"Boto mo si Charles Joy ah." Napairap nalang ako dahil kanina pa nila ako pinipilit na iboto yung charles na yun eh ano namang pakielam ko dun diba! Bakit hindi sila ang bumoto dun sa Charles na yun tutal sila naman ang patay na patay dun dadamay pa nila ako -_- Kabanas ah! Hindi ko nalang sila pinansin at bumalik nako sa upuan ko. Kinuha ko sa bag ang ipod na regalo sa akin ni papa noong birthday ko. Kinuha ko ang headset ko at sinaksak sa ipod. Sinalpak ko naman ang headset sa tenga ko. Hindi pa naman siguro magsisimula ang eleksyon dahil maaga pa naman. Ngayun na daw kase magsisimula ang eleksyon kumbaga Magiikot ikot sila Mula grade 6 hanggang grade 3. Agad naman akong humanap ng magandang tugtog na alam kong malilibang naman ako kahit papaano. Pinindot ko naman kaagad ang kanta ni Justin bieber na One time. Napangiti naman ako ng magsimula ang kanta pinikit ko ang mata ko at isang tao lang ang nakikita ko. Si Mr. Candy lang.
Mula kagabi siya lang ang iniisip ko. Iniisip ko padin ang Ngiti at Tango na ginawa niya sa harapan ko. Yun palang ang ginagawa niya kinikilig nako! Grabe ano bang meron sayo Mr. Candy? Bakit hindi kita kayang alisin sa isip ko. Ikaw nalang lagi ang pumapasok sa isip ko pati sa panaginip ko ginugulo moko. Aminin ko man o hindi pero nalilibang ako kapag iniimagine ko ang Mala-anghel mong mukha. Yung mukha mong ang lakas lakas ng dating.
Napangiti naman ako dahil dito sa nararamdaman ko. Nakakainis pero masarap sa pakiramdam.
Napadilat naman ako ng mata ng maramdaman kong may kumakalabit saakin. Pagtingin ko ay si bryan lang pala agad kong tinignan ang mukha niya bakas sa mukha niya na kagagaling niya lang sa pag-iyak agad naman akong nataranta. Mabilis kong tinanggal ang headset sa tenga ko at nilagay yun sa bag ko. Nakita ko namang umupo siya sa bakanteng upuan sa tabi ko at walang ganang tumingin sa akin. Kahit hindi ko naman tanungin alam ko naman kung sino ang dahilan ng Pag-iyak niya. Napabuntong hininga nalang ako dahil naawa ako sakanya. Ang torpe niya kase eh! Sarap batukan -_-
"Nag-away ba kayo ni angel?" Tanong ko sakanya dahil mukhang wala siyang balak na magsalita. Nakita ko namang iniwas niya ang tingin niya at nangilid ang luha niya. Agad naman akong nakaramdam ng awa para kay bryan. Wala na kaseng ibang minahal yan kung hindi si angel lang minsan nga nagaaway na kami dahil sa sobrang katorpehan niyan. Sabi niya noon aamin na daw siya kay angel. Sabi ko pa nga sakanya noon baka maunahan na siya ng iba at makahanap na si angel ng mamahalin niya. Sabi naman nitong torpe na to. Hindi daw mangyayare yun. Pero ngayun nangyare na at si Baluga yun -_- Ilang beses ko na kaseng sinabihan pero hindi nakikinig sa akin.
"W-wala." Saad niya at mabilis na tumulo ang luha galing sa mata niya. Napabuntong hininga ko namang kinuha ang panyo ko sa bulsa. Inabot ko ito sakanya para sabihing punasan niya ang luha niya agad naman niyang kinuha ito at pinunas sa pisnge niya.
"Anong wala? Pwede ba bryan hindi ka magkakaganyan kung walalang." Taray na sagot ko sakanya. Ayoko kase sa lahat yung pabebe. Yung halata namang may problema pero pag tinanong mo sasabihing wala -_-
"Kase." Nakita ko namang nangilid ulit ang luha niya. Grabe talaga magmahal tong kaibigan ko sagad na sagad eh yung tipong handa siyang magpakatanga para sa taong mahal niya. "Sabi niya sakin balak niya na daw sagutin si enrique." Gulat naman akong napatayo sa upuan ko. Nakita ko namang napatingin sa akin ang mga kaklase ko tinaasan ko lang sila ng kilay at inirapan. Tumingin ako kay bryan na nakadukdok na sa desk. Agad naman akong nakaramdam ng awa dahil sa sitwasyon niya ngayun. Hindi ko naman alam ang sasabihin ko kaya niyakap ko nalang siya. Gusto kong magalit kay angel pero hindi naman tama yun dahil wala naman siyang alam tungkol dito at sa nararamdaman ni Bryan. Narinig ko namang mas lalong lumakas ang iyak ni bryan mas lalo ko naman siyang niyakap ng mahigpit at hinimas ang likod niya para mapakalma na siya.
Napatayo naman ako ng maayos ng bigla niyang inangat ang ulo niya. Agad naman akong umupo ng maayos sa upuan ko at tumingin ng diretso sakanya nakita ko namang pinu punasan naman niya ang luha niya.

BINABASA MO ANG
Puppy Love
Novela JuvenilNaranasan nyo na bang main-love. Magka-gusto? Magka-crush? Masaktan? Magpakatanga? Maloko? Umiyak? Maghabol? Yung akala mong siya na pero Hindi pala? Yung binigay mo yung best mo sa relasyon niyo pero Niloko kapadin niya? Naranas...