Kier's POV
Atlast! We got here already. Nilingon ko si Sam. She's sleeping soundly.
Ipinark ko muna yung kotse.
" Sam, wake up. We're here already."
" Hmmm."
Nagising sya at pupungas-pungas pa.
Haha. She's so cute kahit bagong gising.
Nauna na akong bumaba sa kotse at tiningnan ang paligid. It's still the same. May pinagbago rin pero konti lang.
Nakita ko si Aling Maffee at Tiyo Kenan na papalapit samin.
" Nandito na pala kayo hijo. Salamat naman at nakarating kayo na may araw pa." si aling maffee.
Naramdaman kong nasa tabi ko na si Sam.
" Siya po ba yung asawa mo Kier?"
si tiyo Kenan.
Tumango lang ako bilang sagot.
" Magandang hapon po." chorus na bati nilang dalawa.
" Magandang hapon din po sa inyo."
si Sam.
" Fe, papasukin mo na sa loob si Kier. Kukunin ko lang yung gamit nila sa kotse."
Pumasok na kami sa kabahayan. Hmmm. I'm thankful dahil hindi pinabayan ng mag-asawa ang bahay na ito. This house really means to me.
" Pumasok na muna kayo sa kwarto nyo hijo para makapagpahinga na rin kayo. Ipaghahanda ko lang kayo ng pagkain."
Dumiretso na ako sa kwarto ko at nakasunod lang si Sam.
Sam's POV
Nasaan ba kami? Bahay ba ito ni kupal? Ba't kilala niya yung mag-asawa?
Marami sana akong itatanong sa lalaking yan kaso galit pa ako sa kanya. Paninindigan ko muna ang hindi pagpansin sa kanya. Bahala siya jan. Kainis!
Humiga agad ako sa kama pagkapasok namin sa silid. Medyo bitin pa kasi yung tulog ko kanina habang nasa byahe.
" This is my old house. Hope you like it."
Ngumingiti siya sakin habang sinasabi 'yan. Siyempre deadma lang ang lola mo. Kanina sa picture hindi ngumingiti tapos ngayon kung maka ngiti wagas! Wala namang dapat ikangiti sa sinabi niya. Triple kainis talaga!
Nag about face ako sa kanya. Matutulog na nga lang ako.
Ayun naramdaman kong humiga din siya sa tabi ko.
" Hey, what's wrong?"
Hindi ako sumagot. Bahala sya jan.
" C'mon sweetheart. Humarap ka sa'kin and tell me why you're being like that."
Ay insensitive! Kainis lang.
" Wala. Pagod ako sa byahe. Matutulog na ako."
Naramdaman kong huminga siya ng malalim at saka hindi na umimik ulit.
Kainis no? Pati pag-alo sa akin walang patience. Alam naman niyang galit ako sa kanya hindi man lang ako cinomfort. Bibigay naman ako eh basta ba ipush lang niya ang pang-aalo sa akin. Kilala nyo naman ako siguro.
Mamen! Kahit anong pikit ko hindi parin ako makatulog. Hanubayan.
Dahan-dahan kong nilingon si kupal. Geez. Naka about face din siya sa akin. Nagalit din ba siya sa akin sa hindi ko pagpansin sa kanya? Siya na ang galit ha at hindi na ako. Urrrgh! Ansarap jumbagan.
BINABASA MO ANG
My Larcenist Wife
RomanceAuthor's note: This story is just an outcome of my wide imaginations. It's a different story. Bakit di niyo itry na basahin? Malay niyo magustuhan niyo. Sinulat ko 'to just for fun. Sana magustuhan nyo. 'Sensiya sa typos and grammars. First time kon...