Chapter Twenty Four

207 21 0
                                    

Angel's POV 

"Po eh nasan po siya?" Bakas sa boses ni joy ang pag-aalala. Ako din ay nag-aalala para kay bryan. Ako ba may kasalanan?

"Nako hindi ko po alam eh. Akala nga ho namin magkakasama kayo." Nalilitong sabi ng katulong nila bryan. Bigla naman akong kinabahan dahil baka may nangyare ng masama kay bryan. Agad ko namang pinilig ang ulo ko dahil sa naisip ko. Napatingin naman ako kay joy na hindi na alam ang gagawin mahahalata sa mukha niya na nag-iisip siya. Nakatingin lang kami sa kanya ng katulong nila bryan. Nakita naman naming napabuntong hininga siya at muling tumingin sa katulong nila bryan. 

"Sige po alam napo namin kung nasaan siya." Nagulat naman ako sa sinabi ni joy. Alam? Eh hindi ko nga alam kung nasaan ngayun si bryan eh. Nakita ko namang napatango ang katulong nila bryan at ngumiti ito sa amin. 

"Sige po." Magalang na sabi niya.

"Sige po mauna na kami." Saad ni joy at agad akong hinila. Hindi naman na ako nagreklamo at nagpahila nalang ako sakanya. Ang hilig niyang manghila ngayun ah? 

Napahinto naman ako ng huminto din siya! Malamang hawak niya lang naman ang braso ko eh. Nakatingin lang ako sakanya at hinihintay sabihin kung nasaan ba si bryan kase diba sabi niya alam niya daw. Nakita ko namang huminga muna siya ng malalim bago tumingin sa akin ng diretso at seryoso. Agad naman akong nailang sa tingin niya sa akin. 

"Alam ko kung nasaan siya." Makahulugang sabi niya sa akin. 

"Nasan siya?" Tanong ko dahil gusto ko ng makita si bryan at makahingi ng tawad dahil sa pag-iinarte ko. Nakita ko naman siyang nag-iisip with matching hawak pa sa baba. 

"Teka lang iisipin ko lang...." Napapailing nalang ako habang nakatingin sakanya na hanggang ngayun nag-iisip. "Ayun alam ko na!" Sigaw niya habang nakangiti. 

"Saan?" Natatarantang tanong ko sakanya. 

"Tree House." Napakunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. Tree House? 

"Tree House saang Tree House?" Takang tanong ko saan namang tree house pumunta si bryan?

"Dun sa Nemarville." Nakangiting sabi niya sa akin. 

"Nemarville? Diba dun kayo dati nakatira?" Tanong ko sakanya. Dahil naalala ko na dun sila dating nakatira pero lumipat lang sila dito nung nag-grade 2 siya. 

"Oo. Doon nga kami dati nakatira at nandun si bryan." Taas babang kilay na sabi niya. 

"Ano namang ginagawa niya dun?" Nakita ko namang napasimangot siya sa tanong ko at inirapan ako. 

"Malamang nandun siya dahil dun niya balak na isurprise ka tsk!" Oo nga naman! 

"Sabi ko nga eh.." Nakangusong saad ko sakanya. 

"O! Pumunta kana dun sigurado namang nandun lang yung panget nayun." Saad niya habang tinutulak ako. 

"Ako pupunta sakanya?" Napaiwas naman ako ng tingin ng tignan niya ko ng masama Mali ba yung tanong ko? 

"Ay hindi angel!" Sigaw niya sa akin. Bakit ba ang taray ng kaibigan ko? "Ako! Ako ako ang pupunta sakanya." Sarcastic niyang sabi with matching irap pa. Wala talaga kaming laban nila bryan pagdating sa katarayan niya lahat kami tumataob! Lalo naman ako noh! Nung grade 2 nga kami takot na takot ako diyan dahil masama siyang tumingin nun at palagi niya kong iniirapan. "Ano tutunganga ka nalang diyan. Kumilos na." Napatingin naman ulit ako sakanya ng marinig ko na nagsalita siya. 

Puppy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon