Sumampa na ako sa sasakyan. Mamen! Ayoko ng ganitong pakiramdam.
"I hate you kuuuuupaaaaal!"
Wala akong pakialam kung may makarinig man sa sigaw ko.
Pinaharurot ko na ang sasakyan at binilisan ko ang pagpapatakbo. Galit ako ngayon at nasasaktan. Wala akong pakialam kung maaksidente man ako. Gusto ko na ngang mamatay ngayon eh.
Shit! Ang sakit-sakit.
Medyo matrapik na kaya binagalan ko nalang ang pagpapatakbo.
Sa di kalayuan may nakita akong parang bar. Perfect ang lugar na yan para makalimutan ko ang nangyari. Gusto kong ilunod sa alak ang sakit na nadarama ko ngayon.
At dito na nga ako sa loob ng bar. Buti naman at dala ko ang atm ko. Nag withdraw muna ako dahil may atm machine naman sa di kalayuan sa bar.
Maraming tao at ang ingay-ingay. Mukhang pangmayaman ang lugar na ito. Dumiretso ako sa bar counter dahil mag-isa lang naman ako.
Sinuggest ng bartender ang special shots nila for tonight. Ang bacardi rainbow shots kaya yan nalang inorder ko. Anim na shooter glasses ang binigay niya sakin. Ang ganda tingnan dahil from yellow-dark blue ang kulay.
Dapat daw unahin ang pinaka light na kulay to darkest.
Parang juice lang yung first hanggang sa tumatapang yung lasa niya hanggang sa pinakamatapang. Ang last shot. Mamen! Ang init sa lalamunan. Medyo nararamdaman ko na ang pagkahilo.
Pinalakpakan ako ng bartender. Ang hanep ko daw uminom kaya binigyan nya ako ng complimentary drink. Pang chaser daw. Pero infairness ang sarap.
"Ang ganda nyo po mam." Ang bartender.
Nginitian ko lang siya bilang ganti. Pero infairness ha. May hitsura ang bartender na 'to.
Tinanong-tanong pa niya ako kung ngayon lang daw ako dito nakapunta, etc. Sinasagot ko naman out of courtesy. Mukhang mabait naman siya.
Nag-order pa ulit ako ng dalawang cocktails. Feeling ko ngayon high na ako.
Binayaran ko na lahat ng inorder ko at pumunta sa dance floor. Kahit na gumigewang keri parin. I wanna enjoy this night. Wohooo.
Maraming gustong makipagsayaw sakin ngunit hindi ko sila pinansin.
Sumasayaw ako ngayon na parang walang bukas.
May lumapit saking poging lalaki. Bahala na. Pinulupot ko ang mga kamay ko sa batok niya at siya naman nakahawak sa bewang ko.
"You're so beautiful. Are you with someone or a group?"
Bulong niya sa tenga ko.
Sasagot na sana ako ng may bigla nalang humila sa akin.
"Damn!" narinig ko pang mura ng lalaking kasayaw ko.
"She's my girlfriend so back off!"
Mamen!
"Ji-jigs?"
"Let's go" hinila na niya ako palabas ng bar.
Saka nalang niya ako binitiwan ng makalabas na kami. Oh shit! Ang sakit ng ulo ko. Kumapit ulit ako sa braso niya ng maramdaman kong mabubuwal na ako.
"Are you okay Sam?"
"Masakit lang ang ulo ko."
Kaya inalalayan niya ako papunta sa sasakyan niya at pinasakay niya ako sa passenger seat at siya naman sa driver seat.
"What are you doing in this place Sam?"
Bigla ko nalang naalala ang nangyari kanina kaya napahagulhol ako ng iyak.
"Is-is there something wrong? Nag-away ba kayo ni damulag?"
Tumango lang ako.
"Tell me what happened."
Umiling-iling ako. Ayokong malaman ni Jigger ang lahat. Baka pati siya magalit sa'kin.
He slightly hugged me at tinapik-tapik ako sa likod.
"Okay-okay. Hindi kita pipilitin. Basta kung hindi mo na kaya 'wag kang mahihiyang sabihin sa'kin ang lahat ha? I am your friend and nandyan lang ako palagi sa tabi mo if kailangan mo ako."
Tumango-tango lang ako and hinayaan nalang niya akong umiyak sa balikat niya.
"Hush lady. Tama na yan. Ang pangit mo palang umiyak Sam.haha"
Pinalo ko siya sa kamay.
Nang tumahan na ako inihatid na niya ako sa bahay. Im so lucky to have Jigs as my friend. Palagi lang niya akong pinapasaya pagkasama ko siya. At ayokong pati siya magalit din sa'kin.
Gusto pa sana niya akong alalayan papunta sa room ko kaso medyo kaya ko pa naman. Pinaalis ko na siya.
And now i was left alone. Tulog na lahat ng mga tao sa bahay. Umupo muna ako sa sofa.
At bigla nalang nagpaligsahan sa pagtulo ang mga luha ko.
Matagal na ba akong niloloko ni kupal? Matagal na ba silang may relasyon ng babaeng yun? Mapapatawad parin ba niya ako? Hihiwalayan na niya ba ako?
Ang sakit-sakit na.
Tumayo ako at dumiretso sa bar. Gusto ko pang uminom. Gusto kong kalimutan ang lahat.
Kinuha ko yung pinakamatapang na alak.
Pagewang gewang kong tinungo ang stairs.
Kumapit lang ako hanggang makarating na ako sa loob ng silid namin.
Umupo ulit ako sa sofa at hinubad ko yung sapatos ko.
Sinimulan ko nang inumin ang alak. Hindi na ako nag-abala pang ilagay sa baso. Tinungga ko lang ito kahit na pangit yung lasa at walang chaser.
BINABASA MO ANG
My Larcenist Wife
Storie d'amoreAuthor's note: This story is just an outcome of my wide imaginations. It's a different story. Bakit di niyo itry na basahin? Malay niyo magustuhan niyo. Sinulat ko 'to just for fun. Sana magustuhan nyo. 'Sensiya sa typos and grammars. First time kon...