alipin. Ayos buhay ko no? Kahit mga gawaing bahay sila na gumagawa. Ako? Siyempre tunganga!

Bale tatlo lang kaming magkakapatid. Si kuya Bojo ang panganay tas si kuya Badong at ako ang bunso at unica hija nila. Lumaki akong walang kinagisnang nanay. Patay na daw eh. Sa picture ko lang nakita. Pero the truth is, di ko sila totoong pamilya. Napulot lang daw nila ako sa bangketa. Baby pa ako nun. At naging instant family ko na sila. Saya no?  Pero ayoko nang hanapin ang totoo kong mga magulang. Tinapon na nga nila ako tas hahanapin ko pa sila. Ayos sila ah.

Mahirap lang kami pero masaya. Gusto nyo bang malaman trabaho nila?

Hahaha. Nangho hold-up sila at nagnanakaw kaya sa kanila ako natuto. Pero di nila alam na ginagaya ko rin ang ginagawa nila. Aminado akong masama kami. Takot nga kaming pumasok sa simbahan eh.

Pero masasama at mayayamang tao lang naman ang ninanakawan nila.

Sa ganyang paraan nabubuhay ang pamilya ko.

"Magpaalam ka muna kay tatay. May bagong bukas pala na talyer dun sa kabilang barangay. Kung gusto mo dun ka nalang para malapit. Kilala ko naman ang may-ari."

"Talaga kuya? call ako diyan."at inubos ko na laman ng pinggan ko. haha. Atleast magkakaroon na ako ng disenteng trabaho. Automotive naman tinapusan ko. Ayos. magkakapera na ako. Isa lang naman ang pangarap ko eh.

I wanna be a millionaire!!!

Lahat naman sigurong tao yan ang pangarap diba?

"Kuya, saan nga pala sina tatay?"

nilapag ko na ang pinggan ko sa lababo. Haaay salamat at busog narin mga alaga ko.

"Pumunta kina Toring. May meeting daw sila." Patamad na sagot ni kuya habang busy sa pagtetext. Sino naman kaya 'yang katext niya? May pangiti-ngiti pa eh. May girlfiend na siguro. Bagong gupit eh.

Lumapit ako sa kanya at bigla kong inagaw ang phone niya.

"Ibalik mo sa'kin yan Princess. 'Wag mong basahin." pilit na inaagaw ni kuya kaso tinago ko sa likod ko.haha

"Ibibigay ko sa'yo 'to kuya kung sasagutin mong mga tanong ko. "

"Ano tanong mo?" medyo napipikon na si kuya. Umiba na ang tono eh.

"May girlfriend kana ba kuya?" haha. Caught off guard si kuya.haha. Pasaway talaga ako kahit kailan.

Hindi naman kasi yan nagka gf pati narin si kuya Badong. O baka hindi ko lang alam. Pero gusto ko talagang malaman.

"Ha? eh..Princess naman. Akin na nga yang cp ko." Uy. namumula si kuya. haha. Confiiirmed na.

At binalik ko na nga sa kanya. Kawawa naman. Baka magalit pa mahirap na. Hindi lang halata pero takot din ako sa mga kuya ko no.

Kinabukasan sumama ako kay kuya Bojo papuntang talyer. Inirekomenda niya ako kay mang Isko at pumayag din ang matanda. Ayaw pa nga sa una eh kasi babae daw ako. Baka daw hindi ko kaya. Pero buti nalang at napilit ni kuya.

Ako pa hindi kaya. Ipakita ko pa sa kanya certificate ko eh. Oo babae ako pero matatag 'to men! Napagkamalan nga akong tomboy sa eskwelahan dati kaya wala man ni isang naglakas loob na ligawan ako. They considered me as one of the boys. Hanep! english yun ah. haha. Mas komportable kasi ako sa maluluwang na damit at naging kilos lalaki ako dahil puro mga lalaki ang kasama ko sa bahay. Ni minsan wala talaga akong naging kaibigan na babae. Wala ring naglakas loob na makipag kaibigan sakin. he-he

Ngayon na ako mag uumpisang magtrabaho. Kulang pa kasi sila ng mga mekaniko at madami silang customer ngayon. Iniwan na ako ni kuya. Binigyan ako ni Mang Isko ng uniform at nagbihis na rin ako. Buti naman at kasya kahit medyo maluwang. Bale one piece suit siya na color blue. Sosyal ang talyer na 'to ah. May uniform pa. Astig talaga si mang Isko. Yaman ha.

"Pare, anong sira nito?" pang iisturbo ko sa mekaniko habang busy sa pagkulikot sa unahang bahagi ng kotse.

At sinabi rin niya ang deperensiya.

"Tulungan na kita." alok ko.

Ako yung taga start at siya naman ang taga check if okay na.

My Larcenist WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon