Chapter Four

282 52 27
                                    

"Joy." Nagsusulat ako ng tawagin ako ni Maam amy teacher namin sa science. Agad kong tinigil ang sinusulat ko at mabilis na tumayo at lumapit kay maam. Nakita ko namang naglabas siya ng Papel at ballpen na hindi ko naman alam kung saan gagamitin. 

"Bakit po maam?" Tanong ko kay maam habang nakatingin sa ginagawa niya. Nakita kong pinirmahan niya yun at binigay sakin agad ko naman itong kinuha at hinintay ang sasabihin niya. 

"Pumunta ka sa lahat ng Classroom mula Kinder haggang grade 6. Papirmahan mo sakanila yan ah alam na nila yan." Ngumiti lang ako ng peke kay maam at agad na umalis dun sa loob. Habang naglalakad ako ay nakakaramdam ako ng inis. Kitang ang init init ako uutusan pwede naman sana yung iba nalang na gustong gusto mag paitim. Hindi ba niya alam na nagpapaputi ako tapos papasugudin niya ko sa init. 

Napabuntong hininga nalang ako at pumunta sa room ng kinder. Naabutan ko namang nagsusulat sila. Agad akong lumapit kay maam at binigay ang papel na hindi ko naman alam kung para saan. Nakita kong binasa niya ito at agad na pinirmahan. Para san kaya yun? Pagkatapos niya itong pirmahan ay binigay niya na sakin ang papel. Nagpasalamat naman ako at agad na umalis dun. Maglalakad kana nga sa init tapos magsusulat kapa mamaya dahil alam kong mabuburahan nako. Manghihiram na nga lang ako kay bryan ng notebook. 

Pumunta naman ako sa room ng Grade 1 Walang section B ang grade 1 kumbaga magkakasama na sila sa iisang room. As usual nagsusulat din sila dumiretso nako sa table ni maam at binigay sakanya yung papel. Binasa niya din ito at pagkatapos basahin ay agad na pinirmahan. Binigay niya sakin ito pagkatapos niyang pirmahan. Nagpasalamat ako at agad na umalis na  doon. 

Nakaramdam naman kaagad ako ng pagod dalawang Classroom palang ang napupuntahan ko napapagod nako! Bakit ba kase ako pa inutusan ni maam? Akala siguro talaga ni maam masipag akong tao. Hindi niya alam na ang hirap ko kayang utusan sa bahay tapos dito isang tawag lang sumusunod ako may saltik talaga ako -_- Pumunta naman ako sa Section ng grade 2 napabuntong hininga naman ako ng sumagi sa isip ko na may section B papala ang grade 2. May pa ganun ganun pa kase eh -_- Naabutan ko naman silang nagbabasa maayos akong pumasok sa loob at binigay kay maam ang papel na hindi ko naman talaga alam kung para saan. Pilit ko siyang binabasa kanina pero hindi ko talaga maintindihan eh! Ang hirap talaga kapag alien ka. Nakita kong binasa niya din ito buti nababasa nila yun? Tanungin ko kaya kung para saan yun? Wag na tinatamad ako eh next time nalang. Nakita ko namang naglabas siya ng Ballpen at agad na pinirmahan ang papel na hindi ko nga sabi maintindihan kung para saan. -_-

Pagkatapos dun ay patakbo akong pumunta sa Section B. Bwiset ang haggard ko na neto. Hindi ako nagdala kase ng  Polbo paniguradong pwede nakong paglutuan ng itlog dahil sa sobrang oily ng mukha ko. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ng palda ko at agad na pinunas sa mukha kong oily na. Pagkatapos kong magpunas sa labas ng Section B ay agad akong pumasok nakita ko namang tahimik silang lahat dahil may naglilista dun sa harapan na halatang mataray. Nakalagay sa Blackboard Noisy ang malilista may bayad 5 Kung ako ang nandito talagang hindi ako magsasalita dahil sayang 5 mga bess! Pwede pang pambili ng pagkain yun. Dumiretso na kaagad ako sa table ni Maam at inabot ang papel na hindi ko nga sabi maintindihan kung para saan. Nakita ko namang binabasa yun ni Maam naglagay pa ito ng salamin at binasa yung nakasulat sa papel. Nakita kong pinirmahan niya ito at agad na binigay sakin nagpasalamat naman ako sakanya at hindi na siya hinintay na sumagot umalis na kaagad ako dun at patakbong pumunta sa Grade 3. Nakahinga naman ako ng maluwag ng sumagi sa isip ko na walang Section B ang grade 3 dahil magkakasama na silang lahat sa iisang Classroom. Nakita ko naman silang nagsusulat pero ang iba ay nag iingay lang at yung iba naman ay kumakain. Ang astig naman pala dito eh! Lipat kaya ako dito ng Classroom. Napailing nalang ako at agad na lumapit kay Maam. 

Kaagad kong binigay sakanya yung letseng papel na hindi ko maintindihan yung nilalaman. Sobrang gulo kase parang relasyon niyo sobrang gulo :D Inikot ko naman ang mata ko at nakita ko si Baluga -_- na may nilalanding iba! Aba matinde nililigawan ang bestfriend ko tapos may nilalanding iba! Sabi na nga bat! Babaero tong baluga nato eh itsura palang hindi na mapagkakatiwalaan tapos mukhang pang adik. Bigla namang lumaki ang mata ko ng makita kong inaakbayan niya yung babae pero pilit yung tinatanggal nung babae at bakas sa mukha nung babae ang inis dun kay Baluga -_- Sabunutan ko kaya tong Baluga nato! Ang lakas manligaw sa kaibigan ko malandi naman pala. Iniwas ko nalang ang tingin ko dahil baka hindi ako makapagpigil masabunutan ko yang Baluga nayan! Nakita ko namang pinipirmahan na ni maam yung binigay kong papel. Pagkatapos niyang pirmahan ito ay binigay niya na saakin kaagad. Agad akong umalis sa mainit na lugar nayun at agad naman akong pumunta sa Grade 4 napangiti naman ako ng sumagi ulit sa isip ko na iisa lang din ang room ng Grade 4 malapit nang matapos ang pagdurusa ko. 

Puppy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon