POV ko parin 'to.
Dito na ako ngayon sa talyer. Trabaho ulit. Buti naman at medyo konti lang ang customer ni mang Isko.
Yan na siguro ang sinasabi ni mang Isko. Grabe, ganda ng kotse. Audi na black. At mukhang bago pa. Hanep!
Nilapitan ni mang Isko at pinagbukas pa ang driver ng pinto. Sosyalin ha.
Goodness!
Nganga!
What the!
Ang pogi ng drayber! Artista ba yan?
"Sam, halika dito."
"Ha? O-opo mang Isko."
Kalma ka lang Samuelle. Wag kang manginig. Inhale...exhale..parang ngayon ka lang nakakita ng pogi. Siguradong bakla yan.
Ha-ha. Parang timang lang. Pumunta na ako kina mang Isko.
"Ah Ser, siya si Sam. Siya ang intsarj sa auto mo."
Grabe, ang pogi niya talaga. Tao ba 'to? Nung umulan siguro ng kagwapuhan, ipinaligo niya lahat.
"What? This stinky little creature?Tsss."
Teka! masakit yun sa tenga ah.
"Anong sabi mo? stinky? Mamen! Ansakit mong magsalita ah."
Aba. At ang sama pala ng ugali ng taong 'to.
"Mang Isko, I dont think i can trust my expensive car to that stinky lesbian." tiningnan pa ako mula paa hanggang ulo.
Nakaka sakit na yan ah.
"Wag po kayong mag-alala ser. Magaling po siyang mekaniko. Wala pong akong reklamo sa trabaho niya."
"Sam, wag mo nalang siyang sagutin. Alam mo na. BIP customer natin siya. "-(as in bee-eye-pee) mahinang saway ni mang Isko.
"I dont think so. Just find me another mechanic. If you dont, i'll find another shop."
"Ha? ah-eh ..Sige po Ser."
Nasasagad na ako ng lalaking to ah. Timpi lang Sam. Customer niyo siya kaya customer is always right. - bulong ng konsensya ko.
Kung sa ibang lugar lang 'to? Baka binutasan ko na yang makinis niyang mukha!
Umalis na ako sa harap niya. At narinig ko pa siyang nag Tss. Sige lang. May araw ka rin saking lalaki ka.
Pinagpalit kami ng customer ng isang mekaniko ni mang Isko.
Nakita ko sa logbook ang pangalan ng lalaking yun. Kier Ellison Villa pala ha.
BINABASA MO ANG
My Larcenist Wife
RomanceAuthor's note: This story is just an outcome of my wide imaginations. It's a different story. Bakit di niyo itry na basahin? Malay niyo magustuhan niyo. Sinulat ko 'to just for fun. Sana magustuhan nyo. 'Sensiya sa typos and grammars. First time kon...