Joy's POV
Nakangiti ako habang naglalakad patungong Classroom kagabi pa hindi mawala ang ngiti sa labi ko. Masisisi niyo ba kase ako? Kayo nga makasama niyo yung crush niyo ng isang araw tapos napatawa mo pa tapos nakatabi mo tapos nahawakan mo ang phone. Hindi ba kayo kikiligin at matutuwa? Siguro naman naiintindihan niyo ko kase may mga crush din kayo. Pero naiintindihan ko na ang mga babae kong kaklase kung gaano sila kinikilig sa mga crush nila ngayun naiintindihan ko na sila dahil nararamdaman ko nadin ang nararamdaman nila.
Ganito pala yung feeling na magkagusto o mainlove masarap pala sa pakiramdaman yung tipong ginaganahan kang pumasok dahil gusto mo siyang makita. Natututo ka ng mag-ayos dahil ayaw mo namang magmukha kang bangkay kapag kaharap mo siya. Binabago mo din ang ayos ng pananamit mo para wala siyang masabi sayo. Binabago mo pati pananalita at galaw mo para hindi siya maturnoff sayo.
As usual maaga nanaman ulit akong nagising. Galit na galit nga si damulag dahil masyado pa daw maaga. Tinatanong pa kung bakit daw palagi na daw akong maagang pumapasok eh hindi naman daw ako ganun. Eh ano namang sasabihin ko diba! Sasabihin ko na kaya ako maagang nagigising dahil kay Crush dahil gusto kong makita si Charles -_- Para namang kaya kong sabihin kay Damulag yun tsaka kilala na niya si Charles mahirap na baka isumbong ako kay mama tapos sabihin ni mama kay tita mina tapos malaman ni Charles Nakakahiya =_= Napakadaldal pa naman ni damulag tsaka wala akong balak sabihin sakanila na may crush nako.
"Joy." Napalingon naman ako sa likod ko ng marinig kong may tumawag sa pangalan ko. Nanlaki naman ang mata ko ng makita ko si Angel at Bryan na magkahawak kamay! Jusko PDA sila masyado -_- Nagulat naman ako ng biglang tumakbo si angel papunta sa akin at ng makarating siya ay niyakap niya ko ng mahigpit. Nakita ko namang papalapit na sa amin si bryan.
"Kayo na?" Tanong ko sakanilang dalawa parehas naman silang tumango. Napangiti naman ako dahil nangyare na ang matagal ng pinapangarap ni bryan. Sa wakas lord! "Kayo na agad? Wala manlang bang ligawan na mangyayare?" Pabiro kong tanong sa kanilang dalawa.
"Kailangan paba non? Eh araw araw ko naman siyang liligawan." Nakangiting saad ni bryan pero ang paningin ay nakay angel. Inakbayan niya si angel at hinalikan sa noo nakita ko namang namula si angel! Ode sila na sweet -_-
"Wag kayong maglandian sa harap ko naiirita ako." Inis na sabi ko dahil totoo naman. Kita nilang nagiisa ako biglang gaganun. Mga bastos -_- Alam naman nilang single yung tao lalo pa nilang iinggitin. Mga walang respeto talaga.
"Sorry na bess magboyfriend kana kase." Pang-aasar na sabi ni angel habang magkahawak sila ng kamay ni Bryan. Jusko para namang mawawala si angel kung makahawak eh!
"Boyfriend? Wala pa sa isip ko yan Grade 6 palang ako angel masyado pakong bata." Saad ko nakita ko namang napanguso lang siya sa sinabi ko.
"Kahit crush wala ka?" Takang tanong ni bryan. Naramdaman ko namang nag-init ang mukha ko dahil sa tanong niya? Anong sasabihin ko? May crush nako?
"Mukhang meron ah." Nakangising sabi ni bryan nakita ko namang ngumisi din sa akin si angel! "Sino ang crush mo?" Nakangising tanong ni bryan sa akin bakas sa boses niya ang pang-aasar.
"Oo nga sino ang maswerteng lalaki ang nagustuhan ng isang Joy Audrey aquino?" Nakangiting sabi ni angel. Siguro wala namang masama kung sabihin ko sakanila kung sino ang gusto ko. Siguro naman hindi nila ipagkakalat na gusto ko si Charles Angelo San Pedro. Tsaka para may masabihan naman ako ng sikretong tinatago ko. Nakakainis kase na ako lang ang nakakaalam eh! Wala manlang akong karamay o mapagsabihan manlang tungkol kay Charles diba! Tsaka kilala ko naman sila angel at bryan kapag sikreto sikreto.

BINABASA MO ANG
Puppy Love
Teen FictionNaranasan nyo na bang main-love. Magka-gusto? Magka-crush? Masaktan? Magpakatanga? Maloko? Umiyak? Maghabol? Yung akala mong siya na pero Hindi pala? Yung binigay mo yung best mo sa relasyon niyo pero Niloko kapadin niya? Naranas...