Chapter Eighteen

171 31 8
                                        

Joy's POV

Halos dalawang  linggo nakung nililigawan ni charles. Aaminin kung hindi ako sanay sa mga sweet words na sinasabi niya simula kase ng payagan ko siyang ligawan mas naging sweet pa siya lalo. Syempre sa tuwing nagsasabi siya ng mga sweet words kinikilig naman ako -.- Walang araw na hindi niya ko sinasabihan ng I love you i know its awkward dahil hindi ko naman kung ano ang sasabihin ko ala nga namang I love you too. Eh hindi pa nga kami pero alam ko sa sarili ko na gustong gusto kong sabihin sakanya ang salita na yun. Ang kaso nahihiya ako -_- Baka sabihin niya hindi pa nga kami sumasagot na ko ng ganun. Pero napaisip lang ako wala naman sigurong masama kung sagutin ko naman na siya diba? Mahal niya ko Mahal ko siya bakit kailangan pa ng ligawan diba? Sila angel nga wala ng ligawan na nangyare. Relasyon naman ang pinapatagal diba hindi ang panliligawa. May iba nga diyan na nanligaw ng halos isa o dalawang tao pero umaabot lang ng isang buwan. Tsaka gustong gusto ko na siyang sagutin gusto kong maramdaman paano magkaroon ng boyfriend. Ano ang pakiramdam na boyfriend mo ang isang Charles Angelo San Pedro na dati gusto ko lang ngayun hindi nako makapaniwalang nililigawan na niya ko. Iniisip ko pala na ako ang magiging unang girlfriend ni charles kinikilig nako! Masarap sa pakiramdam na ikaw ang magiging unang girlfriend niya. 

Hindi naman ganun kaganda. Maraming mas maganda sa akin kung ipagkukumpara mo nga kaming dalawa ni sophia walang-wala ako dahil siya Maganda,Maputi,Matalino,Sikat,Mabait,Mabait na anak tsaka siya ang unang babaeng minahal ng taong mahal ko. Diba? Walang wala ako! Sabihin ko man sa sarili ko na hindi ko naman kailangan na ikumpara ang sarili ko kay sophia pero minsan hindi ko talaga mapigilan lalo na kapag iniisip ko na siya yung unang babaeng nagustuhan ni charles siya din ang unang babaeng niligawan ni charles. Alam kong wala akong karapatan pero kapag iniisip ko na nililigawan ni Charles ang kaibigan ko nasasaktan ako. Iniisip ko palang kung gaano siya kasaya kapag kasama ang kaibigan ko sumisikip na ang dibdib ko. Minsan nga iniisip ko siguro kapag nalaman sa school na nililigawan ako ni charles maraming magagalit sa akin. Hinahanda ko na nga ang sarili ko kung sakaling malaman nila. Hindi naman ako tanga dahil alam kung maraming may gusto sa kanya. Natatakot ako sa magiging reaction ni sophia kapag nalaman niya na nililigawan ako ni Charles Hindi ko nga alam kung matutuwa ba siya o magagalit sa akin. 

Sa Tuwing nagsisinungaling ako sa pamilya ko para sa akin malaking kasalanan yun. Dahil kahit naman ganito ako kataray o kasungit sa mga gwapo kong kapatid. -_- Kahit ganun ako hindi ako marunong magsinungaling. Tinuro sa amin nila Papa at Mama na wag na wag kaming magsisinungaling dahil mali daw yun. Aaminin kung nakakapagsinungaling ako sa kanila nung bata pa ako kahit noong mga dumaang taon. Pero iba ngayun feeling ko ang dami dami ko ng kasalanang ginagawa dahil sa ginagawa kong pagsisinungaling. I know mali yun pero hindi ko naman kayang sabihin kay charles na tigilan na niya ang panliligaw sa akin. Hindi ko yata kaya yun. Ayokong magsinungaling pero nagagawa ko na halos araw araw akong nagsisinungaling T_T Nagagawa ko lang naman yun dahil ayokong magalit sila sa akin. Siguro ang iba sainyo pinagdadaanan ang pinagdadaanan ko ngayun. Yung takot na takot tayung malaman ng magulang natin na may nanliligaw na sa atin o di kaya may boyfriend na tayo. 

Gusto ko mang sabihin pero natatakot ako alam ko kaseng magagalit sila sa akin at sasabihing tantanan ko na yung lalaking nanliligaw sa akin. Sa tingin niyo kaya ko bang gawin yun? Kung sa tingin niyo kaya ko yun pwes! Sa akin hindi iniisip ko palang na papatigilin ko siya sa panliligaw sa akin. Sunisikip na ang dibdib ko kaya wala akong magagawa kung hindi ang magsinungaling sa kanila. Hindi naman siguro nila malalaman kung walang magpapaalam tsaka sila Bryan at angel lang naman ang nakakaalam sa sikreto ko. Tsaka may tiwala ako sa kanila kapag sikreto sikreto lang. Nakakainggit nga si angel dahil siya pinapayagan na siyang makipag-boyfriend. Pati si bryan pwede nading mag girlfriend hindi mahigpit ang mga magulang nila. Pero ako sobrang higpit higit pa sa iniisip mo. Naiintindihan ko naman kung bakit sila ganun hindi ko lang talaga maiwasang mainggit sa mga kaibigan ko na free na magkaroon ng Boyriend o kaya Girlfriend. 

Puppy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon