Joy's POV
"Mama. Mamaya mga 5pm napo ako makakauwi. " Sabi ko kay mama habang nagsasandok ng pagkain. As usual maaga nanaman akong nagising kaya badtrip nanaman sakin si damulag -_- Hindi ko nga magets yung kapatid ko nayun eh kapag tanghali naman ako nagigising nagagalit tapos ngayun na maaga akong nagigising nagagalit padin =_= Iba talaga kapag may sira ang utak. Nakita ko namang napatingin sakin si Mama at Papa.
"Bakit naman anak?" Takang tanong ni mama at nilagyan ako ng tubig sa baso ko.
"Ngayun na daw po magsisimula yung practice namin." Saad ko at nagsimula nang kumain nakita ko namang napatango sila at nagsimula nading kumain.
Halos hindi nga ako makatulog kagabi kakaisip kay charles. Simula nung makilala ko siya palagi na siyang nasa isip ko ^_^ K. Ang corny ko ganito pala kapag inlove nagiging corny. Iniisip ko kung ano ang mangyayare mamaya sa practice. Kung papansinin ba niya ko? kung maaalala niya paba ako? Malay natin nagkaamnesia siya diba? Hahahaha! Charot.
"Anak Magtext kanalang sa kuya mo kapag magpapasundo kana." Saad ni mama. Tumango naman ako at nagtuloy na sa pagkain ayoko talaga sa lahat yung hinahatid sundo ako pero anong magagawa ko ayoko din namang namamasaheros sayang pera. Tsaka nagiipon ako para makabili ng bagong libro. Sana pansinin niya ko mamaya kahit ngiti lang ^_^ Agad kong tinapos ang pagkain ko dahil ayokong malate mahirap na baka hindi ako makapagFlag ceremony nagpapasalamat nga ako sa kalikasan dahil hindi umuulan ngayun kagabi ang lakas ng ulan pero ngayun mainit na kaya siguradong may Flag ceremony. Sana makita ko si charles sa Flag ceremony mamaya. ^_^
Pagkatapos naming kumain ay kinuha ko na ang mahiwaga kong bag at hinalikan na si mama sa pisnge. Nagpaalam nako sa kanya at sinabing mag-ingat kami. As usual hinihintay nanaman namin si damulag na mailabas ang sasakyan. Habang nasa labas kami nila papa ay nakita ko si Bryan na nakauniform na at may dalang Box ng cupcake nakita kong pumasok siya sa bahay nila angel Ang aga naman nilang gumaganyan -_- Hindi naman ako bitter. Ayoko lang ng masyadong sweet naiirita lang ako.
"Si angel na pala tsaka si bryan?" Tanong sakin ni kuya habang nasa Cellphone ang atensyon. Katext siguro girlfriend niya. Saaming magkakapatid siya lang ang may Lovelife ewan ko lang si damulag kung meron na. Wala naman sigurong masama dahil College na si damulag may isip na siya kaso yung isip niya pang bata. -_-
"Oo kuya bakit ngayun mo lang nalaman?" Tanong ko habang nakatingin sa ginagawa niya. Nakita ko namang napangiti siya. Landi ng kuya ko -_-
"Huh?" Tanong ni kuya na nakangiti pero wala sa akin ang atensyon kung hindi doon sa katext niya! Nakita ko namang pumasok sa loob si papa.
"Ang sabi ko ngayun mo lang ba nalaman na silang dalawa na?" Iritang tanong ko dahil naiirita ako sa ngiti niya. Imbis na sagutin ako ay lalo lang siyang tumawa. Siraulo -_- "Sino bayang katext mo kuya? Kanina kapa ngiti ng ngiti?" Tanong ko sakanya. Nakita ko namang napatingin siya sakin at tinignan ako ng nakangiti. Pati siya nahawa na kay damulag -_-
"Girlfriend ko." Nakangiting sabi ni kuya at tinignan ulit ang cellphone niya. Hindi ko nalang siya pinansin at hinintay ko nalang na makalabas si damulag dahil kating kati nakong pumasok. Alam niyo naman siguro kung bakit. Pagkalabas ng sasakyan ay agad nakong pumasok sa loob. Naiirita naman ako dito sa katabi ko dahil kung makangiti wagas -_- Ano bang nakakatuwa katext mo lang naman shota mo pero kung makangiti ka wagas. Katext mo lang naman siya pero kung makangiti ka akala mo naman nanalo ka sa lotto. Hindi ko naranasan na ngumiti ng ganyan kapag may katext akong lalaki hindi ako nagkakaganyan na halos mapunit ang labi kakangiti. Lalo naman akong nairita ng makita kong namumula ang pisnge ni kuya ganyan pala kapag inlove noh! Yung tipong katext mo lang siya pero kinikilig kana? Ako kaya kelan ko makakatext si charles ayaw naman niya kaseng kunin yung number ko eh free na free naman niyang kunin eh gusto niya ibigay ko pa sakanya mamaya eh.
BINABASA MO ANG
Puppy Love
Teen FictionNaranasan nyo na bang main-love. Magka-gusto? Magka-crush? Masaktan? Magpakatanga? Maloko? Umiyak? Maghabol? Yung akala mong siya na pero Hindi pala? Yung binigay mo yung best mo sa relasyon niyo pero Niloko kapadin niya? Naranas...