Joy's POV
Simula nung araw na nanalo ako sa contest ay madami ng bumabati sa akin. Nag aadd sa facebook marami nading kumakausap sa akin. Aaminin kong hindi ako sanay dahil unang una. Hindi naman nila ako kinakausap noon hindi nga ako makapaniwalang kinakausap na nila ako ngayun yung tipong pagpasok ko palang ng gate may bubungad na sa akin at kakausapin ako. Awkward dahil hindi naman ganun ang dati. Hindi nga nila ako pinapansin at kinakausap noon. Kaya hanggang ngayun hindi padin ako nasasanay na marami ng kumakausap sa akin. Yung tipong naglalakad ako tapos biglang may bubungad sa akin at kakausapin ako yung iba nga feeling close pa eh -_- Hindi naman ako nagrereklamo masaya pa nga ako dahil may mga kumakausap na sa akin hindi lang talaga siguro ako sanay. Sanay kase ako noon ng hindi pinapansin.
Maraming bumati sa akin ng Congrats na ang galing galing ko daw. Aaminin kong nakakataba ng puso dahil sa mga sinasabi nila. Pero hindi ko padin maiwasang maging malungkot dahil yung isa sa mga mahalagang tao sa buhay ko hindi pako kinakausap hindi manlang siya nagrereply sa text o chat ko sakanya.
Simula nung nanalo ako hindi na din pumasok si charles tinetext ko siya pero hindi naman siya nagrereply. Lagi ko siyang chinachat at tinatanong kung bakit hindi siya pumapasok pero wala naman akong makuhang sagot dahil hindi naman siya nagoonline. Araw araw akong nagiiwan ng mensahe dahil nagbabakasakali ako na kapag nag online siya mabasa niya ang mga message ko sakanya. Akala ko nga siya ang unang babati sa akin nun eh! Pero nabigo ako dahil hindi naman siya pumasok nung araw na sinabi ng principal na Panalo ako. Wala siya nung araw na yun kaya feeling ko talo padin ako dahil wala dun ang taong isa sa mga naging Inspirasyon ko. Nakakalungkot nga dahil hanggang ngayun absent pa din siya. Gusto kong itanong sa mga kaibigan niya kung bakit absent si charles pero baka wala naman akong makuhang sagot sa kanila. Ilang beses ko nading tinangkang tanungin si Mama at kausapin pero umuurong ang dila ko. Nauuna ang hiya ko eh! Sa mga araw na hindi ko siya nakikita nararamdaman ko din ang pagtamlay ng puso ko. Yung moment na maaga akong laging pumapasok at hinihintay na pumasok siya pero palagi akong nabibigo. Nalulungkot ako dahil hindi ko siya nakikita at nakakausap. Sanay kase akong lagi ko siyang nakikita at nakakausap. Halos magiisang linggo na siyang absent pero hindi pa din ako sumusukong hintayin siya. Iniisip ko nalang na baka may emergency kaya absent. Naiinis lang ako dahil hindi siya nagrereply sa text at chat ko sakanya. Kahit sabihin niya lang sa akin na ayos lang siya magiging maayos nadin ako pero hindi eh! Wala manlang siyang paramdaman -_- Alam kong wala akong karapatan na umarte ng ganito dahil unang una hindi naman niya ko girlfriend -_- Pangalawa kaibigan niya lang ako pasensya na meron kase akong nararamdaman eh T_T
Halos isang linggo ko na siyang hinihintay pumasok pero palagi padin akong nabibigo. Maaga akong pumapasok at hinihintay siya sa labas nagbabakasakaling dumaan yung sasakyan nila at makitang bumaba siya dun pero Wala.
Napabuntong hininga nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad as usual absent nanaman siya. Balak ko ngang kausapin ang ibang kaibigan ni charles kaso nahihiya naman ako tsaka hindi ko naman ka close yung mga yun tsaka baka kung ano pa ang isipin ng mg yun. Siguro naman papasok nadin yun si charles hihintayin ko nalang siguro. Hawak ko namang mabuti ang mga folder na binigay sa akin ni Maam sabi niya na idala ko daw ito sa Section A at ibigay kay Maam Mich dahil kailangan daw ni Maam ito. Kaya ngayun naglalakad ako patungong section A kung dati excited akong dumadaan sa section A dahil makikita ko si daga pero ngayun hindi na. Dahil alam ko namang wala siya T_T ng dumaan ako sa Classroom nila ay hindi ko napigilang tumingin padin sa loob at umasang makita siya dun. Pero nabigo lang ako dahil wala akong nakitang Charles Angelo San Pedro sa loob ibang lalaki na ang nakaupo sa upuan niya.
Hanggang kelan mo ba ako paghihintayin hah! Daga!? Kailan kaba magpapakita sa akin? Hindi mo ba alam na gustong gusto na kitang makita marami pakong gustong ikuwento sayo kung paano ako nanalo kung paano ako umiyak dun sa may stage dahil panalo ako. Madami nakong gustong sabihin sakanya gustong gusto ko nadin siya ulit asarin gusto ko na ulit makita ang mukha niyang naiinis at naasar. Pati pagngiti niya gusto ko na ulit makita pati yung pangaasar niya sa akin na Chicken Joy gusto ko ng marinig yun. Miss na miss ko na yung boses niya gustong gusto ko na ulit marinig ang salitang lagi niyang tinatawag sa akin. Na walang kahit sino ang tumatawag nun sa akin kung hindi siya lang. Marami akong gustong sabihin sayo charles pero nasaan ka? Makikita paba kita? Isang linggo nakung naghihintay sa pagdating mo? Pero palagi lang akong nabibigo sabihin mo naman sa akin kung magpapakita kapaba? Para mahintay ulit kita dahil itong nararamdaman ko para sakanya hindi basta pagkagusto nalang. Alam ko sa sarili ko na Mahal ko na siya na malalim na yung nararamdaman ko para sakanya. Na sa sobrang lalim hindi nako makaahon at habang buhay nakong nandun sa malalim nayun. Pangako charles sabihin mo lang sa akin na may balak kapang magpakita Pangakong gaganahan pakong hintayin ka.
BINABASA MO ANG
Puppy Love
Novela JuvenilNaranasan nyo na bang main-love. Magka-gusto? Magka-crush? Masaktan? Magpakatanga? Maloko? Umiyak? Maghabol? Yung akala mong siya na pero Hindi pala? Yung binigay mo yung best mo sa relasyon niyo pero Niloko kapadin niya? Naranas...