Chapter Fifteen

162 35 13
                                        

Joy's POV

Simula ng nalaman  ko na lilipat na ng bagong school si charles ay ramdam ko na naging matamlay nako simula nung araw nayun. Pinipilit kung ipakitang maayos lang ako pero sa tuwing maiisip ko si charles nagiging malungkot lang ulit ako. Pinipilit kong tanggapin pero kahit anong gawin ko hindi ko matanggap na lilipat na siya ng bagong school. Kumalat na din sa buong school na lilipat na si charles. Yung balita na lilipat na si charles ang laging pinaguusapan nila Juneth at Pia ngayun. Hindi na nga ako nakikinig dahil nasasaktan lang ako sa mga naririnig ko. Pinipilit kong mag mukhang masaya sa harapan ng pamilya at kaibigan ko pero talagang hindi ko magawa dahil hindi lang sila ang niloloko ko pati din ang sarili ko. Napakahirap kaseng tanggapin. 

Charles Eleven days na kitang hindi nakikita. Siguro naman may balak kapang bumalik diba? Dahil madami kapang naiwan dito kailangan mo pang magpaalam sa amin ng maayos diba? Sa mga nag daang araw ikaw lang lagi ang laman ng isip ko. Pinipilit kong mag focus sa ibang bagay pero palagi lang bumabalik sayo! Ang hirap charles! Sa eleven days na yun sobrang hirap. Sanay ako na lagi kitang nakakusap noon. Pero ngayun hindi ko na marinig ang boses mo. I miss your voice charles! T_T Huling text niya sa akin yung sinabi niya na Hihintayin niya daw yung medal ko. Ilang beses ko ng sinabi sakanya na handa nakong ipakita sakanya yung medal ko. Handa nakong sabihin sakanya na panalo ako! Dahil isa siya sa mga dahilan kung bakit ako nanalo? Dahil naging inspirasyon ko din siya. 

Napabuntong hininga nalang ako at pumasok na sa loob ng school. Katatapos lang naming maglunch nila angel at bryan sabi nga nila sabay sabay na daw kaming pumasok. Pero sabi ko mauna na sila alam ko namang nagaalala lang sila sa akin kaya gusto nilang lagi na nasa tabi ko. Siguro nandito na yung mga yun. Nakayuko naman ako habang naglalakad dahil baka mamaya may kumausap nanaman sa akin -_- Wala panaman ako sa mood baka masigawan ko lang eh! Habang naglalakad ako ay may narinig akong nagbubulungan pero rinig na rinig naman. Bigla namang bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko ang pinaguusapan nila. 

"Nandito nga daw si charles tsaka yung mommy ni charles. May Kukunin daw yata eh." 

"Oo nga daw nandun nga daw si Charles sa classroom nila eh." 

"Nakakalungkot naman lilipat na siya." 

Bigla naman akong nabuhayan ng loob ng marinig ko ang pinaguusapan nila. Nandito siya? Napangiti naman ako dahil nandito siya. Tama nga ako babalik siya. Umalis nako sa lugar nayun at dali daling dumaan sa Classroom nila charles. Dadaan palang ako ng harangin niya ko? T_T 

Nakangiti ito sa akin? Paano mo nakukuhang ngumiti ng ganyan charles samantalang ako hindi ako makangiti ng ganyan dahil sayo. Gusto kong sabihin sakanya na hindi ako maayos ng dahil sakanya nasasaktan akong makita siya. Dahil alam kong huli na ito nakapasama ng tadhana sa akin. 

"Chicken Joy." Para akong babagsak dahil narinig ko ulit ang matagal ko ng gustong marinig. Gustong gusto ng tumulo ng luha ko. Gustong kong umiyak sa harapan niya at sabihing Napakadaya niya! Gusto kong sabihin at hilingin sa kanya na sana wag na siyang umalis na sana dito nalang siya! na wag niya kung iwan pero hindi eh hindi pwede! Dahil wala akong karapatan ano bako? Kaibigan diba? nagmamahal ng patago kaya nasasaktan din ng patago! Ngumiti ako ng pilit sakanya pinapakitang masaya ko kahit ang totoo gustong gusto ko ng sumigaw dahil sa sakit ng nararamdaman ko. 

"D-daga." Utal na sabi ko. Sana wag tumulo ang luha ko sa harapan niya. 

"Lilipat nako." Nakangiting sabi niya. Oo charles alam ko nayun. Wag mo namang ipamukha sa akin masakit eh! Gustong gusto kong sabihin sakanya yan. Pero hindi ko magawa! 

"O-Oo nga eh sabi nila san ka lilipat?" Pilit kong ngumingiti sa harapan niya. 

"Sa baliuag." Nakangiting sabi niya. Gusto kong mainis dahil nakukuha niya pang ngumiti ng ganyan sa harapan ko pero ayoko kase alam kung huling beses ko ng makikita ang ngiti nayan. 

Puppy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon