Joy's POV
Habang naglalakad ako papasok sa school ay naramdaman kong pinagtitinginan nila ako. Ano bang problema nila? Maayos naman ang suot at mukha ko -_- Hindi ko nalang sila pinansin at pumasok na sa loob. Mas lalo namang dumami ang mga nakatingin sa akin agad naman akong nailang at nagtaka. kung bakit ba nila ako tinitignan? Tinignan ko naman ang mga nakatingin sa akin lahat sila parang ang sama ng tingin. Ano bang problema nila wala naman akong ginagawa sa kanila kung makatingin sila akala mo mangangain ng tao eh! -_- Pasalamat sila good mood ako ngayun kung hindi pinatulan ko na silang lahat. Alam niyo naman siguro kung bakit good mood ako? Haha!
Hindi ko nalang pinansin dahil baka lalo lang akong mainis. Nagtuloy tuloy nalang ako sa paglalakad ng marinig kung may tumatawag sa pangalan ko. Nilingon ko yun at nakita kong si angel yun tumatakbo siya papalapit sa akin. Agad naman akong lumapit sakanya para itanong kung bakit niya ko tinatawag.
"Bakit angel?" Takang tanong ko sakanya. Nakita ko namang pinakalma na muna niya ang sarili niya.
"Nag-online kana ba?" Tanong niya with matching hinihingal.
"Hindi pa." Saad ko dahil nga hindi nako nag-online dahil magkatext lang naman kami ni Charles kagabi kaya hindi nako nag-online. Natutuwa nga ako dahil binigay niya sakin yung account niya kahit hindi ko naman hinihingi. Nakakakilig lang ^_^
"ANO?" Sigaw sa akin ni angel ng ikinataka ko. Problema nito? "So hindi mo pa nakikita yung post ni charles sa facebook tsaka yung pinost niya sa timeline mo hindi mo pa nakikita?" Sunod sunod na tanong sa akin ni angel ng ikinabigla ko. Ano namang pinost ni charles sa timeline ko? Nakita ko namang kinuha ni angel ang phone niya at binigay ito sa akin.
"Ayan." Saad ni angel agad ko namang binasa kung ano ba yung pinost ni charles.
Charles Angelo San Pedro
Sinagot na niya ko <3 Sobrang saya :) I love you babe :*
With Joy Audrey Aquino
Halos malaglag ko naman ang phone ni angel ng mabasa ko ang post ni charles. Tapos nakatag pa sa akin. Lagot kang bata ka T_T Kaya pala ako pinagtitinginan dahil dito.
"Bess kalat na kalat na yang post niya tignan mo yung likes halos taga dito sa school yung mga naglike niyan yung iba nga teacher pa eh." Saad sa akin ni angel. Napahawak naman ako sa noo ko. Shems! Na gulay naman oh! Tinignan ko naman ang post ni charles oo nga! Halos 400+ ang likes Jusko lord T_T Anong gagawin ko? Tumingin naman ako kay angel na kasalukuyang nakatingin sa akin ngayun bakas sa mukha niya ang pagaalala para sa akin.
"Angel paano nayan?" Kinakabahang tanong ko kay angel.
"Alam mo ba yung password niyan ni charles?" Tanong sa akin ni angel.
"Oo. Alam ko binigay niya sa akin kagabi." Sabi ko kay angel.
"Burahin mo nalang kaya." Sabi ni mia.
"Paano? Eh kahit naman siguro burahin ko yun nakita na nila yun at nabasa." Mangiyak ngiyak na sabi ko kay angel. Nakita ko namang napakamot siya sa ulo niya.
"Eh paano nayan? Alam mo nalang maraming fan girls yang boyfriend mo? Tsaka akala ko ba secret lang yung relationship niyo dahil ayaw mong malaman nila Tito at Tita ang tungkol dito." Sabi sa akin ni angel. Napabuntong hininga naman ako at tumingin sakanya ng diretso.
"Gusto ko nga sanang secret ang kaso kapag sinasabi ko naman yun parating niyang sinasabing Kinakahiya ko daw siya kahit hindi naman." Saad ko kay angel.

BINABASA MO ANG
Puppy Love
Genç KurguNaranasan nyo na bang main-love. Magka-gusto? Magka-crush? Masaktan? Magpakatanga? Maloko? Umiyak? Maghabol? Yung akala mong siya na pero Hindi pala? Yung binigay mo yung best mo sa relasyon niyo pero Niloko kapadin niya? Naranas...