Chapter 15 His best alter ever!

39 0 0
                                    

Sam's POV

Salamat at feelin' fresh na ako. Lumabas na ako ng banyo at nakatapis lang.

Nagbihis na ako at saka dumiretso sa kusina.Nagugutom na mga alaga ko eh.

Naabutan kong nakaupo si kupal sa sofa at may kausap sa cellphone habang ang isang kamay may kini click sa laptop.

Nilagpasan ko lang siya at dumiretso na nga sa kusina. Buti naman at may natira pang adobong niluto ni kupal. Nilantakan ko na.

From dito nakikita ko si kupal. Mukhang pinapagalitan niya ang kausap niya sa phone. Nagsusuplado na naman.

Ay sabado na pala ngayon at bukas lilipat na kami sa mansiyon. Buti naman para hindi naman ako mababagot. At makikita ko narin sina tatay. Namimiss ko na sila eh.

At balik trabaho na bukas si kupal. At ako ano naman ang gagawin ko?

Tama! magsa shopping ako bukas gamit ang credit card ni kupal.wahaha.  At gusto ko rin sanang bumili ng sarili kong kotse kaso sobrang mahal ng gusto ko.

Ang gusto ko yung brand katulad ng kotse ni kupal at kay Jigs. Ang gaganda kasi ng mga kotse nila.

Saka nalang muna 'yan.

Nakasandal si kupal sa sofa at nakatingin sa kisame. Hinihilot niya ang kanyang noo. May problema naman siguro sa opisina niya.

Busog na yung mga alaga ko at niligpit ko nang mga pinagkainan ko. Hinugasan ko na rin. Ang sipag ko no. hehe

Umupo ako sa tabi ni kupal. Nakapikit siya at parang hapong-hapo.

" Kups, may problema ba?"

Itinapon ko muna ang pride ko. Dapat hindi ko siya papansinin for awhile kaso parang hindi muna ngayon. Mukhang bad mood eh. Iko-comfort ko nalang. Yan lang ang maitutulong ko bilang asawa. Chos! hehe

Hindi niya ako sinagot. Obvious naman kasi. Nagtanong pa ako. Sorry po.

Tumayo ako at pumunta sa likod niya at hinilot yung kanyang noo.

Nagmulat siya at tumingin sakin.

" I'm okay. Where do you wanna go?"

Okay daw. Obvious naman na hindi.

Teka..saan ko nga gustong pumunta? hmmm..Tama!

"Mall? Kasama ka?"

"Okay. Magbihis kana at maliligo lang ako."

Shinutdown muna niya ang laptop at saka pumunta na ng room.

Wow! Gustong-gusto ko na talaga ang ugali ni kupal ngayon. Sana ganito nalang palagi. haaaay.

Dali-dali akong nagbihis. Sinuot ko yung pinaka comfy kong damit. Naglagay ako ng manipis na make-up at binig curls ang buhok ko. Natutunan ko ang lahat ng ito kay totsie at kay mamu.

Binilhan kasi ako ni mamu ng mga make-up kit, plantsa sa buhok, curler at iba pang pampaganda. At mamahalin pa ang mga brand nito ha.

Tinapon ko na yung ipinadala ni totsie na make-up. Nakakasama daw yun sa kutis sabi ni mamu. Mumurahin lang naman kasi. At saka naka chinese pa yung brand.haha

Nagbibihis na rin si kupal. Naaamoy ko pa yung bango niya. Ano kaya ang amoy ni kupal pag mabaho siya?hehehe

Simpleng dress lang yung suot ko at pinarisan ko ng doll shoes. So bagets ang peg ko ngayon.

"Are you ready?"

Wow! Nanibago ako sa porma ni kupal. Naka short pants, polo shirt at espadrille. Pogi ng asawa ko at mabango pa.hmmm

My Larcenist WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon