O.O
What the!
Nasan si kupal?
Pumunta ako sa front desk ngunit wala nang tao.
Tawagan ko nalang kaya si kups. Kinuha ko sa bag yung Iphone ko at tinawagan siya.
Hindi sinasagot. Haisht. Babalik nalang ako sa office niya. Hihintayin ko nalang sya dun.
Tsk. Past seven na at gutom na me. Asan na kaya si kupal?
Nakailang tawag na ako ngunit hindi parin sinasagot.
Lumabas uli ako at oh men! Wala nang ka tao-tao at patay na ang ibang ilaw. Kakatakot naman. Eeeh. Asan na kaya si kupal? Tinawagan ko rin sa bahay ngunit wala pa siya dun.
Bumalik ulit ako sa loob ng office niya. Maghihintay lang ako ng isang oras pa at aalis nalang ako.
Humiga nalang ako sa mahabang sofa at naglaro nalang ng flappy bird.
Kainis naman! Mas lalo akong nafu-frustrate sa game na 'to. Nakailang try na ako ngunit hanggang 9 lang talaga kaya ko. Haisht.
7:30 na at wala parin. Urrrrgh! So boooooooooriiiiiiiiing. Asan ka na ba kupal? Jee-are-are-are!
At ayan na si kupal! Dali-dali akong tumayo and to my surprise,
he's with a girl and a guard! Oh sh*t!
"Anong nangyari sa kanya?"Lumapit ako sa kanila at tumulong sa pag alalay kay kupal paupo sa sofa.
"Who are you?" Tiningnan ako ng masakit ng babae. Aba at ang taray ng babaeng ito ah. At sino siya? Hindi niya ba alam na ako ang asawa ni kupal? Oh mamen!
"At sino ka rin ha? At ba't lasing ang asawa ko?"
"Huh! Are you kidding? Asawa? haha. You're funny. Imposibleng maging asawa ka ni Kier at wala siyang asawa. So back off!"
Ang sarap jumbagin ng babaeng ito ah.
"Ayaw mong maniwala?" Itinaas ko ang kaliwang kamay ko at ipinakita sa pagmumukha niya ang wedding ring namin ni kups.
"Ah ma'am Steff, tawagin nyo nalang po ako pag kailangan nyo."
Si manong guard. Teka lang, sino ba ang babaeng ito? Ba't kilala siya ng guard? Babae ba 'to ni kupal at niloloko niya ako?
Tinaasan ako ng kilay ng babae at malditang ngumiti.
"Miss, baka in your dreams mo lang naging asawa si Kier." Ipinakita niya sakin ang dalawang kamay ni kupal at wala ni isang singsing.
Nag-init bigla ang dugo ko. Humanda ka sa'kin kupal ka.
"Kuuuuuuuupaaaaaaaaal!"
Sinigawan ko siya ng ubod lakas sa tapat ng tenga niya. At nakita kong nanlaki ang mga mata ng bruhilda.
"F*ck!" Nagmulat si kupal at tumingin sa'kin. Namumula ang mga mata niya sa kalasingan at....at....matalim yung mga tingin niya na ikinatakot ko bigla. Ano bang nangyari kay kupal? Ba't ganyan siya makatingin? Na para bang may nagawa akong malaking kasalanan.
"Hi baby.." Kumapit sa braso niya ang bruhilda at humilig sa balikat ni kupal. Sh*t!
"Who's that girl baby? She's claiming that she's your wife daw."
Harap-harapan na 'to ah. At baby pa ang tawag kay kupal. Babae nga siya ni kupal. Nang-iinit na talaga ang ulo ko.
"Sino ka bang babae ka ha?" kinuyom ko yung mga palad ko at tiningnan siya ng masama. "Lumabas ka na dito hanggang nakapagpipigil pa ako." Mahina ngunit madiin kong saad. Ngayon lang ako nagalit ng ganito sa buong buhay ko.
BINABASA MO ANG
My Larcenist Wife
RomantiekAuthor's note: This story is just an outcome of my wide imaginations. It's a different story. Bakit di niyo itry na basahin? Malay niyo magustuhan niyo. Sinulat ko 'to just for fun. Sana magustuhan nyo. 'Sensiya sa typos and grammars. First time kon...