Jig's POV
Dito na ako sa unit ko. Damn! I hate to see Sam crying. Ano naman kaya ang ginawa ng damulag kong pinsan?
Until now gusto ko parin si Sam. At ayoko siyang nasasaktan dahil nasasaktan din ako. Haaaay.
Nakatadhana na siguro akong mag-isa habang buhay. Haaay kapalaran.
*Ring ring ring*
Napabalikwas ako ng bigla nalang nag ring ang cellphone ko.
Kinuha ko ito sa pocket ko and i saw mamu's calling.
"Hello mamu?"
"Bakit hindi ko ma contact ang pinsan mo? Magkasama ba kayo ngayon?"
As always. Si Kier parin ang inaalala niya.
"Dito na ako sa bahay mamu."
"Hindi rin sinasagot ni Sam ang tawag ko. May nangyari bang hindi ko alam?"
"Mamu, tanungin mo nalang yung damulag kong pinsan. Pinaiyak si Sam eh."
Hindi ko na hinitay na makasagot pa si mamu. Inend ko na yung call. Kawawa na naman kasi ang tenga ko pag nagtanong pa yun. Si mamu talaga. Binibaby pa si damulag.
Maka half bath na nga.
-------
Kinabukasan...
Sam's POV
Araaaaay!
Nakatulog pala ako sa sofa.
Ang sakit talaga ng ulo ko. Bumangon ako at tiningnan kung natutulog sa kama si kupal.
Haaaay. Wala siya.
Dun siguro siya natulog sa babaeng yun.
Ayan na naman ang mga luha ko. Nag uunahan na naman sila sa pagtulo.
Kinuha ko ang aking cellphone. Nakita kong may 10 missed calls from mamu. Lasing na lasing na siguro ako kaya hindi ko narinig ang tawag ni mamu.
Nahihiya ako kay mamu. Pano nalang kung sabihin ni kupal at magalit si mamu sa'kin? Hindi ko na siguro kakayanin. Mahal ako ni mamu at botong boto pa naman siya sa'kin para kay kupal. haaay.
Pinatay ko nalang ang cellphone ko at dumiretso sa banyo at naligo.
Namamaga parin ang mga mata ko. Nagsuot nalang ako ng shades at bumaba na. Pupunta ako kina tatay. Sasabihin ko ang nangyari.
Paano naman kaya nalaman ni kupal ang plano namin? Imposible namang sina kuyas at tatay ang nagsabi. Baka ang iba naming kasamahan sa pagplano. Oh men. Kailangang masabi ko kaagad 'to kina tatay.
Dumiretso na ako sa shop ni tatay. Pagbebenta ng mga motor ang binigay na negosyo sa kanya ni kupal.
Nakarating na nga ako sa shop. At nakita ko si tatay na may kausap. Baka kliyente niya.
Nakita niya ako at sinenyasan na maghintay lang muna.
Dumiretso nalang ako sa loob ng opisina niya.
After awhile, nagbukas ang pinto.
"Oh anak. Napabisita ka yata?"
Naka shades parin ako.
Hinintay ko muna syang maupo saka sinabi sa kanya ang lahat-lahat.
Nakita kong naka kuyom ang mga palad ni tatay.
"Lahat nang ito kasalanan ko. Naging masamang tao ako. Kung hindi dahil sa akin hindi ka masasaktan ng ganito anak."
Niyakap ko si tatay. Ako itong nagpumilit na magpanggap na katulong at ako ang dapat na masisi dito.
BINABASA MO ANG
My Larcenist Wife
RomanceAuthor's note: This story is just an outcome of my wide imaginations. It's a different story. Bakit di niyo itry na basahin? Malay niyo magustuhan niyo. Sinulat ko 'to just for fun. Sana magustuhan nyo. 'Sensiya sa typos and grammars. First time kon...