Chapter Twenty One

169 29 6
                                    

Angel's POV

Lunch na nakita ko sina Joy at bryan sa labas ng classroom namin. Lalo namang sumikip ang dibdib ko ng makita ko siya. Isa yun sa mahalagang araw sa aming dalawa tapos makakalimutan niya? Seriously? Huminga naman ako ng malalim ng sabi ni Maam na pwede na daw kaming lumabas hindi ko alam kung paano ko siya haharapin? Gustong gusto ko siyang iwasan pero ang puso ko gustong gusto siyang makasama! Kahit nakalimutan niya ang isa sa mga mahalagang araw sa aming dalawa. Hindi ko nga maintindihan dahil ang pagkakaalam ko wala naman kaming problemang dalawa. Magkausap pa nga kami bago ang Monthsary namin tapos kinabukasan bigla nalang siyang naging ganyan! Cold hindi niya manlang ako sinundo sa bahay tapos hindi niya manlang ako kinausap ng maayos ng puntahan ko siya sa Classroom nila ni Joy. Tapos maabutan ko pang may kalandian siyang iba! Sino ba ang hindi maiiyak dun? 

Kinakabahan naman akong lumabas ng Classroom. Inaasahan ko na sana manlang mag-sorry siya ngayun pansinin niya ko. Dalhin niya ang bag na dala dala ko at yakapin ako ng mahigpit. Yan kase ang lagi niyang ginagawa sa akin kapag sinusundo nila ako ni Joy. Pero mukhang imposible. 

"Tara na." Bigla namang sumikip ang dibdib ko ng hindi niya ko pansinin at bigla nalang itong naglakad papunta sa canteen! Ano bang problema niya hindi ba niya alam na nasasaktan nako sa mga ginagawa niya! Napatingin naman ako kay joy na kasalukuyang nakatingin sa akin ngayun. 

"Tara na bess." Yaya ko sakanya at hinila ang braso niya nakita ko namang tumango siya at ngumiti. Wala akong maisip na dahilan kung bakit nagkakaganyan siya! Ayos naman kami eh. Masaya kami! Tapos bigla siyang magiging ganyan ng hindi ko naman alam kung bakit tapos sa mismong Monthsary pa namin. Pinilit ko namang pakalmahin ang sarili ko dahil baka maiyak nanaman ako. 

Pagdating namin sa Canteen ay nandun na siya at may pagkain nadin dun. Umupo ako sa tabi niya at si Joy naman ang nasa harapan namin. Dahan dahan naman akong umayos ng upo at kumain. 

Habang kumakain kami ay walang nagsasalita sa aming tatlo. Napapatingin ako kay bryan at umaasang tumingin manlang siya sa akin pero nabigo ako! Pinigilan ko naman ang nagbabadyang luha ko. Ayokong umiyak sa harapan niya! Nakita kong napapatingin sa akin si Joy pero kapag tumitingin ako sakanya ay iniiwas niya lang ang tingin niya. 

Hanggang sa matapos kaming kumain tatlo ay wala pading nagsasalita sa amin. Aaminin kung gustong gusto kong kausapin si bryan pero baka mapahiya lang ulit ako. Siguro hindi lang talaga ayos ang pakiramdam niya o di kaya wala siya sa Mood kaya siya ganyan! Sana! 

Libangan nanaming tatlo ang magpahinga muna dito sa canteen pagkatapos kumain. Napatingin naman ako kay Joy ng maglabas ito ng cellphone at maya maya ay ngumingiti kilala niyo naman siguro kung sino yung katext niya diba.  Buti pa sila ni Charles maayos at masaya. Kaming dalawa ni bryan hindi ko alam! Hindi ko nga alam kung maayos ba kami o hindi pero sa tingin ko sa inaasta niya hindi kami maayos. Pilit ko namang iniisip kung ano ba yung ginawa ko para magkaganyan siya dahil kanina ko pa iniisip kung may nagawa ba kung masama o mali pero wala naman akong naaalala. Bigla nalang siyang naging ganyan! Bigla nalang siyang hindi mamamansin o makikipag usap. 

Kung dati naglalambingan kami ngayun daig pa namin hindi magkakilala dahil walang nakikipag-usap sa aming dalawa. Nasasaktan ako sa mga inaasta niya ngayun. Sino ba namang magiging masaya hindi ba? Monthsary niyo tapos ganyan yung boyfriend mo Timang naman ata ang magiging masaya kapag ganyan ang boyfriend mo sayo. 

Parehas naman kaming nakatingin kay Joy na kilig na kilig ngayun hindi ko naman maiwasang mapangiti at maging masaya para sakanya. Kung writer lang ako sinulat ko na sa wattpad ang Lovestory nila ni charles! Haha ang title The more you hate the more you love. Naaalala ko pa nun noong mga panahon na ikinukwento ko pa sakanya si Charles noon. Naalala ko pa kung gaano siya kairita nun lalo na kapag binabanggit ko ang pangalan ni charles. Natatawa nga ako dahil hindi pa naman niya nakikita si Charles pero ayaw na niya dito. Kaya nga nagulat ako ng sinabi niya sa akin na crush nya daw noon si Charles. Kinikilig nga ako tuwing makikita ko silang dalawang nagkukulitan kapag time ng Practice namin. Yung tipong may sarili silang mundong dalawa wala silang pakielam sa paligid nila. Tapos malalaman kong nanliligaw na sakanya si Charles hindi nako nagulat dahil mukhang gusto din naman siya ni charles eh! Buti nga tinantanan na niya si sophia eh! Sa totoo lang hindi ko naman nakakausap ng matagal si sophia o di kaya'y nakakasama ng matagal! Hindi ko alam pero ayoko sakanya! Sa lahat ng mga naging kaibigan ko si Joy lang talaga ang pinagkatiwalaan ko. Minsan kase nagiiba ang ugali ni sophia lalo na kapag nandyan si charles sa tabi tabi alam niyo na Pabebe -_- Tapos kapag balak naman siyang ligawan binubusted naman niya. Mahirap siyang intindihin sa totoo lang eh! Buti nga nakahanap na ng iba si charles at masaya ko na sa kaibigan ko siya napunta. 

Puppy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon