Joy's POV
Naglalakad ako ngayon kasama yung dalawang loveteam, dahil malamang sa malamang hindi ako sinundo ng damulag kong kapatid. Ang sabi ko sunduin ako eh, sagot ba naman sakin. 'May paa ka naman maglakad ka!'
Diba hindi kaba mababadtrip sa ganun, damulag kase eh. -,-
Pero agad akong kinabahan ulit ng maalala ko ang text sakin ni papa kaninang tanghali.
Ang sabi niya umuwi daw ako kaagad at may pag-uusapan kami.
Hindi ko alam kung seryoso bayun o ano eh, pero nakaramdam ako ng kaba.
"Ang seryoso mo naman Joy." Napatingin ako kila Angel at Bryan na nagsusubuan ng fishball.
Kitang naglalakad kami tapos kumakain ng fishball mga baliw! De para silang tangang tignan.
May boyfriend na nga ako pero hindi padin ako sanay sa dalawang toh! Nakakagigil masyado silang sweet eh, sweet na nga tawagan nila eh. Cupcake eww
"Tigilan niyo nga ako, tsaka para kayong tanga naglalakad tayo naglalandian kayo diyan." Inis kong sabi at binilisan ang paglalakad. Nakita ko namang binilisan din nila ang paglalakad nila.
"Edi magpasubo kadin kay Charles." Bakas sa boses ni Angel ang pang-aasar at nakangisi pa ito. Imbis na ngumiti ay inirapan ko lang siya.
Hanggang ngayon naaalala ko padin yung Missy nayun! Anong akala niyo nakalimutan ko nayun? Nag-daan ang mga araw pero hindi naalis sa utak ko yung babaeng yun!!!
At talagang hindi ko siya makakalimutan hanggang ngayon china-chat niya padin si Charles, ito namang daga nato todo reply pa! Ang landi eh pati pala mga daga malalandi noh, ngayon lang kase ako nainform.
Simula nung makita ko ang chat nila nung bakekang nayon araw-araw minu-minuto ko ng binubuksan account niya. At aba! Mukhang enjoy patong daga nato sa pakikipag-chat.
Ito namang bakekang nato, sa boyfriend ko pa nagpapasend ng assignment. I mean sila lang ba magkaklase ang dami dami nila sa classroom pero boyfriend ko pa kinukulit niya. Sipain ko siya hindi niya yata alam na marunong akong sumipa at manapak. -,-
Ang hindi ko lang talaga matanggap at kinaiinisan ko, todo reply naman tong daga nato! Ilang minutes palang magcha-chat sakaniya nagre-reply kaagad siya. Ang sarap niyang sapakin eh kung alam niya lang!!!
Ang sabi naman niya wag kadaw pagselosan kase nga daw kaibigan niya lang daw yun, bakit masisisi niya bako? Eh yung mukha ng bakekang nayun halatang hindi mapagkakatiwalaan eh! Para talagang may binabalak.
Ilang araw ko ng kinaiinisan yung bakekang nayun, imbis na si Charles nalang ang iniisip ko nakikidagdag pa siya! Nako nanggigigil talaga ako.
"Badtrip yan, may ka-chat kase si Charles na iba eh." Masama naman akong tumingin kay Bryan ng marinig ko ang sinabi niya, ang epal talaga ng panget nato kahit kailan eh.
"May nababasa kabang hindi maganda?" Napatingin naman ako kay Angel na hanggang ngayon kumakain ng fishball. Bigla naman akong napaisip sa tanong niya.
Oo nga noh? May nababasa nga ba ako ng hindi maganda dun, kase ang pagkakaalam ko wala naman. Napakagat labi nalang ako saba'y iling sa kanilang dalawa.
"Wala naman pala eh, e ano namang ine-emote mo diyan." Sabi sa akin ni Angel. Oo nga noh, ilang araw akong umaarte ng ganito eh wala naman akong nababasang hindi maganda sa chat nilang dalawa.
Eh bakit ba kase! Sa nagseselos ako eh.
"Wala kang paki." Yun nalang ang sinabi ko, dahil napahiya ako sa kanila.
Ang oa ko naman pala kase, ilang araw akong umaarte kahit wala namang ginagawang masama si Charles at si Bakekang. Wala nga ba? -,-
"Sus, ang selosa ng bestfriend ko oh. Wala kabang tiwala sa gwapo mong boyfriend hindi ka naman lolokohin nun eh." Bigla akong napatigil sa sinabi niya sa hindi ko malaman na dahilan.
Tumingin ako sa kanilang dalawa, pero busy na ulit sila sa isa't isa. Napabuntong hininga ako sana nga hindi niya ko lokohin, sana nga..
Hindi din naman nagtagal ay nakarating na kami sa dapat naming pinuntahan.
As usual hindi muna uuwi si Bryan dahil alam kung mamaya payan uuwi. Dahil diyan muna siya sa bahay nila Angel.
Hindi naman sila pinagbabawalan dalawa, dahil may tiwala naman kami sa kanila. Tsaka hindi naman pumupunta diyan si Bryan kung wala si tita.
"Bye Joy." Saaad nilang dalawa, tumango nalang ako para sabihing 'okay.' Tinatamad kase ako magsalita. Tsaka gusto ko ng mag-online hindi ako nakapag-online kanina sa school kase naubusan ako bigla ng load.
Kaya hindi ko nakausap si daga.
Pagpasok ko palang sa gate ay mabilis na akong nakaramdam ng kaba, pero hindi ko naman alam kung bakit?
Hindi ko nalang pinansin yun, at mabilis akong pumasok sa loob. Napatigil naman ako sa paglalakad ng makita ko silang lahat na nasa sala.
Lahat sila, nakita kung nakayuko sila kuya at nakita kung umiiyak si mama at nakatalikod sa kanila si papa kaya mabilis akong kinabahan.
"P-papa.." Utal na tawag ko kay papa kaya naagaw ko ang atensyon nilang lahat. Napalingon naman kaagad si papa sa akin at mabilis kong nabasa ang galit sa mga mata niya kaya mabilis akong napa-atras.
Ano ba kaseng nangyayare?
Tumingin ako kila kuya at nabasa ko ang pag-aalala sa mukha nila at kahit na umiiyak si mama nakikita kung nag-aalala siya para sa akin. Hindi naman ako tanga para hindi makita yun.
"Buti naman umuwi kana." Seryosong sabi sa akin ni kuya.
"Opo. ano po bang nangyayare?" Tanong ko pero wala akong natanggap na kahit anong sagot mula sa kanila.
Napatingin ako kay papa na mabilis na naglakad papalapit sa akin.
Laking gulat ko nalang ng bigla niya kong sampalin. Napahawak ako sa pisnge ko at mabilis na nangilid ang luha ko.
"Pa." Dinig kung tawag nila kuya kay papa sabay punta sa direksiyon ko, hinawakan nilang dalawa ang balikat ko.
Hindi ko na kinaya kaya tumulo na ang luha ko, tumingin ako kay papa na ngayon ay umiiyak na.
"Pinalaki kita ng maayos Joy, mabuti kang bata." Umiiyak na sabi nito, mabilis namang nagtuluan ang mga luha ko. Dahil sa nakikita ko ngayon sa harapan ko. "Hindi ka marunong magsinungaling, oo minsan tinatarayan mo ang mga kapatid mo. Pero ganun ka eh, pero anak hindi ko alam na matututo kang magsinungaling sa akin ngayon..." Naramdaman ko naman ang higpit na pagkakahawak nila kuya sa balikat ko. "Natututo ka ng magsinungaling at ngayon malalaman ko na may boyfriend kana pala." Mabilis na nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi ni papa.
Paano niya nalaman yun? Hindi pwedeng sila Angel at Bryan ang nagsabi nun! Dahil alam kung hindi nila sasabihin yun kila papa.
"H-hindi po totoo yan.." Mabilis na pagtanggi ko.
"Magsisinungaling kapa ngayon, anong gusto mong sabihin na sinungaling ang kaibigan mo." Mas lalo naman akong nagulat sa sinabi ni papa. K-kaibigan? Sinong kaibigan? "Kung hindi niya pa sinabi hindi ko pa malalaman yang mga kalokohan na ginagawa mo, kaya ba palagi kang nakatutok sa cellphone mo. Kaya ba minsan naririnig kung may kausap ka sa kwarto mo. Ang akala ko wala lang yun kase may tiwala ako sayo eh. Akala ko iba ka sa mga kabataan na nakikita ko. Pero katulad kalang pala nila. Wala kang pinagkaiba." Halos manghina naman ako sa mga narinig ko mula sa sarili kong ama. "Kung hindi pa sinabi sa amin ni Sophia hindi pa namin malalaman na meron pala kayong relasyon ng Charles nayan."
Mas lalo naman akong nanghina sa narinig kung pangalan.
S-sinabi niya?
BINABASA MO ANG
Puppy Love
Teen FictionNaranasan nyo na bang main-love. Magka-gusto? Magka-crush? Masaktan? Magpakatanga? Maloko? Umiyak? Maghabol? Yung akala mong siya na pero Hindi pala? Yung binigay mo yung best mo sa relasyon niyo pero Niloko kapadin niya? Naranas...