Chapter 2 The planning :)

88 1 0
                                    

Natapos ang araw na nag eenjoy ako. Kahit medyo pagod masarap naman sa pakiramdam na ineenjoy mo ang trabaho. Marami rami rin ang customer.

Sa katapusan pa daw makukuha ang sahod namin.

Mga alas sinco na nang makarating ako sa bahay. Ba't ang daming tao sa bahay at puro pa lalaki. Mga anim sila kasama na ang kuyas at tatay ko.

Nadatnan ko silang nakapalibot sa mesa. At may malapad na papel sa gitna na may mga guhit at sulat. Parang mapa siya.

"Ano yan 'Tay?" tanong ko out of curiousity. Lumapit ako kay tatay at nag mano.

"Dito kana pala 'nak.  Musta trabaho?"

Naisturbo ko pa tuloy ang pulong nila.haha.

"Ayos naman 'tay. Pwede makapanood sa meeting nyo?"  kinuha ko na yung isang upuan at umupo sa tabi ni tatay. Pasaway talaga ako.hehe

"Wag na Princess. Makakaisturbo ka lang.May tinimpla ako dun na juice sa kusina at may tinapay at bibingka pa dun. Meryenda kana." Si Kuya Badong. Grabe ah. Ayaw talaga nila akong pasalihin. Pero makikinig parin ako. he-he

Pumunta na nga ako sa kusina. Ginutom ako bigla pagkakita sa bibingka. Mainit pa ha. Ansaraaaap. chomp chomp chomp.

Bahala sila kung maubos man 'to. Ayaw nila akong pasalihin eh.

Nang puno na yung sikmura ko, bumalik ako sa sala. Pero pinapasok ako sa kwarto ni kuya badong. Bawal daw makinig ang hindi kasali. Haisht.

Pumasok na ako sa kwarto at good news, naririnig ko ang mga pinag uusapan nila. Kaya inawang ko muna ng konti ang pinto at nanatili sa likod nito.

Hindi ako tsismosa. Curious lang.

"Bossing, panu naman natin mapapasok ang bahay niya eh nasa loob ng subdibisyon? Maraming nakabantay na gwardiya dun."

Siguradong si tatay ang tinatanong ng lalaking yon. Siya kasi ang bossing. Astig ang tatay ko!

Sigurado akong may nanakawan na naman silang bahay ulit. Nakinig ulit ako.

"May naisip akong solusyon diyan." boses yan ni kuya Bojo.

"Isa-isa nating papatulugin ang gwardiya nang sa ganun makapasok ta'yo sa loob ng subdibisyon." galing talaga ng kuya ko.

"Maganda yan ang naisip mo pareng Boj. Sang ayon ako jan." boses ng isang lalaki.

"Pero tol, panu kung may mga CCTB sila? Mga bigtime ang mga nkatira dun. At alam mo na. Nasa makabagong panahon tayo ngayon. "

Hanep ng words of wisdom ni kuya Bads ha. Pero tama naman siya. Kahit nga lugawan jan sa kabilang kanto may CCTV na. Panu pa kaya sa pangmayamang subdivision. Siguradong pati bahay nun puno ng CCTV.

"Tama ang kuya mo Boj. Kailangan natin aralin ang mga pasikot-sikot sa loob at labas ng subdibisyon. At higit sa lahat sa loob ng bahay."

"Pero 'Tay, pano naman tayo makapasok sa bahay ng Kier na yan?" si kuya Boj ulit.

At Kier pala ang pangalan ng  lolooban nilang bahay. Drug dealer siguro yun o miyembro ng sindikato.

"Pareng Borj naman. Simpleng problema lang yan." kampanteng sagot ng isang lalaki.

"O ano Bits? Simple lang pala eh. Edi ikaw nang mag plano." ooops! parang iba na ang tono ni kuya ah. Baka napikon sa lalaking yun.

"Easy lang pareng Boj. Ito ang pinakamalaki nating proyekto. At kailangang planuhin natin ito ng maigi. Ano nang naisip mo pareng Bits? "

Kinabahan ako dun ah. Akala ko may awayan na na magaganap. Madali kasing mapikon si Kuya Boj.

"Kailangan may ipapasok tayong katulong o drayber sa bahay ng Kier na yun. Ispiya ba." kampante paring sagot ng Bits na yun.

"Ang tanong, sino naman ang ipapasok natin? "si Tatay.

"Pwede ako." si kuya Bads.

"Hindi ka pwede anak. Hindi ka namang marunong mag drayb."

Nakakatawa talaga si kuya. Mag aapply na driver tas di naman marunong mag drive.

"Ako, pasado ba? Marunong akong mag drayb." si kuya Boj naman.

"Madali kang mapikon anak. Alam mo naman ang ugali ng Kier na yun. Baka mapatay mo pa siya ng wala sa oras. Mabulilyaso pa plano natin." tutol ulit ni tatay.

"Sa tingin ko, wala sa atin ang pwedeng mag apply. Mga mukha kasi kayong di mapagkakatiwalaan."

"Si bossing naman. Ang gwapo ko kaya." ang isang lalaki. Eh ang pangit naman.hehe

Mukhang mahirap yang problema nila ah.

Ay kabayo!

Booogsh...

Araaay!

Kainis talaga na daga yun. Ayan! natumba tuloy ako.

"Anak! Anong nangyari sa'yo?

Princess, napano ka?

Princess ,anong masakit sa'yo?"

Itinayo nila ako at inalalayan at pinaupo. OA ang pamilya ko ha. Alalang-alala talaga ang mga mukha.Parang natumba lang naman ako kasi nabigla ako at nabitawan ko tuloy ang pinto kaya ayun bumukas. Peste kasing daga yun.

"Bossing! May alam na akong solusyon sa problema natin." 

" Ano yan Bits?"si tatay na naka alalay parin sakin.

"Yan. Siya ang solusyon."Sino? ako ba ang tinuturo nang lalaking yan?

"Si Princess namin?"kunot noong tanong ni kuya Borj.

"Tumpak pare! Pwede siyang mag panggap na katulong sa bahay ng Kier na yun. "

Ano? Ako magiging maid? Ni hindi nga ako marunong gumawa ng mga gawaing bahay tas gagawin niya akong maid. Kakatawa talaga ang tsonggo na yan.

"Hindi pwede si Princess. Hindi nito kayang mag trabaho. At hindi siya kasali sa proyekto natin."si kuya Bads naman.

"Princess ayos ka lang ba?"si kuya Boj.

"Ayos lang ako kuya. Nabigla lang ako sa pesteng daga na yun kaya ako natumba."

Tumayo ako at pinagpagan ang braso ko. Hindi kasi cemento ang sahig namin kaya sa lupa ako bumagsak.

"Siya lang kasi ang bagay na solusyon sa problema natin eh. " ang kulit talaga ng tsonggo na yun.

Pero parang interesting din yun ah. Pag nagkataon, para narin akong agent. Hmmm. At malaking pera ang makukuha namin kasi big project nga. Sobrang yaman siguro ng taong 'to. Pwede ko rin unti-unting kukunin ang mga mamahaling gamit dun. At magiging mayaman na kami! Ayos ah.

"Basta d pwede si Princess. Mag isip nalang tayo ng ibang solusyon."

Tutol ni tatay. Bumalik na siya sa pwesto niya kanina.

"Sige,  ako nalang 'tay. Payag ako."

excited akong nag boluntaryo. hehe

"Hindi pwede Princess. Baka mapahamak ka lang."

Ayaw talaga ni Tatay.

"Kahit ngayon lang Tay. Pangako, ngayon lang talaga ako makikisali sa inyo. Pag katapos nito magpapakabait na ako. Payagan nyo na ako. "

"Ang kulit ni bunso. Babae ka kaya di pwede."

Ang hirap nilang kumbinsihin. Haisht.

Hindi na nga ako umangal pa.

My Larcenist WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon