Nandito na kami sa harap ng simbahan.
Bumaba na una si Tiya at Mamu. Bumaba narin ako.
May mga camera men sa labas ng simbahan at pinipicturan ako.
" Mamu ano to?"
" Later ka na magtanong hija."
Naglakad kami papuntang pinto ng simbahan na nakasarado naman.
Nahihiwagaan na talaga ako. Mamen naman oh!
Nagsho-shoot ba kami ng pelikula? Or magpi-pictorial ba kami dito sa labas ng simbahan? Ba't full support silang lahat? At saka nakabihis pa. Hanubayan!
Mamen!
O. O
O,O
Na bigla ako ng binuksan nila ang pinto.
Nakita ko si Tatay, Kuyas at Kupal.
" Mamu? Totoo ba ito?"
" Oo hija. Ikaw talaga ang ikakasal. At hindi ka magmomodel. It's real."
" Masaya ako para sa'yo hija." si Tiya Ising at niyakap ako.
Niyakap rin ako ni Mamu.
Mamen! Ikakasal ako ulit kay kupal? Ba't hindi man lang ako iniform at wala ako sa plano?
Lumapit sakin sina Tatay at Kuyas pati si Jigs.
" Anak." niyakap ako ni Tatay. " Ang ganda-ganda mo nak."
Pati si kuya yumakap din sakin. " Bunso, maging ganap kna talagang asawa ni Kier. I'm so happy for you bunso." si kuya Bads. Wow. Marunong nang mag ingles.
" Ganda mo bunso. Para kang artista. Manang-mana ka talaga sa akin." si kuya Boj.
" Ang gugwapo nyo ngayon ah. Pormang porma." Naka tuxedo kasi sila na itim. Nanibago tuloy ako. Mukhang mayaman na kasi ang mga hitsura nila. hahaha
" Sam, sana mas nauna mo akong nakilala. Mas engrande pa siguro ang kasal natin kesa dito sa hinanda ng damulag kong pinsan. hahaha. Joke lang. hehe." si Jigs at niyakap din ako. Ang gwapo din ni Jigs at ang bango pa.
" Kelan ka naman ikakasal Jigs?" tanong ko sa nakangiting si Jigger.
" Pag blue na ang buwan Sam. hehe. Nakatadhana na siguro akong single. Kawawa naman ako.huhuhu." nag acting pa na umiiyak. hahaha. Loko talaga ang lalaking to.
Narinig ko na ang pangkasal na music.
Bumalik na sila sa puwesto nila.
Humawak ako sa braso ni Tatay. Dadalhin daw niya ako kay kupal.
Mamen! Hindi talaga ako makapaniwala sa mga nangyayari. Ang galing nilang magsorpresa ah.
Si kupal nakatingin lang sa akin habang nagmamartsa ako papunta sa kanya. Ang gwapo niya sa White 3-piece suit.
------
Natapos na nga ang kasalan. Nakakapagod pero sobrang saya talaga.
Hindi akalain na naplano yun nila lahat ng wala ako. Kaya pala dinala ako ni kupal sa province para makapagplano sila ng maigi.
Official na asawa na talaga ako ni kupal. Hindi na dahil sa pera kundi dahil sa pagmamahal na. Ayeeee.
Bukas na daw ang flight namin to Paris. Dun daw kami maghahoneymoon.hahaha.
Excited na ako. Sa wakas mkakapunta na ako sa ibang bansa.hahaha.
Dito na kami ngayon ni kupal sa room namin. Nandun pa siya sa banyo at naliligo. Mas nauna kasi akong naligo. Ayeee.
Ayan na. Lumabas na siya na nakatapis lang sa bewang ang towel at nagpupunas ng basang buhok.
Bakit ang hot ng asawa ko? Naglalaway tuloy ako.
Nakaupo lang ako sa kama at naupo rin siya sa tabi ko. Robe lang talaga ang sinuot ko para walang hassle. haha
Nagpapacute ba si kupal? Kasi ngiting-ngiti siyang nakatingin sa akin eh.
Nginitian ko rin siya. Parang mga baliw lang kami. hahaha
" Mrs. Princess Samantha Villa, would you do the honor to kiss your husband?"
Loko talaga 'to.
" What kind of kiss do you want my dear husband?"
Lumapit ako ng konti sa kanya.
" Hmm. I want french kiss with love."
" Your wish is my command my kupal.hehe"
" Close your eyes now my kupal."
Ipinikit nga niya ang kanyang mga mata. hahaha.
Pero hindi ako marunong mag french kiss. French fries lang alam ko.
" Tagal. I'm waiting sweetheart."
Okay.
Inilapit ko ang lips ko sa kanya. At siya na mismo ang nag guide sa'kin to do the french kiss.hehe
Masarap din pala ang french kiss with love no? Ngayon ko lang natikman. Palagi ko kasing tinitikman ay ang french fries with ketchup lang.haha
And the rest nga is history.
BINABASA MO ANG
My Larcenist Wife
RomanceAuthor's note: This story is just an outcome of my wide imaginations. It's a different story. Bakit di niyo itry na basahin? Malay niyo magustuhan niyo. Sinulat ko 'to just for fun. Sana magustuhan nyo. 'Sensiya sa typos and grammars. First time kon...