Chapter Three

359 54 24
                                    

"Kuya gumising kana. Malalate nako." Gigil na sabi ko sa damulag kong kapatid dahil isang oras nalang mag 7am na napakabagal panaman niyang kumilos lalo na maligo akala mo naman may nagbago sakanya! Nakita ko namang hindi niya ko pinansin at nilagay niya lang sa mukha niya ang unan na yakap yakap niya kanina. Inis ko namang tinanggal yun at kinurot siya sa pisnge. Agad naman siyang napadilat sa ginawa ko at masamang tumingin sakin. Dinilaan ko lang siya kaya mas lalong sumama ang mukha niya. 

"Problema mo ba?" Bakas sa boses niya ang inis dahil sa ginawa ko. 

"Anong oras napo kaya malalate napo tayo." Saad ko nakita ko namang napakunot ang noo ng damulag kong kapatid. 

"Teka nga? Totoo bato? Ikaw ang nanggigising sakin? at maagang nagising?" Oo nga hindi ko nga din alam na maaga akong nagising basta nag alarm ako ng 5am dahil ayokong malate yun ang alam ko. Kayo ba alam niyo kung bakit ako maagang gumising? Text niyo ko kapag alam niyo. 

"Bakit ayaw mo nun? Ako nanggising sayo chossy kapa tsaka ayokong malate." Iwas na sabi ko. Tumayo nako para umalis sa kwarto niya pero bigla niya kong tinawag. Nakabusangot naman akong tumingin sakanya. 

"Bakit ayaw mong malate? Diba yun naman ang gustong gusto mo yung nalalate ka para hindi kana nakakasama sa Flag ceremony dahil ayaw mong tumatayo ng matagal." Napatigil naman ako sa sinabi ni damulag ay este kuya. Oo nga naman tama naman siya hindi naman talaga ako maagang pumapasok kumbaga minsan lang akong pumapasok ng umaga dahil mas gusto ko pang nasa labas ng school at dun nagfaflag ceremony. Ano nga bang nakain ko? Agad namang pumasok sa isip ko si Mr. Candy na kagabi ko pa iniisip. Pinilig ko naman ang ulo ko at tumingin sa kapatid kong kamukha ni Daniel padilla. -_-

"S-sasayaw kase kami." Kinakabahang sagot ko. Nakita ko namang kumunot ang noo niya tumayo siya at kinuha ang twalya nilagay niya ito sa balikat niya at takang tumingin sakin. 

"Sasayaw? Ng ano?" Takang tanong niya. 

"Wellness." Sabi ko sakanya. Agad naman siyang tumawa ng ikinakunot ng noo ko. Baliw nanaman siya! Hinintay ko siyang matapos sa pagtawa niya. Nang matapos siya sa malakas niyang tawa ay nakangisi siyang tumingin sakin. 

"Sasayaw? Diba ayaw na ayaw mong sumasayaw?" Nakangising tanong niya pero bakas ang pang aasar. Napatigil naman ako sa sinabi niya. Sa dami naman kase ng dahilan bakit yun pa eh. 

"Dati yun kuya hindi na ngayun." Kinakabahang sagot ko sakanya pero nakaiwas ang tingin ko dahil baka malaman niyang nagsisinungaling ako sakanya. Alam niya kase kapag nagsisinungaling ka o hindi. Diba ang galing nang kuya kong damulag hindi ko nga alam kung kanino niya namana yung ganong abilidad. 

"Sus gusto mo lang makita yung crush mo eh." Pang aasar niya. Gulat naman akong tumingin sakanya pero wala sakin ang paningin niya dahil naglalabas siya ng uniform sa kabinet. Muntik nako dun buti nalang hindi niya nakita yung gulat kong mukha kung hindi patay na. 

"W-wala ah. Sige na nga iwan na kita diyan bilisan mo ah." Saad ko at patakbong lumabas ng kwarto niya! Kahit kelan talaga hindi ko na ulit siya gigisingin kainis siya -_- 

Tsaka crush? Wala naman akong crush yun ang pagkakaalam ko kayo ba sa tingin niyo may crush ako? Wala naman diba. Natutuwa lang ako kay Mr. Candy pero hindi ko siya crush wala pa sa isip ko ang mainlove Promise. ^_^ Pagbaba ko ay naabutan ko si mama na nagluluto agad naman akong humalik sa pisnge niya binati siya ng magandang umaga. Kami palang ni mama ang nasa baba tulog pa siguro sina kuya at papa. 

"Aga mong nagising anak ah." Nakangiting sabi ni mama agad ko namang naibuhos sa sahig ang kape na iniinom ko. Nakita kong binitawan ni mama ang hawak niyang sandok at lumapit sakin. "Ano bayan Joy?" Tanong ni mama at kumuha ng basahan pinunasan ko naman ang bibig ko. Bakit ba ang big deal sa kanila na maaga akong magising ? Kapag naman tanghali nakong magising big deal padin sakanila anong gusto nila hindi nalang ako magising -_- 

Puppy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon