Dito na nga kami ni totsie sa tindahan. Pinipilian na niya ako ng mga damit.
"Uy Sam isukat mo na to oh." Ang landing bakla talaga. Binigay niya sakin ang itim na manipis na pantalon. Tas yung pink na blouse.
"Ano ba 'to? Ito bang isusuot ko?" napangiwi ako. Parang hindi ko maatim na isuot 'to.
"Oo. Ang ganda-ganda kaya nyan. At isa pa girl, yan ang uso ngayon."
At sinukat ko na nga. What the! Pinakita ko sa kanya.
"Wow! Bagay na bagay sa'yo girl. At may hidden beauty ka pala."
Kung okay sa bakla na to kinukuha ko nalang kahit na parang hindi ko maatim na suotin. Bahala na. Hindi naman makikita nina tatay na susuotin ko to eh.
Ang dami na nga ng pinamili namin. Binilhan din ako ng lotion, make up, lipstick at ibang girly stuff. Hanubayan.
----------
Naka handa na lahat ng mga gamit ko. Inayusan narin ako ni totsie. Nilagyang niya ako ng day make-up daw. Tinuruan din niya ako kung panu mag lakad ang isang mahinhin na babae. Nahirapan ako dun ha. Binalaan na rin ako nina tatay na mag ingat sa Kier na yun. Masama daw ang ugali nun. At tinuruan din nila ako ng mga dapat gawin. Hinihintay ko nalang si Tiya Ising.
"Princess mag ingat ka dun ha? Alagaan mo sarili mo. Kung may manakit sa'yo tawagan mo lang kami at reresbakan namin."Si kuya Bojo.
"Oo nga Princess. Mamimiss ka talaga namin. Wala na kasing mangungulit. Wag kang magpapagutom dun ha?" Si kuya bads naman na parang pinipigilan ang maiyak.
"Princess anak. Si tatay na niyakap ako. Magpakatatag ka ha? Kung hindi mo na kaya mag trabaho dun uwi kana dito ha? Ayaw ka naming mahirapan. Mamimiss ka namin Princess." napahagulhol si tatay. At nagsi iyakan na nga sila.
"Wag nga kayong umiyak. Hindi naman ako mamamatay ah."
ngayon lang kasi ako mapapalayo sa kanila kaya nagkaganyan ang mga yan. Mahal na mahal talaga nila ako.
"Dyan na girl si Granny Ising." si Totsie.
Papalapit na nga samin ang matanda. Dito kami ngayon sa gilid ng kalsada.
"Oh Itik. Yan na ba yung anak mo?" bungad ni Tiya Ising kay tatay.
"Siya nga Ising. Wag mong pabayaan ang anak ko ha? "
"Akong bahala Itik. Ang ganda pala ng anak mo. Handa kana ba hija?"
"Siyempre naman Tiya Ising. Girl scout 'to." kampante kong sagot. Parang nanibago tuloy ako. Parang hindi ako sanay na tinatawag na maganda. he-he. Simple lang naman ang suot ko. Skinny jeans, white fitted shirt at converse. Buti nalang at wala akong tinatagong bilbil.
Pumara na kami ng Jeep. Malapit lang naman daw sabi ni Tiya Ising.
-----------------
At nakarating na nga kami sa subdivision. Pinapasok na kami ng guard at lalakarin lang daw namin papunta sa bahay ng pinagsisilbihan ni Tiya. Malapit lang naman daw. Tumingin tingin ako sa paligid at sobrang mangha talaga ako sa mga bahay na nadadaanan namin. Puro mansiyon at may similarities ang mga disenyo ng lahat ng bahay. Ang yayaman ng mga nakatira dito grabe!
"Dito na tayo hija."
At nakarating na nga kami sa isang 3-story na bahay. Dito ako titira? Ang swerte ko naman.
Nag door bell si Tiya at dahan-dahang bumukas ang gate.
"Halika na hija. Pasok na tayo sa loob."
Whoah! Automatic pala na bumubukas-sarado ang gate. Astig ah!
Itong reaksyon ko pagkapasok namin oh. O.O
Grabe! Sobrang ganda! May malaking
chandelier sa gitna ng sala tas my grand piano din. At ang mas lalong nakapamangha sakin is yung naka dislpay na sports car. Astig! At porsche na yellow at black ang kulay. Sobrang yaman ng may ari. Pero sabi ni tatay masama daw ang ugali.
Dumiretso kami ni Tiya sa isang malaking kwarto na may 5 double deck.
"Hija, ito ang kwarto nating mga tagasilbi. Dun ka sa itaas ko. At yan ang locker mo. Dyan mo ilagay mga damit mo."
"Mamaya mo nalang ligpitin mga gamit mo. Ipapakilala muna kita sa amo natin. Halika na."
Nilagay ko muna ang bag ko sa kama ko at sumunod kay Tiya.
Ngayon palang kinakabahan na ako. Ano kaya ang hitsura ng amo namin? Matanda na siguro at pangit pa.hehe
Dumiretso kami ni Tiya sa parang bahay siya na paarko at maraming halaman at bulaklak.
"Ito yung green house hija. "
ahh. Green house pala ang tawag dito. hmmm. okay.
"Madam Porcia magandang umaga po."
Tinawag ni Tiya ang nakatalikod na babae at parang nagtatanim. Tumayo ito at humarap sa amin.
"Oh Ising. Siya ba ang sinasabi mong bagong katulong?"
Tiningnan ako ng matanda mula ulo hanggang paa.Parang strikta ang hitsura ah.
Akala ko ba lalaki ang amo namin.
"Opo madam siya nga. Sam ang pangalan niya."
"Hija, siya si Madam Porcia ang amo natin."
Pero san na yung sinasabi ni Tatay na Kier?
Baka apo niya.
"Hello." Siyempre with matching todo ngiti. haha
"Parang hindi ka bagay maging katulong dito hija."
"Ha? Ano?" hindi ako tanggap?
"Eh kasi ang ganda-ganda mo. Mas bagay ka na maging girlfriend ng apo ko."
Mas lalo talaga akong nabigla sa sinabi ng matandang 'to. Mas bagay ako na maging girlfriend ng apo niya? What the hell. Ano bang pinagsasabi ng matandang 'to?
Ah..He-he. Yan lang ang nasabi ko.
"Pag dumating na ang apo ko ipapakilaka kita sa kanya hija. "
"Ising, magmeryenda muna kayo tapos ituro mo sa kanya ang mga gagawin niya."
"Opo Madam."
"Sige madam. Bye." nag smile ako at nag wave. haha
"Mamu nalang ang itawag mo sakin hija."
Ha? Bakit mamu? Ano ba ang mamu?
Ngumiti siya tas nagsalita ulit.
"Yan kasi ang tawag nang mga apo ko sakin kaya yan narin ang gusto kong itawag mo hija."
Ba't parang nirereto niya ako sa apo niya? Pero parang mabait ang matandang 'to ah. Hmmm, this is a good sign. Kelangan ko makuha ang loob ng mga tao dito nang sa gayun hindi ako mabibisto pag gumawa ako ng masama. (evil laugh)
"Okay mamu. " Nginitian ko ulit siya ng ubod tamis kahit na nao awkward ako na tawagin siyang mamu.
Umalis na kami at dumiretso sa kusina. Pinakilala din ako sa ibang katulong. Nag meryenda muna kami ng sobrang sarap na pagkain. At dami ng kain ko. Sarap kasi eh. Feeling ko tataba ako dito. hehe
BINABASA MO ANG
My Larcenist Wife
عاطفيةAuthor's note: This story is just an outcome of my wide imaginations. It's a different story. Bakit di niyo itry na basahin? Malay niyo magustuhan niyo. Sinulat ko 'to just for fun. Sana magustuhan nyo. 'Sensiya sa typos and grammars. First time kon...