Joy's POV
"Angel wag na please, tara na." Saad ko kay Angel at mabilis na hinila ang kamay niya. Sana pala hindi ko nalang sinabi sa kaniya yung nangyare kahapon.
"Ano pabayaan? Alam mo Joy napakatagal ko ng nagtitimpi sa babaeng yan. Napaka plastik tapos ngayon malalaman ko na kaya pala nalaman ni tito na may relasyon kayo ni Charles dahil sinabi niya. Sabihin mo nga sa akin Joy yun ba ang tunay na kaibigan hah Joy!" Sigaw niya sa akin ng ikinatahimik ko. "Kaya dapat diyan sa babaeng yan, tinatanggalan ng buhok eh." Nagulat ako ng umupo ito sa bench na kinauupuan namin ngayon.
Mabilis ko siyang hinabol at hinarang ang dadaanan niya, kilala ko si Angel baka kung ano pang mangyare kapag sinugod niya si Sophia.
"Wag na Angel, pabayaan mo na siya." Pag-aawat ko sa kaniya, nakita kung mas lalong sumama ang mukha niya. Mabilis ko namang natanaw si Bryan kaya agad ko siyang tinawag.
"Ano meron?" Tanong nito at tumabi kay Angel.
"May susugudin ako bakit sasama ka?" Matapang pang tanong ni Angel kay Bryan, nakita ko namang kumunot ang noo ni Bryan dahil sa sinabi ni Angel. Hindi pa nga pala niya alam yung nangyare kahapon.
"Sino susugudin mo?" Tanong ni Bryan sa kaniya, pero imbis na sagutin ay mabilis siyang tumakbo papalayo sa amin, at sa tingin ko ay pupuntahan niya si Sophia kaya mabilis akong sumunod sa kaniya.
Sana pala hindi ko nalang sinabi sa kaniya eh, nakalimutan ko nga pala ugali ni Angel. Mabait pero sobrang nakakatakot kapag nagagalit. Kahit naman mataray akong tao, takot ako kapag nakikita kung nagagalit siya.
Saktong pagpasok ko sa loob ng classroom nila Angel ay nakita kung papalapit na siya kila Sophia na ngayon ay kasama sila Sheena at iba pa nilang kaklase.
"Hoy Sophia." Dinig kung sabi ni Angel kay Sophia at mas lalo akong nagulat ng hilain niya ang buhok ni Sophia.
Mabilis akong tumakbo papunta sa kanila kasama si Bryan na gulat sa nakikita niya.
Mabilis na hinawakan ni Bryan si Angel sa bewang para malayo kay Sophia, na magulo na ang buhok at masama na ang mukha.
Ngayon ko lang siyang nakitang ganiyan.
"Ano bang problema mo hah! Bigla ka nalang nananabunot babae ka!" Mas lalo naman akong nagulat sa sinabi niya dahil hindi namang ganung Sophia ang kilala ko.
"Tinatanong mo pa kung anong problema ko sayo hah!" Sigaw ni Angel at akmang susugudin pa si Sophia pero mabilis siyang nilayo ni Bryan at pilit na pinapakalma.
"Ano bang ginawa ko sayo hah!" Matapang na tanong ni Sophia at hinawakan ang buhok niya. Mabilis akong lumapit sa pwesto ni Angel para pakalmahin siya.
Ako may kasalanan nito sana pala hindi ko nalang sinabi!!
"Wala kang ginagawa sakin." Sagot naman sa kaniya ni Angel.
"Yun naman pala eh, bakit? Bigla ka nalang na-nanabunot ano nababaliw kana?" Natatawang tanong ni Sophia at nakita kong umirap pa ito.
"Sakin wala, pero sa bestfriend ko meron." Nakita kung napatigil sa pagtawa si Sophia at tumingin ito sa akin. Nagulat ako ng biglang tumaas ang kilay nito.
"Ano namang kasalanan ko sayo?" Mataray nitong tanong sa akin.
"Diba sinabi mo kay tito na sila na ni Charles, para ano hah Sophia? Para magalit sa kaniya si tito para maghiwalay sila ni Charles ganun ba?" Sagot sa kaniya ni Angel at pilit na kumakawala sa kamay ni Bryan na nasa bewang niya.
"Tsk! Yun ba? Bakit Joy masama ba yung ginawa ko. Aba diba dapat lang malaman lang ni tito yang mga kalandiang ginagawa mo?" Biglang uminit ang dugo ko sa sinabi niyang word na 'Kalandian.'
So totoo nga ang sinasabi ni Angel, mapagpanggap lang pala siya.
"Ang sabihin mo kaya mo sinabi yun kay tito para maghiwalay sila ni Charles, kase hanggang ngayon hindi mo matanggap na naging sila ni Joy diba? Na mas pinili niya na si Joy kaysa sayo." Nakita ko kung paano sumama ang mukha ni Sophia dahil sa sinabi ni Angel.
"Sigurado ka pinili niya si Joy, baka naman ginagamit niya lang si Joy." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at mabilis ko siyang sinugod at mabilis na sinampal. Nakita ko ang gulat nila Sheena sa ginawa ko at nakita kung namula ang pisnge ni Sophia na ngayon ay hawak hawak na niya ngayon.
"Anong karapatan mong sabihin yan hah! Sophia ang pagkakaalam ko hindi ganiyan ang ugali mo. Ngayon ko lang nalaman at nakita na napakasama pala talaga ng ugali mo." Gigil na sabi ko sa kaniya. Tumingin ito sa akin at agad kung nabasa ang galit sa mga mata niya.
"Pwes! Ngayon nakita mo na at nalaman mo na kung anong totoong ugali ko, at bakit Joy hindi mo ba matanggap na malaman na ginagamit kalang ni Charles para makapag move-on sakin." Nagulat ako sa mga sinabi niya, ginamit?
"Talagang gumagawa kapa ng storya ganiyan kanaba kadesperada huh!" Sigaw ni Angel sa kaniya.
"Excuse me, kasalanan ko bang sinabi sakin ni Charles yun. Oppss." Bakas sa boses nito ang pang-aasar.
"Bakit mo sinabi kay papa ang tungkol sa amin ni Charles?" Seryoso kung tanong sa kaniya.
"Dapat lang na malaman ni tito yang mga pinaggagagawa mo, imagine Joy grade 6 kapalang natututo ka ng lumandi." Mabilis kung sinarado ang dalawang kamay ko dahil sa galit ng nararamdaman ko.
"A-anong sabi mo hah! Wala kang alam." Pigil ko sa sarili ko dahil baka kung ano lang ang magawa ko sa kaniya.
"Madami akung alam, tuwing gabi ba naman kami magkausap ng boyfriend mo eh." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at mabilis kung hinablot ang buhok niya, naramdaman ko namang hinawakan niya din ang buhok.
"Awatin niyo sila, padating na si maam." Dinig kung sabi ng isa sa mga nakatingin sa amin, pero hindi ko nayun pinansin pa.
"Anong nangyayari dito hah!" Mabilis kung naitulak si Sophia at napaupo ito sa sahig, nagulat ako ng mag-umpisa itong umiyak.
"S-siya po maam, sinabunutan niya po ako." Napataas naman ang kilay ko dahil sa inasta niya.
"Joy pumunta ka ng principal office pati ikaw Sophia sumama kayo sakin." Utos nito ang nag-umpisang maglakad paalis.
Mas lalong sumikip ang dibdib ko ng sabihin ni maam na pumunta kami ng principal office. Imposibleng hindi ito malaman nila mama at papa.
BINABASA MO ANG
Puppy Love
JugendliteraturNaranasan nyo na bang main-love. Magka-gusto? Magka-crush? Masaktan? Magpakatanga? Maloko? Umiyak? Maghabol? Yung akala mong siya na pero Hindi pala? Yung binigay mo yung best mo sa relasyon niyo pero Niloko kapadin niya? Naranas...
