Chapter Twenty

145 27 3
                                    

Joy's POV 

Kahapon ay ganun padin ang nangyayare. Papasok ako sa school pagtitinginan nila ako hindi ko nalang sila pinapansin pero minsan hindi ko maiwasang mainis at mailang. Kase naman bawat galaw ko nakatingin sila sa akin tapos minsan nahuhuli ko pa silang nagbubulungan tapos nakatingin sa akin ikaw hindi kaba maiinis nun? Gusto ko man silang patulan pero hindi ko nalang ginagawa dahil ayoko namang mapunta sa Guidance dahil lang sa pinagbubulungan ako. Kapag sinaktan na nila ako tsaka ko nalang sila papatulan ^_^ Hindi ko na sinasabi kay charles ang tungkol dito pero nagulat nalang ako kagabi biglang nagalit sa akin dahil daw hindi ko sinasabi sakanya na pinagtitinginan nako sa school at pinagbubulungan. Jusko! Nilambing ko pa siya napakahirap niyang lambingin kaya ang ginawa ko nagalit nalang din ako kunyare para tigilan na niya yung kaartehan niya ayun sa huli siya din nakipagbati! -_- Daming arte ng boyfriend ko noh! Boyfriend? HAHAHAHAHA Feel na Feel ko naman masyado eh ano naman! Boyfriend ko naman talaga si Charles Angelo San Pedro ang sarap isigaw yung salita nayan sa buong mundo! Yung tipong gusto mong malaman na boyfriend mo yung lalaki na yun! 

Hindi ko nga alam kung paano niya nalaman ang tungkol dito eh! Hindi ko naman sinasabi sakanya na pinagtitinginan at pinagbubulungan ako sa school kaya laking gulat ko nalang kagabi na sinabi niya sa akin na alam niya daw yung mga nangyayare sa akin sa school. Feeling ko nga may cctv siya dito eh? Sa tingin niyo? O di kaya may mata siya dito tapos sinusumbong sakanya. O diba! Ang galing ko Hahaha! Wala namang nagbago sa amin ni charles ganun padin kami sweet sa isa't isa. Nadagdagan lang talaga yung pagiging sweet niya. Yung tipong sa umaga kapag kakagising ko palang titignan ko na yung cellphone o Laptop ko. Long Sweet Message niya kaagad ang bumubungad sa akin. Kaya nga ang sarap bumango kapag yun ang nakikita at nababasa ng mga mata ko! Dun palang alam ko ng buo ang araw ko. Yung tipong habang binabasa mo yun para kang tangang nakangiti minsan nga nahuhuli ako nila kuya eh! Syempre magaling akong magdaahilan kaya lagi ko nalang dinadahilan yung mga Fictional Character o di kaya'y Wattpad. 

Sa tanghali naman ganun padin. May LSM nanaman siya sa akin. Kaya nga ang sarap mag lunch kapag nababasa ko yun. Lalo na akong ginaganahan mag aral dahil sakanya hindi ko na nga lang namamalayan na nakakaperfect ako sa Math o di kaya'y sa Filipino. Kapag kase wala na kaming maisip na topic ni charles nag-aaral kami ng sabay. Kumbaga sinasabi ko sakanya yung mga pinagaaralan namin. Masasabi kong matalino talaga siya dahil Pang grade 6 yun pero alam na niya. San kapa diba? Palagi niya kung tinuturuan kahit alam ko naman yung sagot. Hahaha! Tamad lang talaga ako mag aral minsan! Hahaha pero mataas naman yung grade ko. Lalo na ngayung boyfriend ko na siya. Napapangiti na ngalang ako kapag magka chat kaming dalawa tapos bigla niyang itatanong kung may assignment daw ba ako? Syempre sinasabi ko na meron tapos itatanong niya kung ano.  Sasabihin ko naman dun na kami magsisimulang mag-aral. Siya din naman sinasabi niya sa akin yung ginagawa niya o pinag-aaralan niya kahit hindi ko naman tinatanong. Sinasabi niya na para lang daw alam ko. 

Natutuwa nga ako dahil mas gugustuhin niya pang nasa bahay at nag aaral kaysa gumala ng gumala. Gumagala naman siya pero minsan lang tapos palagi pa siyang nagpapaalam sa akin! Eh enebe kenekeleg ako HAHAHAHAHA! 

Para naman akong tangang nakangiti ngayun habang naglalakad! As usual pinagtitinginan nanaman ako. Kung dati maraming kumakausap sa akin ngayun wala na. Minsan nga iniisip ko kung hindi ba sila nagsasawang titigan ako hindi naman ako ganun kaganda? Kasikat kasexy. Diba? Tapos magtiyatiyaga silang titigan ako! Mga Baliw! -_- Sabi nila angel hayaan ko nalang daw magsasawa naman din daw yang mga yan! Well sana nga magsawa na nakakairita na kase sila! Lalo na yung titig nila ang sarap dukutin ng mata nila tapos ipapakain ko sa aso namin! Bwisit. 

Hindi ko pinapansin ang mga matang nakatingin sa akin. Mas binilisan ko nalang ang paglalakad ko para makarating nako sa Classroom. Pagdating ko sa harap ng pintuan ay nagulat ako ng biglang lumabas dun si angel at masama ang mukha. Anong nangyare? Dali dali ko naman siyang nilapitan para itanong kung anong nangyare. 

Puppy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon