Joy's POV
Nagtuloy-tuloy ang pagtetext at pagchachat naming dalawa ni charles. Minsan nga inaabot na kami ng madaling araw dahil sa pagchachat at pagtetext. Tuwing makakachat ko siya at makakatext ay isa lang ang raramdaman ko. Masaya ako ^_^ Yung tipong para akong tanga na ngumingiti eh magkachat lang naman kami ngayun naiintindihan ko na si kuya kung bakit kung makangiti siya eh kachat niya lang naman yung girlfriend niya. Ngayun naiintindihan ko na siya dahil pinagdadaanan ko na ngayun yun. Yung moment na magkachat kami hanggang madaling araw mas pinipili ko pang makachat siya at makatext siya kesa manood ng Kdrama. Ilang araw na nga akong puyat dahil palagi kaming puyat ni charles dahil sa pakikipagchat sa isat isa. Natatawa na nga lang kaming dalawa kapag nagkikita kami. Yung tipong magkachat na nga kami hanggang madaling araw pati sa school hindi mo kami mapaghihiwalay sa upuan. Sabay kaming nagbabasa dalawa. Sabay nagrereview sabay din minsang narerecess. Minsan nakakatanggap ako ng mga bulungan pero hindi ko na pinapansin yun alam ko naman na naiinggit lang sila. -_- May mga bibig naman bakit hindi ako kausapin ng harap harapan hindi yung kailangan mo pang bumulong diba? Duwag kaba? -_- Tsaka ano namang masama kung close kami charles mga inggetera eh! -_- Ede makipagclose din sila hindi yung pinaguusapan nila ako.
"Goodluck anak." Nakangiting sabi ni mama habang inaayos ang bag ko. Nakita kong nilagyan niya yung ng maraming pagkain. Napailing nalang ako si mama talaga hindi naman ako magugutom dahil may dala naman akong pera tsaka marami namang tinda sa Central kaya pwede naman ako dung bumili.
"Galingan mo bunso ah." Narinig kong sabi ni damulag habang inaayos niya ang buhok niya! Akala mo naman gagwapo siya! Inirapan ko lang siya dahil sanay naman siyang ganyan ako sakanya. Ganyan kase kami maglambingan dalawa.
"Opo." Saad ko sa kanila at inaayos ang mukha ko. Ewan ko ba simula nung magkacrush ako natuto nakong maglagay ng lipstick eh dati nga ayaw na ayaw kong naglalagay nito eh! Siguro ganito talaga kase ayaw mong maturnoff sayo si Crush -_-
"Anak ito na ang baon mo." Rinig kong sabi ni mama tumango naman ako kay mama at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Ngayun na kase ang laban namin sa Central masasabi ko naman na marami din naman akong nakuhang ideas dahil hindi lang naman pakikipagchat at pakikipagtext kay charles ang inaatupag ko. Pag magkausap kami ay talagang sinisingit ko ang folder na binigay sa akin ni maam. At binabasa ko yun nakakuha naman ako ng maraming ideas kaya alam kong hindi ako magmumukhang tanga mamaya kapag lumaban kami. Pagkatapos kung ayusin ang mukha at suot ko ay kinuha ko na ang bag ko pati ang isang bag na puno ng pagkain para namang mauubos ko to? Pabayaan na nga. Humalik nako kay mama sa pisnge at nagpaalam na narinig ko namang naggoodluck ulit siya sakin. Napabuntong hininga naman ako.
Goodluck Joy.
As usual hinihintay nanaman ulit namin nila papa si damulag na mailabas ang sasakyan. Aaminin ko kinakabahan talaga ako mula kagabi pa. Hindi nga ako nakapag-online kagabi dahil sinulit ko ng husto ang pagrereview at pagbabasa. Dahil alam kong mamaya kukunin na ni maam yung folder kaya talagang sinulit ko ng basahin para marami akong ideas na mailagay sa ipapagawa ng magpapasulat sa amin mamaya. Kinakabahan ako dahil marami kaming makakalaban at magagaling pa. Kaya kinakabahan ako dahil baka matalo lang ako dahil hindi naman ako ganun kagaling magsulat. Kumbaga sakto lang pero hindi ganun kagaling. Kaya nga kinakabahan ako dahil feeling ko matatalo lang ako.
Wala pa nga ako sa Central pero kinakabahan nako ng husto paano pa kaya kapag nandun nako at nagsisimula na kaming magsulat at lumaban ? T_T
"Kinakabahan kaba anak?" Nakangiting tanong ni Papa. Si papa parang nangaasar pa -_- Kitang hindi na nga ako makahinga ng maayos biglang gaganun eh.
"Opo papa kinakabahan po ako." Pag amin ko kay papa dahil totoo namang kinakabahan ako. Wala naman sigurong masama kung aminin kung kinakabahan ako diba?
BINABASA MO ANG
Puppy Love
Teen FictionNaranasan nyo na bang main-love. Magka-gusto? Magka-crush? Masaktan? Magpakatanga? Maloko? Umiyak? Maghabol? Yung akala mong siya na pero Hindi pala? Yung binigay mo yung best mo sa relasyon niyo pero Niloko kapadin niya? Naranas...