Chapter Twenty Three

210 20 0
                                        

Angel's POV

Napabuntong hininga nalang ako habang nakatingin sa kalangitan. Hanggang ngayun mabigat padin ang pakiramdam ko. Kayo ba magkaganon ng boyfriend mo? Hindi ka magkakaganito tsk! Siguro naman naiintindihan niyo yung nararamdaman ko. Ang totoo niyan hindi naman talaga ako nagpahatid kay enrique sa gate niya lang ako hinatid! Kahit naman magkaaway kami ni bryan hindi ko naman gagawin yun. Gusto ko lang maka alis sa harapan niya nun dahil nagtatampo padin ako sakanya dahil sa ginawa niyang hindi pagpansin sakin. Nakakainis nga eh maghapon niya kung hindi pinansin tapos bigla nalang siyang pupunta ng Classroom na parang walang nangyare. Ano ba tingin niya sa akin? Kakausapin at papansinin niya lang kapag gusto niya! Manigas siya hindi ko siya papansinin wala nakung pakielam kong magtampo siya sa akin. Basta hindi ko siya papansinin ano? ako pa makikipag bati sakanya! Manigas siya. 

Padabog kong nilagay sa higaan ang Phone ko hindi siya nagpaparamdam sige lang! Basta bukas talaga hindi ko siya papansinin. Siya na nga may kasalanan hindi manlang siya magparamdam sa akin. Anong oras na pero hindi padin siya nakikipag bati sa akin tapos hindi niya manlang akong binabati na Happy Monthsary sige lang! 

Padabog naman ulit akong pumunta ng higaan ko at padabog na kinuha ang phone ko. Binuksan ko ito agad naman ulit nag init ang dugo ko ng makita kong hindi padin niya ko tinetext! Hindi naman porket hindi ko siya tinetext,kinakausap o tinatawagan hindi ko na siya namimiss. Hindi naman palagi ako babae ako! Dapat siya ang makipag bati lalo na siya ang may kasalanan kung bakit kami nagkakaganitong dalawa. Handa ko naman siyang patawarin eh pero wala manlang siyang ginagawa nakakainis! Kung kasalanan ko naman willing naman akong mag-sorry sakanya pero hindi naman ako ang may kasalanan kung hindi siya! Siya nagumpisa ng hindi pagpansin sakin eh! 

Fine! Nagsisisi nako dahil hindi ko siya kinausap kanina oras oras kong pinagsisisihan yun oras oras kung sinisisi ang sarili kung bakit hindi ako pumayag na makipag-usap sakanya. Masisisi niyo bako? Babae ako syempre galit ako kaya ginawa ko yun tsaka wala naman akong balak na kausapin yung enrique nayun nagkataon lang na nandun si enrique at gusto akong kausapin sakto naman nakita kong papunta ng Classroom si Bryan kaya gumawa ako ng eksena kahit hindi naman bukal sa kalooban ko yun. Nasasaktan ako sa tuwing nagagalit siya sa akin lalo na kapag nakikita kong nasasaktan at nagseselos siya. Anong gusto niyong maramdaman ko matuwa? Nagseselos na nga siya matutuwa pako. Minsan natutuwa ako kapag nakikita ko siyang naiinis o nagseselos kay enrique pero kapag nakikita kong seryoso na siya at galit hindi nako natutuwa syempre. 

Napabuntong hininga nalang ulit ako at muling hinagis ang phone ko sa kama ng wala akong mabasang message niya dun. Hindi naman siguro siya masisira dahil malambot ang kama ko! 

Nakakainis hindi naman siya ganyan eh! Kahit ako may kasalanan siya ang nakikipagbati Kasalanan ko din naman kase dahil tinakot ko siya na makikipag-break ako sakanya! Alam kong hindi ko dapat ginawa o sinabi yun. Nabigla lang naman ako dahil gustong gusto ko ng makaalis sa harapan niya dahil baka dun pako umiyak ng umiyak sa harapan niya. Dahil nasaktan ako ng makita ko siya gustong gusto ko siyang yakapin ng manghingi siya ng tawad sa akin! Alam kung totoong nanghihingi siya ng tawad bakas yun sa boses niya pero dahil nga nagtatampo ako hindi ko siya pinagkinggan at nag inarte ako sige na ako na mali! Siguro naman naiintindihan niyo ko dahil nagtatampo lang naman ako sakanya. Naiinis nga ako dahil hindi manlang siya pumunta dito sa bahay para kausapin ako at para makipag bati. Maghahating gabi na pero hinahayaan niyang magkaaway kaming dalawa. Hindi naman siya ganito eh! Hindi siya pumapayag na palagi kaming magkaaway dalawa. Pinakamatagal naming pag-aaway ay isang oras lang talaga. Pero ngayun mag-aanong oras na hindi padin kami maayos dalawa. 

Naiinis ako sakanya pero hindi ko naman maiwasang mainis din sa sarili ko dahil hindi ko siya hinayaang mag-explain kanina! Dahil nga nagtatampo ako naiinis. 

Puppy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon