Chapter Six

249 49 11
                                    

Hanggang ngayun hindi padin ako makaGet-over sa nalaman ko kahapon. Hindi nga ako nakatulog kagabi kakaisip ko kay Mr. candy ay este Charles pala. Hindi ako makapaniwala na yung kinaiinisan ko na si Charles ay si Mr. Candy pala. Nakakainis kung pagsabihan ko siya na kapag nakita ko yun hindi ako magkakagusto pero ngayun talagang kinain ko ang sinabi ko. Kung kelan nagkagusto nako kay Mr. candy tsaka ko naman nalaman ang totoo na si Charles Angelo San Pedro pala yun. Yung lalaking kinaiinisan ko Yung lalaking sinabi ko na kapag nakita ko hinding-hindi ako magkakagusto. Yung lalaking sinasabihan ko ng hindi naman gwapo at sikat. Para tuloy akong pinaglaruan ng tadhana dahil sa nalaman ko. All this time siya lang pala si Mr. Candy sino ba naman ang hindi magugulat dun diba! Yung lalaking kinaiinisan mo eh Yung lalaking gusto mo naman pala. Hindi ko tuloy alam kung ipagpapatuloy ko pa itong pagnanasa ay este Pagkakagusto ko kay Mr. Candy dahil sa nalaman ko. 

Iniisip ko palang kung ano magiging reaction nila Juneth kapag nalaman nilang Gusto ko din si Charles Angelo San Pedro eh sumasakit na ang ulo ko. Nangako ngako pako sakanilang hinding hindi ako magkakagusto pero ngayun talagang kinain ko ang sinabi ko. Ano? Palihim ko nalang itatago ang nararamdaman ko? Paano kaya kung sabihin ko sakanilang gusto ko din si Charles wala namang masama diba? Baka kase kapag tinago ko ang nararamdaman ko eh sumabog nalang bigla. Wow lalim nun ah. Hindi ko naman alam ibig sabihin nabasa ko lang yan sa Wattpad ^_^ 

Para tuloy akong walang buhay na naglalakad ngayun patungo ng Classroom. Wala na ngang tulog tapos maaga kapang gigising eh talagang magmumukha kang bangkay. Bakit ganyan si Tadhana mapang-asar? Kung kelan nahulog kana tsaka dun mo malalaman ang katotohanan parang sa mga palabas o pelikula. Kung kelan mahal na nila yung taong yun dun pala nila malalaman  na may asawa na pala yun. Na kriminal pala yun ang worst eh ginagamit lang pala sila non. Parang feeling ko tuloy nasa palabas ako kung kelan nahulog nako kay Mr. Candy eh dun ko naman pala malalaman na siya si Charles Angelo San Pedro na kinaiinisan ko. Bigla tuloy nawala ang lahat ng inis ko kay Charles ng nalaman ko ang totoo. Nang nalaman ko na siya pala si Mr. Candy nawala lahat ng inis ko sakanya hindi ko nga alam kung bakit? Siguro ganun talaga kapag tinamaan ka sa isang tao lahat ng kinaiinisan mo sakanya mawawala lahat yun at mapapalitan lahat yun ng pagmamahal. 

Teka nga? Kanina ko pa napapansin na hugot ako ng hugot? Hindi tuloy ako makapasok sa Classroom dahil ang bagal kong maglakad. Binilisan ko nalang ang lakad ko para makapunta nako ng Classroom mahirap na baka magbell bigla diba? Napahinto naman ako paglalakad ng sumagi sa isip ko na dadaan pala ako sa Classroom ni Charles bigla naman akong nakaramdam ng kilig at kaba.  Huminto ako at inayos ko ang mukha at buhok ko. Pagkatapos kong mag-ayos ay huminga ako ng malalim at dahan dahan na naglakad habang naglalakad naman ako sa tapat ng Classroom nila ay pasimple akong tumitingin sa loob. Napangiti naman ako ng makita ko siya na kausap si Cj. Pansin ko palagi silang magkausap Close na close siguro sila. Napapailing nalang ako at nakangiting naglakad papuntang Classroom. 

May saltik na ata ako kanina Wala akong kagana gana pero ng makita ko ang mukha ni Charles bigla nalang akong nagkaroon ng lakas o buhay. Siya ang dahilan kung bakit nagiging matamlay ako pero siya din ang dahilan kung bakit lumalakas ako. Grabe kakaiba ka talaga Charles. 

Pagpasok ko sa loob ay naabutan kong naglilinis ang iba saamin. Agad naman akong pumunta sa upuan ko at binaba ang bag ko. Nahagip naman ng mata ko si Bryan na tulala. Agad naman ulit akong nakaramdam ng awa. kahapon kinausap ko si angel at tinanong kung sila na nga ba ni Baluga. Ewan ko ba pero bigla nalang akong nakaramdam ng galit ng sabihin niyang Sila na with matching kinikilig pa. Hindi niya alam na merong isang taong palihim na nasasaktan. Kase naman palihim niyang minamahal si angel ay palihim din tuloy siyang nasasaktan. Ayaw na ayaw ko talagang maging sila nung baluga na yun kase alam ko naman kung gaano kababaero yung bata nayun! Pero wala naman akong magagawa bestfriend niya lang ako wala akong karapatan para diktahan ang nararamdaman at ang gusto niya baka mamaya magaway lang kami mahirap na. Ang hinihiling ko nalang ngayun ay sana wag siyang saktan nung Baluga nayun dahil talagang makakarinig siya sakin ng masasakit na salita yang baluga nayan. At sana makapagmove-on nadin si Bryan nahihirapan at nasasaktan kaming mga kaibigan niya kapag nakikita namin siyang ganyan. Minsan nga iniisip ko sabihin ko kaya kay Angel ang totoo. Kapag ba sinabi ko sakanyang mahal siya ni Bryan Mamahalin niya din si Bryan pabalik kase kung Oo. Sasabihin ko sakanya ang totoo. Dahil ayoko ng nakikitang nahihirapan ang isa sa mga mahalagang tao sa buhay ko. 

Puppy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon