Chapter 13 The kind kupal :)

48 0 0
                                    

Hmmmmm...amoy...bulalo?

Nagising ako sa masarap na amoy. Kinapa ko yung katabi ko at wala na si kupal. Baka pumasok na sa opisina.

Ay naka leave pala siya ngayong week kasi honeymoon namin. Dapat nga sa ibang bansa o ibang lugar sana kami magha-honeymoon sabi ni mamu kaso ayaw ni kupal. Kaya dito muna kami sa pad niya. Kaso mas nauna pa ang honeymoon kesa sa kasal eh. he-he. Pero nagpakasal lang naman kami dahil sa pera. haaaay

Pero teka lang...saan nanggagaling yung masarap na amoy na yan? Bumangon ako at nagsuot  ng robe at lumabas ng kwarto. Dumiretso ako sa kusina at si...si...kupal nagluluto?!  Oh mamen! Marunong siyang magluto?

"Good morning!" binati niya ako at nakangiti pa?

Kinusot-kusot ko ang mga mata ko baka nananaginip lang ako.

Pero nagluluto nga siya at pa sipul-sipol pa. Baka nabaliw na si kupal o baka naman doppel ganger niya 'to.  Pero makakusap naman siya ng matino.

----

A/N:

Speaking of doppel ganger, naalala ko tuloy ang the healing. Promise, natakot talaga ako sa movie na yun. hehe

----

Baka alter ego niya lang 'to? May personality disorder kasi si kupal kaya marami siya sigurong alter. Apat lang naman yung personality niya; suplado/wa care, aggressive, malambing at ngayon naman pleasing ang aura. Ano ba talaga? Nakakatakot na ha. Mas okay pa sakin kung suplado/wa care siya.

"'Wag ka ngang ngumanga jan baka mapasukan ng langaw. Tss" nakanganga pala ako.hehe.

Umupo nalang ako sa counter at pinagmasdan siyang  nagluluto. Oh mamen! Ang hot niya. Naka boxers at apron lang siya. Nabusog na tuloy ako sa view. Pwede bang siya nalang ang breakfast ko? hehehe. Ang landi lang te?

"Psst. Ano yang niluluto mo? Mukhang masarap ah"

Parang aso lang kung makapag psst. haha

" Spicy chicken adobo. At masarap talaga 'to. Heto na. Tanaan!"

Isinerve niya nga sa harapan ko ang adobo. Wow! May garnish pa talaga at well presented.

"Ang bango. hmmmm. Lafang naaa. Kups, pakikuha naman ng pinggan."

Aba at kumuha nga. Ang bait naman ngayon ni kupal. Hindi umaangal. Hmmmm... Parang mas gusto ko itong kupal ngayon ah. hehe

Nilantakan ko na nga ang adobo niya.

"Wait! I'll get you a spoon and fork."

"Wag na. Magkakamay ako. Mas masarap kayang magkamay pag adobo yung ulam"

"What?! But that's gross and you didn't even wash your hands"

"Makaarte wagas. Kelangan rin natin ng bacteria no. Mas magana kayang kumain pagnaka kamay. Try mo pa."

"Nevermind. Let's just eat"

At kumain narin siya. Ang arte talaga ng asawa ko. Buti nalang at labs kita.

Oy! Ano yun ulit? Asawa ko? Labs ko? Waaah. Kinikilig ako sa sarili kong iniisip. Baliw lang.

"Ansharap kups. Garihng mo parahng magrhuto"

chomp chomp chomp

Sarap talaga. Uubusin ko talaga 'to.

ugh ugh ugh (cough)

"Tubiiiiig dali!" ugh ugh ugh

"Drink this."

Ininom ko ang tubig at nakahinga ako ng maluwang. Muntikan na ako dun ah.

"Are you okay?"

Hinimas himas niya ang likod ko.

Tumang-tango lang ako dahil parang nahahapo parin ako.

"Ang kulit kasi. Dapat next time, avoid speaking when your mouth is full.Tss"

mahihimigan ko sa boses ni kupal na nag-aalala siya.

Understood na yan kasi sabi niya may gusto siya sakin. Ayeee. Kinikilig ako.

Pero mahal na din ba niya ako?

Sana...haaay.

"Eh kasi naman ang sarap ng adobo mo. Ngayon ko lang nalaman na nagluluto ka pala kups."

"Mamu taught me since when i was 17."

Wow ha. Mas mabuti pa pala si kupal na mayaman na nga, marunong pang magluto at ako na mahirap lamang hindi marunong.haha. Hindi ko naman kasalanan yun no eh prinsesa ako eh.wahahaha. Parang ngayon ko lang naa appreciate na tinatawag akong princess ng pamilya ko.

At tapos na nga kaming kumain. Siya na ang nagligpit at naghugas ng pinggan. At ako? Observant lang ang papel ko.haha. Na amaze talaga ako kay kupal ngayon. Na untog siguro yung ulo niya sa pader kaya nagkakaganyan. Wish ko na sana ganyan nalang forever.

"So, you're with Jigger last night."

out of the blue niyang sambit habang tinatanggal yung gloves sa kamay nya.

"Oo. Ang cool pala talaga ni Jigger. Ang saya niyang kasama."

Haha. Naalala ko naman ang kabaliwang pinanggagawa namin kagabi. We rock! hahaha

"You like him?"

"Siyempre naman no."

Ang bait niya kaya.

"Ahh. Maliligo lang ako."

Ang hot talaga ni kupal. Likod palang yummy na. hehehe

My Larcenist WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon