Joy's POV
"Daga."
"Chicken Joy."
"Daga."
"Chicken Joy."
"Daga."
"Chicken Joy."
"Daga."
"Chicken Joy."
Wala na kami ibang ginawa ni charles kung hindi mag-asaran dalawa. Ewan ko ba kung bakit hindi siya napapagod na asarin ako kase hindi ako hindi napapagod na asarin siya lalo na kapag nakikita kong sumasama ang mukha niya kapag inaasar ko siyang daga. Hindi naman ako naasar sa Chicken Joy kinikilig pa nga ako eh! Kase first time na may mang-asar sa pangalan ko tapos yung crush ko pa ^_^ Imbis na maasar ako natutuwa pako sa pangaasar na ginagawa niya atleast nakukuha ko ang atensyon niya! Nakakausap ko siya ng matagal kahit nagaasaran lang kami. Feeling ko nga close na close na kami dahil tuwing magpapractice kami kaming dalawa nalang ang laging maingay. Aaminin kong hindi ako nakakapagreview o nakakapagbasa ng maayos dahil nga nasa kanya ang atensyon ko. Kahit namang pilitin kong magbasa hindi naman ako nakakapagconcentrate dahil kay charles. Dahil siya ang unang nangaasar sa aming dalawa. Tuwing makikita niya ko magpaparinig na siya ng Chicken Joy syempre ako naman hindi ko siya uurungan talagang sinisigaw ko ang word na "DAGA!" kaya maraming nakakarinig natutuwa ako tuwing nakikita kong naiinis siya at naaasar sa ginagawa ko. Atleast nakita ko din ang mapang-asar side niya lahat naman ng tao mapang-asar pero iba kase si charles hindi napapagod mang-asar yung tipong magpapahinga lang siya ng ilang segundo tapos magsisimula nanaman siyang mang-asar at magparinig. Imbis na mainis at maasar ako sa kanya natutuwa at kinikilig pako. Dahil masarap pala sa pakiramdaman na asarin ka ng crush mo. Yung tipong kinukuha niya ang atensyon mo sa iba para mapunta sakanya yung atensyon mo. Masarap kaya sa pakiramdaman yung ganung ginagawa ni crush yung tipong ang hilig niyang magpapansin. Tapos ang sayang titigan ng mukha niya kapag naasar siya. Yung tipong didilaan ka niya at sisigawan ng Chicken Joy! Hindi ko alam na magiging ganun kaming dalawa yung tipong kaming dalawa nalang lagi ang napapagalitan ni maam.
Naalala ko nga nun nung pinag-recite sila nila maam lahat daw ng kasali sa science contest. Nagtaka nga ako dahil hindi siya nakapagrecite eh maghapon naman niyang hawak yung folder niya at maghapon siyang nakatutok dun. Tinawag sila nun nakapagrecite silang lahat maliban kay Daga ay este charles nagtaka naman ako ng sabihin niya nun na ako daw ang may kasalanan dahil inaasar ko siya. Imbis na mainis si maam ay natawa nalang sakanya dahil napaka ganda daw ng idinahilan niya. Natatawa nalang ako dahil hindi ko naman siya inasar nun siya nga itong papansin ng papansin nun eh! Yung tipong hindi ko na nga pinapansin salita padin ng salita ng Chicken Joy. Tapos sisisihin ako na ako daw may kasalanan kung bakit hindi siya makapagconcentrate Baliw eh! -_- Pati nga ako hindi nakapagrecite dahil wala pakong nakakabisado dito sa mga kwento sa loob ng folder na binigay ni Maam. Ikaw ba yung crush mo papansin ng papansin makapagconcentrate ka kaya sa pagbabasa? Kaya ang nangyare parehas kaming napagalitan ni Maam dahil wala nadaw kaming ibang ginawa kung hindi magasaran ng magasaran.
Akala ko nung araw na napagalitan kami ni Maam ay titigilan na niya ang pang-aasar pero nagkamali ako dahil mas lalo pa atang lumala. Yung tipong kadadating mo lang dun sa practice room. Bubungad na siya sayo ng nakangiti with matching pangaasar. Gusto kong makaramdaman ng inis minsan pero hindi ko naman magawa. Kesa mainis ako natutuwa pako sa ginagawa ni charles. Hindi kase ako makapaniwala na ganyan pala siya mangasar yung tipong hindi ka niya tatantanan Unless umiyak ka sa harapan niya at magmakaawa never ko namang gagawin ang umiyak sa harapan niya. Ayos na sakin na asarin niya nalang ako maghapon. Oo maghapon. Maghapon niya kong binubwiset yung tipong kauupo ko palang ng upuan bigla na siyang magsasalita at asahan niyo ng wala ng tigil yang bunganga niya! Ang astig nga ng bibig niya eh hindi napapagod -_-
BINABASA MO ANG
Puppy Love
Teen FictionNaranasan nyo na bang main-love. Magka-gusto? Magka-crush? Masaktan? Magpakatanga? Maloko? Umiyak? Maghabol? Yung akala mong siya na pero Hindi pala? Yung binigay mo yung best mo sa relasyon niyo pero Niloko kapadin niya? Naranas...