Chapter Sixteen

166 33 9
                                    

Joy's POV

Pinilit kong tanggapin na hindi ko na siya makikita. Mahirap pero kailangan eh! Yun lang naman ang pagpipilian ko diba? Ang Tanggapin kahit mahirap kahit masakit.Hindi ko alam kung paano kaming napunta sa puntong ganito. Paano ako napunta sa puntong ganito? Hindi ko akalain na magiging bahagi ng buhay ko si Charles. Simula nung araw na umalis siya ay sinubukan kong bumalik sa dati. Pero kahit anong gawin ko bumabalik lang ako sakanya! Kahit gusto kong kumawala hindi ko magawa. Sana panaginip nalang yung nangyare napakasakit kaseng tanggapin na wala na siya! Hindi ko na siya makakausap ng sobrang lapit sa akin. Tuwing pipikit ako ay siya lang ang nakikita ko. Simula nung unang beses ko siyang nakita, at nagustuhan. Tuwing ipipikit ko ang aking mga mata ay nakikita ko lang kung paano niya ko tinalikuran nung araw na yun. Masakit! diba hindi ko naman dapat nararamdaman ito diba? Pero anong magagawa ko kahit pigilan kong hindi maramdaman to kusa ko ng nararamdaman! 

Simula nung umalis siya ay palagi nakong tinatamad gumising at pumasok. Nakakatamad palang pumasok lalo kapag alam mong hindi mo siya makikita na hindi mo na siya makikita. Napakahirap gumising sa umaga lalo na kapag sobrang bigat ng dibdib mo. Yung iniisip mo palang na hindi mo na siya makikita sobrang sakit na. T_T Alam kong napapansin nadin ako nila kuya napapansin na nila ang pagiging matamlay ko palagi nilang tinatanong sa akin na kung ano daw ba ang problema ko? Kahit naman siguro sabihin ko hindi nila maiintindihan. Siguro nandun na siya sa bago niyang school. Sana maging maayos lang siya dun. 

"Anak. Aalis si mama sasama ka?" Nagising naman ako sa realidad ng marinig kong magsalita si mama. Tumingin ako sakanya at bakas sa mukha niya ang pagaalala para sa akin. Napabuntong hininga nalang ako at hininaan ko ang Volume ng T.V at tumingin kay mama na hanggang ngayun nakatingin sa akin. Minsan nga iniisip ko alam kaya nila na nasasaktan ako ngayun? Alam ba nila na meron akong isang taong iniiyakan. Alam ba nila na merong isang lalaki na namimiss ng anak nila. Alam kaya nila ang nararamdaman ko? 

"Hindi napo mama. Dito nalang po ako para may magbantay ng bahay." Walang ganang sagot ko kay mama. Nakita ko namang napabuntong hininga siya at seryosong tumingin sa akin. Agad ko namang iniwas ang tingin ko. 

"Sigurado ka? Ikaw lang ang mag-isa dito? Gusto mo sumama kanalang." Saad ni mama. Tumingin naman ako sakanya.

"Hindi napo mama. Ayos lang ako dito." Pilit na ngiting sabi ko. Nakita ko namang napabuntong hininga ulit siya. 

"Sige." Saad ni mama. "May pagkain diyan ah. Kumain ka wag kang magpapalipas ng gutom. Tsaka si kuya mo maya-maya pauwi nayun." Saad ni mama. Tumango naman ako sakanya at pilit na ngumiti. "Sige alis nako." Saad ni mama at hinalikan ako sa noo. Pinanood ko naman siyang lumabas ng bahay at muling tumingin sa pinapanuod ko pero wala naman akong maintindihan. Pinatay ko nalang ito at umakyat na lang sa taas. 

Pagpasok ko sa kwarto ko ay kinuha ko na ang Laptop ko. Binuksan ko ito at agad nagopen ng facebook. Balak kong kausapin si charles sana manlang online siya. Sabi niya magchat daw kami pero hindi naman siya nag-oonline. Napabuntong hininga naman ako ng makita kong hindi siya online nag-iwan nalang ako ng mensahe sakanya ulit para sakaling mag-online siya mabasa niya. 

| Hi daga :P Kamusta kana? Mag Online kana para makapag-chat na tayo. Kamusta kana nga pala diyan?| Chat ko sakanya. Sana manlang magonline siya kahit saglit lang. Napabuntong hininga nalang ako at pinuntahan ang Timeline niya. Pumunta naman ako sa mga photos niya Hindi ko naman maiwasang mapangiti sa mga litrato niya lahat kase yun parang stolen at halatang naiirita siya nung kinunan yun. Natawa naman ako ng makita ko ang picture niya nung bata siya. Siguro mga kinder siya nito naka poker face siyang nakatingin sa Camera. Meron naman siyang picture na nakangiti pero halatang pilit. Hindi yata uso sakanya ang smile noon eh? Napapailing nalang ako at natatawang sinisave sa laptop ko ang pictures niya. Ginawa ko itong Wallpaper ng Laptop ko siguro naman walang makakakita nito dahil lalagyan ko naman ng password ang laptop ko. Pinagpatuloy ko naman ang ginagawa ko lahat ng pictures na nakikita ko ay talagang natatawa ako. Lalo na sa mukha niyang Poker face. Halatang galit talaga siya sa camera? Hindi siguro sila friends Haha! Habang iniistalk ko ang photos niya ay biglang may nagmessage sakin. Halos malaglag naman ako sa kama ko ng makita kong si Charles yun. Dali dali kong pinindot at binuksan dahil naka off chat ako. 

Puppy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon