Chapter Thirteen

166 38 4
                                    

Joy's POV

Lunch na ng matapos ang contest. Dito na kami maglulunch at magpapahinga nalang kami ng konti tapos mamayang hapon nanamin malalaman yung mga panalo. Dumiretso kami nila angel sa canteen para sana kumain pero punong puno naman. Pumunta kami sa lahat ng canteen pero lahat talaga puno. Kaya no choice kami sa stage nalang kami kakain nila angel. Pagpunta namin dun ay naabutan naming marami ding kumakain dun. Siguro dito nalang nila naisipang kumain din dahil nga punong puno sa canteen. Hindi kapa makabili ng maayos. Humanap kami nila angel ng pwedeng upuan ng makahanap kami ay agad kaming nagsimulang kumain. Hindi ko nga alam kung papatok ba sa kanila yung ginawa kong story. Binigay ko talaga lahat ng makakaya ko dun kaya sana mapansin nila o kaya magustuhan nila. Kahit naman alam kong mas madami pang magagaling kaysa sakin hindi ako nawawalan ng pag-asa. At habang sinusulat ko yun nakangiti ako hindi ko nga alam kung bakit eh -_- Tsaka bago ako magsulat nagdasal muna ako ^_^ Syempre yun ang pinakamahalaga sa lahat diba? Bago ka sumabak sa laban magdasal ka muna para gumaan ang pakiramdaman mo. 

"Cupcake tungkol saan yung ginawa niyong drawing?" Napatingin naman ako kay angel ng magsalita ito.

"Tungkol sa drugs." Nakita ko namang napatango si angel at nagsimula na ulit kumain. Para sa akin drawing ang hindi ko kayang gawin. Alam ko naman na lahat ng tao nagdadrawing pero kase yung drawing ko kapag nakita mo matatawa ka talaga. Hindi kase ako mahilig sa pagdadrawing mas gugustuhin ko pang magsulat maghapon kaysa magdrawing dahil alam kong kahit magdrawing ako maghapon eh Wala padin mangyayare -_- Kasing pangit  yun ng kuya kong damulag Joke ^_^ Kaya nga kapag may assignment kami o project na tungkol sa drawing na ganyan sa mga kapatid ko pinapagawa dahil alam kong mag mumukhang kawawa lang yung akin. Tsaka hindi naman lahat ng tao magaling magdrawing diba? Siguro hindi lang talaga para sa akin ang pagdadrawing. 

"Kinakabahan ako. Sana manalo tayo." Napatingin naman ako ng magsalita si rhea. Sana nga manalo kami kahit hindi na yung first place. 

"Oo nga eh. Basta tiwala lang." Nakangiting sabi ni angel tumango naman kami at nagsimula na ulit kumain. Balak sana naming umikot dito sa Central pagkatapos kumain. Dahil gusto ko namang makita yung Oval dito sabi nila malaki daw eh! Kaya titignan namin tsaka wala naman kaming gagawin dahil mamayang hapon pa sasabihin yung mga panalo. Ibig sabihin may tatlo o dalawang oras pa kami. Parang gusto ko ngang umuwi muna at matulog kaso bawal naman yun. Buti nga kasama ko sila angel atleast hindi ako maboboring kase kasama ko naman sila. Siguro kung hindi sila sumali para akong tanga na walang kasama ngayun hindi naman kase ako yung tipo na Friendly kumbaga sakto lang hindi yung tipo na lahat kinakausap at kinakaibigan ko. 

Pagkatapos naming kumain ay napagdesisyonan naming pumunta na ng Oval para magpahangin manlang dahil sobrang init sa stage ang dami naman kase namin dun. Para kaming sinalanta ng bagyo kung titignan. Dahil punong puno kami dun. Pagpunta namin sa Oval ay sobrang init naman pumunta kami dun sa gilid dun sa may puno para hindi kami masyadong mainitang apat. Pagdating namin dun ay agad kaming umupong apat at nagsimula ng magpahinga. Siguro ng mga oras nato nasa school nako dahil katatapos ko lang maglunch tapos nandun na ako agad sa Practice room at nakikipag asaran kay Daga. Bigla ko tuloy siyang namiss siguro yung mga oras nato magkatabi kami at nagaasaran. Nakakalungkot nga dahil hindi siya nagtetext. Simula nung nagreply ako sa text niya sa akin kanina ay hindi na siya nagreply siguro baka busy lang. Napailing nalang ako at nakisali sa pinaguusapan nilang tatlo. 

Habang tumatagal ay nalilibang nako. Dahil nakakaamoy at nakakaramdaman nako ng sariwang hangin hindi katulad kanina na halos hindi ako makahinga dahil sa sobrang init. Nagtagal pa kami dun ng halos dalawang oras bago kami tinawag dahil sasabihin na daw ang result. Agad naman akong nakaramdaman ng kaba habang naglalakad kami patungo sa stage. Naabutan namin na madami na sila dun halos nandun na ang lahat at tahimik na nakaupo lahat hinanap naman namin yung mga kasama namin at ng mahanap namin ang pwesto nila ay agad kaming umupong apat. 

Puppy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon