"Exactly. "
"huh. Umasa ka kupal ka!"
"What did you say?"
"Sabi ko kupal ka!"
"Tssss. I'm serious. I want you to marry me."
"Ano?!"
"Hahahaha. Alam mo hindi ka bagay mag joke. Ang corny ng joke mo eh.hahaha"
Nakakatawa talaga si kupal. hahaha
"I'm not joking. I'm dead serious. I'm offering you to marry me as soon as possible."
Teka lang. Seryoso ba si kupal? Pero kung seryoso nga siya, bakit niya naman ako papakasalan? Mamen! Inlove na ba siya sakin?
May kinuha siya sa kanyang bulsa. Ano?! Isang singsing? Seryoso?
Iniumang niya sakin ang singsing. "Wear this. It's your engagement ring."
"P-pero hindi pwede. Ang bata ko pa para magpakasal."
"I'm offering you 5 million pesos in exchange for accepting my proposal."
5 million pesos?! Yan ang kapalit para pakasalan ko siya? Magiging mayaman na ako sa ganyang kalaking halaga ah. Oh mamen! Tatanggapin ko ba ang alok niya?
"Not only that. I'll provide a house and a business for your family."
O_O
Papayag na ba ako? Magiging instant mayaman na kami niyan. Hindi na kami gagawa ng masama para mabuhay. Oh! Sige na nga. Bahala na si ninja turtle!
"Payag na ako. Bakit mo naman ako papakasalan? Hindi mo naman ako ka level" desidido kong sagot.
"I have my reasons."
Hindi na nga ako nagtanong pa baka magbago pa ang isip niya.hekhekhek
Mamaya tatawagan ko si kuya. Ipaalam ko 'to sa kanila. Sa wakas matutupad na ang pinapangarap ko. Yes!
Tinanggap ko na nga ang singsing at sinuot sa palasingsingan ko. Ang ganda pa naman. Mamahalin siguro 'to.hehehe
O_O
Bigla nalang niya akong hinila at hinalikan. Pero ilang minuto lang ang itinagal ng halik at binitiwan niya rin ako.
Umupo siya sa sofa at sinenyas niya na upo daw ako sa tabi niya.
Umupo nga ako. Tas pinausog niya ako at humiga siya sa lap ko.
O_O
Ano bang nangyayari kay kupal? Ba't parang iba siya ngayon? May personality disorder ba 'to? Paiba-iba kasi ang ugali.
"Let me rest here for awhile." pinikit niya nga ang mga mata niya at pinagmasdan ko ang kanyang mukha. Gaaawd. Ba't ba ang gwapo mo kupal? Ang kinis ng mukha, ang tangos ng ilong, kissable lips, etc. Wala ka talagang maipipintas sa mukha niya. Haaaay..
Mamen! Ang ngalay na ng hita ko. Tulog na ba ang kupal na 'to?
Sinundot-sundot ko yung fes niya.
"Hoy kupal. Tumayo kana jan. Nangangalay na yung hita ko."
Aba at hindi parin natinag.
Ginalaw-galaw ko yung paa ko.
"Hmmm. Stop that."
"Kupal naman! Ang sakit na kaya ng hita ko."
"Give me five minutes."
Kainis! Ang tagal pa kaya ng five minutes. Ang sarap talagang batukan. Gutom na ako.
BINABASA MO ANG
My Larcenist Wife
RomanceAuthor's note: This story is just an outcome of my wide imaginations. It's a different story. Bakit di niyo itry na basahin? Malay niyo magustuhan niyo. Sinulat ko 'to just for fun. Sana magustuhan nyo. 'Sensiya sa typos and grammars. First time kon...